21/09/2026
Kung ang kasaysayan ay may mga katotohanang ayaw nating harapin, sino ang binibigyan natin ng kapangyarihang baguhin ang kuwento?
54 years ago today, on September 21, 1972, Former President Ferdinand Marcos Sr. signed Proclamation No. 1081, placing the Philippines under Martial Law.
54 years later. Never again. Never forget.
Hindi lamang ito isang petsa sa kalendaryo. Sa likod ng pahinang ito ng kasaysayan ay mga taong nawalan ng kalayaan, mga tinig na pinatahimik, at mga buhay na hindi na muling naging katulad ng dati.
Para sa amin bilang mga kinatawan ng kabataan at mag-aaral, ang pag-alala ay hindi lamang paglingon sa nakaraan. Ito ay pagkilala sa mga taong naging bahagi nito at pag-unawa sa mga aral na patuloy na humuhubog sa kung sino tayo bilang isang henerasyon.
Sa paglipas ng limampuโt apat na taon, maaaring magbago ang panahon, ngunit hindi dapat magbago ang halaga ng katotohanan. May mga kuwentong maaaring subukang pagandahin, mga alaala na maaaring tabunan, at mga katotohanang maaaring malunod sa ingay ng kasalukuyan. Ngunit ang kasaysayan ay hindi nawawalan ng saysay dahil lamang lumipas na ang panahon.
Bilang mga mag-aaral at kabataan ng bayan, nabubuhay tayo sa panahong may kakayahang maghanap ng impormasyon sa isang pindot, ngunit kasabay nito ay ang responsibilidad na kilalanin kung alin ang dapat paniwalaan. Sa pagitan ng napakaraming bersyon ng isang kuwento, mahalagang matutong huminto, magtanong, at unawain kung saan nagmula ang katotohanan.
Hindi natin kailangang mabuhay noong taong 1972 upang maunawaan ang halaga ng kalayaan. Hindi natin kailangang maranasan ang pagkawala nito upang pahalagahan ang mga tinig na minsang ipinaglaban ito.
Sapagkat ang kabataan ay hindi lamang tagapagmana ng kasaysayan. Tayo rin ang susunod na magdadala ng mga kuwentong ito. At balang araw, tayo rin ang magsasalaysay nito sa susunod na henerasyon.
Kaya ngayong limampuโt apat na taon na ang lumipas, hindi lamang natin inaalala ang isang petsa. Inaalala natin ang mga tao. Inaalala natin ang mga tinig. Inaalala natin kung bakit mahalagang huwag hayaang ang panahon ang magdikta kung ano ang dapat nating maalala.
54 years later, we remember. Not to live in the past, but to carry its lessons forward.
Never again. Never forget.
๐ผ๏ธ : Louie Rafael | Internal Affairs Committee
๐๏ธ : Daphnie Elijah Sibal | SSLG Vice President