Kapisanang Inang Wika - PHSIN

Directions

Kapisanang Inang Wika - PHSIN Ito ang opisyal at bagong page ng Kapisanang Inang Wika (KIW) ng Pasuquin High School of Ilocos Norte, Inc. (PHSIN)

IKATLONG | 𝗡𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗯𝘂𝘄𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗲𝗹𝗲𝗯𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻, 𝗻𝗴𝘂𝗻𝗶𝘁 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗸𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗶𝘀𝘂𝘀𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴! 🇵🇭Matagumpay at makabuluhang nai...
29/08/2026

IKATLONG | 𝗡𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗯𝘂𝘄𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗲𝗹𝗲𝗯𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻, 𝗻𝗴𝘂𝗻𝗶𝘁 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗸𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗶𝘀𝘂𝘀𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴! 🇵🇭

Matagumpay at makabuluhang naisara ang ating pagdiriwang ng Buwan ng Wika! Sa ilalim ng temang “𝗪𝗶𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗮𝘁 𝗔𝗜: 𝗞𝗮𝘀𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗽𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗹𝗶𝗸𝘀𝗶𝗸 𝗮𝘁 𝗧𝘂𝗹𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗬𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗜𝗺𝗽𝗼𝗿𝗺𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻,” pinatunayan nating ang ating sariling salita ay matibay na tulay sa karunungan at kayang makipagsabayan sa makabagong panahon.

Makikita ang sigla sa bawat paligsahan, parada, at pagpapalitan ng kaisipan. Ipinagpapasalamat natin ang pagkakaisa, sipag, at wagas na pakikiisa ng bawat g**o, mag‑aaral, at pamunuan. Ang ningning ng ating kultura ay lalong yumabong dahil sa inyo!

Ang tagumpay na ito ay hindi lamang pang‑isang buwan. Ito ay bitbitin natin sa bawat araw na ating gagamitin at mahalin ang sariling atin. Mabuhay ang Wikang Filipino! ❤️

IKALAWANG BAHAGI | 𝗡𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗯𝘂𝘄𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗲𝗹𝗲𝗯𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻, 𝗻𝗴𝘂𝗻𝗶𝘁 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗸𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗶𝘀𝘂𝘀𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴! 🇵🇭Matagumpay at makabulu...
29/08/2026

IKALAWANG BAHAGI | 𝗡𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗯𝘂𝘄𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗲𝗹𝗲𝗯𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻, 𝗻𝗴𝘂𝗻𝗶𝘁 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗸𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗶𝘀𝘂𝘀𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴! 🇵🇭

Matagumpay at makabuluhang naisara ang ating pagdiriwang ng Buwan ng Wika! Sa ilalim ng temang “𝗪𝗶𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗮𝘁 𝗔𝗜: 𝗞𝗮𝘀𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗽𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗹𝗶𝗸𝘀𝗶𝗸 𝗮𝘁 𝗧𝘂𝗹𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗬𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗜𝗺𝗽𝗼𝗿𝗺𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻,” pinatunayan nating ang ating sariling salita ay matibay na tulay sa karunungan at kayang makipagsabayan sa makabagong panahon.

Makikita ang sigla sa bawat paligsahan, parada, at pagpapalitan ng kaisipan. Ipinagpapasalamat natin ang pagkakaisa, sipag, at wagas na pakikiisa ng bawat g**o, mag‑aaral, at pamunuan. Ang ningning ng ating kultura ay lalong yumabong dahil sa inyo!

Ang tagumpay na ito ay hindi lamang pang‑isang buwan. Ito ay bitbitin natin sa bawat araw na ating gagamitin at mahalin ang sariling atin. Mabuhay ang Wikang Filipino! ❤️

UNANG BAHAGI | 𝗡𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗯𝘂𝘄𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗲𝗹𝗲𝗯𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻, 𝗻𝗴𝘂𝗻𝗶𝘁 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗸𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗶𝘀𝘂𝘀𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴! 🇵🇭Matagumpay at makabuluhang...
29/08/2026

UNANG BAHAGI | 𝗡𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗯𝘂𝘄𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗲𝗹𝗲𝗯𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻, 𝗻𝗴𝘂𝗻𝗶𝘁 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗸𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗶𝘀𝘂𝘀𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴! 🇵🇭

Matagumpay at makabuluhang naisara ang ating pagdiriwang ng Buwan ng Wika! Sa ilalim ng temang “𝗪𝗶𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗮𝘁 𝗔𝗜: 𝗞𝗮𝘀𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗽𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗹𝗶𝗸𝘀𝗶𝗸 𝗮𝘁 𝗧𝘂𝗹𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗬𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗜𝗺𝗽𝗼𝗿𝗺𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻,” pinatunayan nating ang ating sariling salita ay matibay na tulay sa karunungan at kayang makipagsabayan sa makabagong panahon.

Makikita ang sigla sa bawat paligsahan, parada, at pagpapalitan ng kaisipan. Ipinagpapasalamat natin ang pagkakaisa, sipag, at wagas na pakikiisa ng bawat g**o, mag‑aaral, at pamunuan. Ang ningning ng ating kultura ay lalong yumabong dahil sa inyo!

Ang tagumpay na ito ay hindi lamang pang‑isang buwan. Ito ay bitbitin natin sa bawat araw na ating gagamitin at mahalin ang sariling atin. Mabuhay ang Wikang Filipino! ❤️

Matagumpay at maayos na naisagawa ang ating paligsahan sa Dagliang Talumpati ngayong araw, Agosto 28, 2026, mula 3:30 ha...
28/08/2026

Matagumpay at maayos na naisagawa ang ating paligsahan sa Dagliang Talumpati ngayong araw, Agosto 28, 2026, mula 3:30 hanggang 5:00 ng hapon.

Sampung (10) mahuhusay at matatapang na mag‑aaral mula sa Pasuquin High School of Ilocos Norte, Inc. ang buong pusong humarap at nagpakita ng kanilang galing. Kahit ibinigay lamang ang tiyak na paksa bago magsimula at binigyan ng maikling panahon para maghanda, bawat isa ay naglabas ng talas ng isipan, sariling pananaw, at damdamin sa pamamagitan ng ating wika.

Isang mainit na pagpupugay sa bawat kalahok, sa mahusay na pagpapadaloy ng programa, at sa mga huradong naging gabay at saksi sa kanilang husay!

Buhay at makapangyarihan pa rin ang Wikang Filipino. Patunay na handa itong harapin ang bawat hamon ng makabagong panahon. 🇵🇭🗣️

Malugod at buong puso namin kayong inaanyayahan na dumalo at makiisa sa dakilang pagtatapos ng ating pagdiriwang. Gagana...
28/08/2026

Malugod at buong puso namin kayong inaanyayahan na dumalo at makiisa sa dakilang pagtatapos ng ating pagdiriwang. Gaganapin ito bukas, ika‑29 ng Agosto 2026, mula 7:00 hanggang 11:30 ng umaga.

Isasagawa ang palatuntunan sa Pasuquin High School of Ilocos Norte, Inc., na pinapatnubayan ng makabuluhang temang:
“Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.”

Ang inyong presensya ay magsisilbing karangalan at inspirasyon sa bawat kalahok at tagapagtaguyod. Sama‑sama nating itaguyod, pahalagahan, at ipagmalaki ang ating sariling wika bilang matibay na tulay ng karunungan at pagkakakilanlan sa harap ng makabagong panahon.

Inaasahan namin ang inyong masiglang pakikibahagi at pagsama sa makabuluhang pagtitipon na ito 🇵🇭

Handa ka na bang gamitin ang iyong lakas sa pagsasalita at linaw ng kaisipan upang ipahayag ang iyong paninindigan? Hali...
27/08/2026

Handa ka na bang gamitin ang iyong lakas sa pagsasalita at linaw ng kaisipan upang ipahayag ang iyong paninindigan? Halina’t ipakilala ang iyong sariling tinig at damdamin! 🗣️

1. Ang patimpalak na ito ay bukas para sa lahat ng mag‑aaral sa Pasuquin High School of Ilocos Norte, Inc. mula Ika‑7 hanggang Ika‑12 na Baitang. Bawat seksyon ay magpapadala ng isang kinatawan.

2. Ibibigay lamang ang tiyak na paksa na nauugnay sa tema bago magsimula ang paligsahan. Bibigyan sila ng limang (5) minuto para sa paghahanda at pag‑iisip bago humarap.

3. Ang bawat talumpati ay dapat malinaw, maayos ang daloy, puno ng damdamin, at hindi lalampas sa tatlong (3) minuto. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkopya sa gawa ng iba — dapat ay sariling isip at puso ang batayan.

4. Napagkasunduan na kung sinong seksyon ang hindi makapagpapadala ng kinakailangang bilang ay papatawan ng multang limang daang piso.

5. Gaganapin ang paligsahan bukas, Agosto 28, 2026 mula 3:30 hanggang 5:00 ng hapon.

6. Ang pasya ng mga hurado ay pinal at hindi na mababago.

MGA PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA:

Nilalaman at Kaugnayan sa Paksa — 40%
Kalinawan at Husay ng Pagbigkas — 30%
Pagpapahayag ng Damdamin — 20%
Pagkukusa at Pagkakaisip — 10%
KABUOAN: 100 %

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE, INC. — Naging matagumpay ang pagsasagawa ng WIKARATULA: Patimpalak sa Poster‑Sloga...
26/08/2026

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE, INC. — Naging matagumpay ang pagsasagawa ng WIKARATULA: Patimpalak sa Poster‑Slogan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika.

Labing- apat (14) na kinatawan mula sa iba’t ibang antas ang nagpaikot ng kanilang galing sa sining. Bawat seksyon ay tumugon sa hamon at nagpadala ng isa o dalawang kalahok upang ipakita ang kanilang husay sa pagguhit at pagbuo ng kaisipan.

Ang diwa ng temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon” ay malinaw na makikita sa bawat guhit at salita—buo ang mensahe, orihinal ang istilo, at maayos na naipakita ang samahan ng wika at makabagong dunong.

Ang opisyal na pagpapahayag ng mga magwawagi ay itinakda sa darating na Pampinid na Palatuntunan sa Agosto 29.

Ipinatunay ng gawaing ito na ang ating wika ay hindi naluluma—ito ay masigla, bukas sa pagbabago, at mananatiling matibay na sandigan ng ating kultura sa harap ng makabagong panahon.

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE, INC. — Matagumpay na naisagawa ang Patimpalak sa Paglikha ng Digital Logo bilang b...
26/08/2026

PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE, INC. — Matagumpay na naisagawa ang Patimpalak sa Paglikha ng Digital Logo bilang bahagi ng masiglang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026! 🇵🇭

Sampung (10) mahuhusay na mag‑aaral ang nakibahagi, kung saan ang bawat seksyon ay nagpadala ng isa o dalawang kinatawan upang ipamalas ang kanilang galing sa pagdidisenyo at lawak ng kanilang imahinasyon.

Isinabuhay nila ang diwa ng temang: “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon” sa pamamagitan ng malinaw, orihinal, at makabuluhang biswal na pagpapahayag.

Ang pagpapakilala sa mga magwawagi ay gaganapin sa darating na Pampinid na Palatuntunan sa Ika‑29 ng Agosto. Inaanyayahan ang lahat na dumalo at saksihan ang pagkilala sa mga natatanging likha at likas na husay ng ating mga mag‑aaral!

Isang mainit na pagbati at pasasalamat sa bawat kalahok! Ang inyong dedikasyon at pagmamahal sa sining at sariling wika ay patunay na ito ay buhay, patuloy na yumayabong, at maayos na nakasasabay sa makabagong panahon at teknolohiya. 🎨✨

Handa ka na bang gamitin ang iyong galing sa paglikha at pagguhit upang ipakita na ang Wikang Filipino at Teknolohiya ay...
24/08/2026

Handa ka na bang gamitin ang iyong galing sa paglikha at pagguhit upang ipakita na ang Wikang Filipino at Teknolohiya ay magkaakibat sa paglikha ng yaman ng impormasyon? Halina’t hubugin at likhain ang sarili mong sining at mensahe!

