03/08/2025
LGBT Pilipinas Inc.
PABATID SA PUBLIKO:
Ang LGBT Pilipinas Inc. po ay hindi βLGBT Filipinas Incβ gaya ng pagpapakilala ng dalawang mapagpanggap na nasa larawan.
Sila po ay matagal ng tiniwalag sa LGBT Pilipinas.
Ipinapaabot ng LGBT Pilipinas sa sambayanan na sina a.k.a Barbie Arcache at Chikadora Go ay pinalayas at tuluyang tinanggal sa samahan dahil sa malubhang pagpapanggap at sa mga gawaing tahasang laban sa interes ng organisasyon.
Mariing pinangangalagaan ng LGBT Pilipinas ang pangalan at dangal nito laban sa anumang uri ng malisyosong pagpapanggap at panlilinlang. Ang dalawang ito ay matagal nang nagpapalaganap ng kalituhan sa publiko, gumagalaw nang walang pahintulot, at ginagamit ang pangalan ng organisasyon para sa pansariling kapakinabangan.
Pinag-iingat namin ang publiko na anumang kilos, pakikipag-ugnayan, o pahayag na nagmumula kina Barbie Arcache at Chikadora Go ay HINDI kinikilala, pinahihintulutan, o sinusuportahan ng LGBT Pilipinas β sa anumang paraan o anyo.
Ang LGBT Pilipinas ay patuloy na naninindigan para sa katotohanan, integridad, at tunay na pagtataguyod sa karapatan at kapakanan ng LGBTQIA+ na Pilipino.
βΈ»
NOTICE TO THE PUBLIC:
LGBT Pilipinas wishes to inform the public that the individuals in question have been officially expelled from the organization due to gross misrepresentation and acts inimical to the interests of LGBT Pilipinas.
The organization takes a firm stand in protecting its name, integrity, and mandate against any form of malicious misrepresentation. These individuals have long sown confusion among the public and stakeholders, acting without authority and in blatant disregard of the organizationβs values.
We strongly warn the public that any actions, representations, or claims made by these two (aka Barbie Arcache & Chikadora Go) opportunists are not recognized nor sanctioned by LGBT Pilipinas in any way, shape, or form.
LGBT Pilipinas remains committed to transparency, accountability, and the genuine advancement of the rights and welfare of the LGBTQIA+ Filipinos.