CSO - Brgy. Manggahan

CSO - Brgy. Manggahan Peoples Organization of Barangay Manggahan

Saturday. Sa patuloy na konsultahan mula sa HOA Proper, ksama ang NGOs, Church leaders, at iba pang cso President. Maini...
24/08/2026

Saturday. Sa patuloy na konsultahan mula sa HOA Proper, ksama ang NGOs, Church leaders, at iba pang cso President. Mainit na discussion, valid lahat ang kanilang demand sa pamahalaang barangay. Mahalaga ang enlightenment upang mas mabalangkas kung paano? Saan? at kailan nararapat kumilos ang mamamayan.

Dapat palakasin ang mamamayan, mag step up! Hindi puro solicitation. Kundi tamang aksyon lalo sa kasalukuyang kalagayan ng ating barangay. Ang tunay na cso ay may laban, hindi pang-camera lang. May naipapanalo dahil yan ang tunay na politika ng CSO! -RR at JOC).

Kahit sino ang maluklok dapat malakas at mulat ang mamamayan. Tagapagbantay sa kabang yaman ng ating barangay.
(di papayag na maulit muli)

Salamat po sa inyong oras mga ka-cso, kanya- kanyang dala ng merienda, wlang tanghalian sa sobrang init ng pag-uusap. Sinimulan sa panalangin, tinapos din ng dasal, dahil mahalagang may pagsama ng Panginoon ang ating mga hakbangin sa hinaharap.

Mabuhay po kayo CSOs! πŸ’ͺπŸ‡΅πŸ‡­




(yung iba nahuli sa picture).

18/08/2026

Nanunumpa ang mga Halal na Opisyal kasama ng barangay employees tuwing Flag Ceremony.
βœ‹hindi makikibahagi sa katiwalian.
βœ‹pipigilan at isisiwalat ito.
Ilan lamang po yan sa binabanggit. Nawa ang mga mamamayan ay nagmamasid, nagreresearch, at may pakialam. Para mas maayos ang pamumuno sa atin.



Sunday. Emergency meeting. Napakaraming concern ng mga lider komunidad. Hindi matatapos ang agenda. Patuloy lang po tayo...
18/08/2026

Sunday. Emergency meeting. Napakaraming concern ng mga lider komunidad. Hindi matatapos ang agenda. Patuloy lang po tayo sa bukas na komunikasyon at pagkakaisa sa isang adhikain para sa Brgy. Manggahan.




18/08/2026

πŸ“’ PAALALA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY MANGGAHAN

Ayon sa Memorandum Circular No. 129 ng Office of the President, ipatutupad ang Alternative Work Arrangements sa mga government offices sa NCR sa August 19, 2026 (Miyerkules).

Gayunpaman, sa direktiba ng ating Acting Punong Barangay Gloria S. Lualhati, mananatiling bukas ang Clearance Department para sa mga residenteng nangangailangan ng clearance.

Maaari pa ring kumuha ng clearance sa mga sumusunod na lugar:

πŸ“ Proper
πŸ“ Karangalan
πŸ“ Napico
πŸ“ Greenpark
πŸ•— Oras ng Serbisyo: 8:00 AM hanggang 5:00 PM lamang

Hinihikayat ang lahat na manatiling nakatutok sa opisyal na anunsiyo ng Barangay Manggahan para sa iba pang updates.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa. πŸ‡΅πŸ‡­

14/08/2026

Kahit umuulan, isa lang ang sigurado. