12/06/2026
Sa pagdiriwang natin ng ika-128 anibersaryo ng pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas, ginugunita natin kung paano napagtanto ng iba't ibang mamamayan ng ating kapuluan na bumubuo tayo ng iisang sambayanan at ating, “ipinahayag ang kanilang pasiyang isakatuparan, gaya ng kanilang aktuwal na isinakatuparan, ang kanilang sariling soberanya”. Mula sa sakripisyo ng ating mga bayani, nakamit natin ang ating Soberanya at Kalayaan.
Sa ating pagsisikap na itaguyod ang pagkakaisa at pagkakabuklod-buklod, patuloy nating tinatamasa ang karapatang maging mga tagapamandila ng liwanag ng kalayaang ito. Sa ating pagsasakripisyo sa pagsulong ng kaunlaran para sa bawat Pilipino, pinapahalagahan natin hindi lamang ang dignidad ng bawat isa, ngunit pati ang kaginhawaan ng ating mga pamayanan at buong bansa.
Kaisa ang UA&PUFM sa mahalagawang gawain ng pagtataguyod ng karapatan at kabutihan ng mga manggagagawa para sa ikauunlad ng ating pamantasan at bansa. Maligayang Araw ng Kalayaan!
Photo Credit: Philippine News Agency photo by Yancy Lim