25/06/2026
SPED CENTER SA ZAMBOANGA DEL SUR, NILOOBAN AT WINASAK NG MGA MENOR DE EDAD
Matinding pagkadismaya ang naramdaman ng Special Education (SPED) Center sa Brgy. San Carlos, Tukuran, Zamboanga del Sur matapos muling mabiktima ng paninira at panggugulo ang kanilang paaralan.
Mas lalong ikinalungkot ng pamunuan ng eskwelahan ang ulat na mga menor de edad na umano’y out-of-school youth ang sangkot sa insidente.
Sa mga larawang ibinahagi ni Mayet Tubac, makikita ang magulong kalagayan ng silid-aralan matapos itong pasukin at halughugin. Ayon sa ulat, naghahanap umano ng pera ang mga suspek upang pondohan ang kanilang bisyo.
Ipinunto rin ng nagbahagi ng post na tila limitado ang maaaring gawin ng mga awtoridad dahil sa murang edad ng mga sangkot. Gayunman, nananawagan ang paaralan para sa pananagutan, tamang interbensyon, at mas mahigpit na paggabay ng mga magulang.
“We are not asking for harsh punishment. We are asking for accountability, proper intervention, and parental guidance. Being young should never be an excuse to destroy, steal, or disrespect the efforts of teachers, parents, and the community,” pahayag ng Tukuran SPED Center.
📸: Mayet Tubac