1. Ang patimpalak na ito ay bukas para sa lahat ng mag-aaral sa Pasuquin High School of Ilocos Norte, Inc. mula Ika‑7 hanggang Ika‑12 na Baitang; bawat seksyon ay magpapadala ng isa o dalawang kalahok.

2. Ang likhang inyong gagawin ay dapat malinaw at sumasalamin sa temang: “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon”.

3. Kailangang nakahanda na ang sariling burador bago pumasok sa silid na pagdadausan ng patimpalak. Dapat ito ay orihinal na likha; mahigpit na ipinagbabawal ang pagkopya sa gawa ng iba o pagkuha nang buo sa internet — ang sinumang mahuli ay awtomatikong matatanggal sa laban.

4. Gamitin lamang ang iyong sagisag‑panulat at huwag isama ang iyong tunay na pangalan sa iyong gawa.

5. Napagkasunduan na kung sinong seksyon ang hindi makapagpapadala ng kinakailangang bilang ng kalahok ay papatawan ng multang limang daang piso.

6. Gaganapin ang patimpalak sa Miyerkules — Agosto 26, 2026 — mula 3:00 hanggang 5:00 ng hapon.

7. Ang pasya ng mga hurado ay pinal at hindi na mababago.

Mga Pamantayan sa Pagmamarka:

Pagkamalikhain — 40%
Kaangkupan sa Tema — 30%
Orihinalidad — 20%
Kalidad at Mensahe — 10%
KABUOAN: 100%

Handa ka na bang gamitin ang iyong galing sa disenyo upang ipakita na ang Wikang Filipino at Teknolohiya ay magkaakibat ...
24/08/2026

Handa ka na bang gamitin ang iyong galing sa disenyo upang ipakita na ang Wikang Filipino at Teknolohiya ay magkaakibat sa paglikha ng yaman ng impormasyon? Halina’t hubugin at likhain ang sariling sagisag ng Kapisanan.

1. Ang patimpalak na ito ay bukas para sa lahat ng mag-aaral sa Pasuquin High School of Ilocos Norte, Inc. mula Ika‑7 hanggang Ika‑12 na Baitang; bawat seksyon ay magpapadala ng isa o dalawang kalahok.

2. Ang disenyong inyong gagawin ay dapat malinaw at sumasalamin sa temang: “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon”.

3. Kailangang nakahanda na ang sariling burador bago pumasok sa silid na pagdadausan ng patimpalak. Maaaring gamitin ang anumang aplikasyon o kagamitang panteknolohiya — tulad ng Canva, Photoshop, at iba pa ngunit mahigpit na ipinagbabawal ang pagkopya sa gawa ng iba o pagkuha nang buo sa internet.

4. Isumite ang natapos na gawa sa format na JPEG o PNG, na may sukat na 1200 x 1200 pixels. Sa pagpapangalan ng file, gamitin lamang ang iyong sagisag‑panulat o palayaw. Huwag isama ang iyong tunay na pangalan.

5. Napagkasunduan na kung sinong seksyon ang hindi makapagpapadala ng kinakailangang bilang ng kalahok ay papatawan ng multang limang daang piso.

6. Gaganapin ang patimpalak sa Miyerkules - Agosto 26, 2026 - mula 3:00 hanggang 5:00 ng hapon.

7. Ang pasya ng mga hurado ay pinal at hindi na mababago.

Mga Pamantayan sa Pagmamarka:

Kaugnayan sa Tema — 40%
Orihinalidad at Pagkamalikhain — 30%
Kalidad ng Disenyo at Mensahe — 30%
KABUOAN: 100%

Address

Poblacion #3 Pasuquin, Ilocos Norte
Pasuquin
2917

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapisanang Inang Wika - PHSIN posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share