17/07/2026
๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ฎ๐ฅ๐ข๐ญ-๐ฎ๐ฅ๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ก๐ข๐ง๐ ๐ข ๐ง๐ ๐ข๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ง, ๐๐๐ฅ๐ฅ๐ฉ๐ก๐จ๐ง๐ ๐ง๐ฎ๐ฆ๐๐๐ซ, ๐ฌ๐จ๐๐ข๐๐ฅ ๐ฆ๐๐๐ข๐ ๐๐๐๐จ๐ฎ๐ง๐ญ, ๐จ ๐๐๐ฌ๐ญ๐ข๐ง๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐๐ง๐ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฆ๐จ ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐จ ๐๐ฒ ๐ฆ๐๐๐๐ซ๐ข ๐ง๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ข๐ญ๐ฎ๐ซ๐ข๐ง๐ ๐ง๐ ๐ ๐๐ง๐๐๐ซ-๐๐๐ฌ๐๐ ๐ฌ๐๐ฑ๐ฎ๐๐ฅ ๐ก๐๐ซ๐๐ฌ๐ฌ๐ฆ๐๐ง๐ญ.
GAD MANDATE - Alinsunod sa Republic Act No. 11313 o Safe Spaces Act, ipinagbabawal ang iba't ibang anyo ng gender-based sexual harassment (GBSH) sa mga pampublikong espasyo. Bukod sa catcalling, wolf-whistling, sexist, homophobic, transphobic, at biphobic remarks, saklaw din ng batas ang paulit-ulit at hindi kanais-nais na paghingi ng personal na impormasyon, tulad ng iyong pangalan, cellphone number, social media account, o destinasyon.
Kapag malinaw nang tumanggi ang isang tao ngunit patuloy pa ring kinukulit o pinipilit na ibigay ang kanyang personal na impormasyon, maaari na itong maituring na isang anyo ng gender-based sexual harassment. Ang ganitong mga kilos ay maaaring magdulot ng takot, pangamba, o paglabag sa personal na espasyo at dignidad ng isang tao.
Tandaan, ang bawat isa ay may karapatang tumanggi, magtakda ng personal na hangganan, at maging ligtas saanman sa kalsada, pampublikong sasakyan, paaralan, lugar ng trabaho, o iba pang pampublikong lugar.
Kung ikaw ay nakaranas o nakasaksi ng gender-based sexual harassment sa pampublikong espasyo, maaari mo itong iulat sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya, barangay, o sa kinauukulang tanggapan ng lokal na pamahalaan upang mabigyan ng agarang aksyon at kaukulang tulong.
Para sa iba pang katanungan tungkol sa mga batas na nagtataguyod ng gender equality at proteksyon laban sa gender-based violence, maaaring magpadala ng mensahe sa Pasig City GAD Legal and Special Concerns Division sa [email protected].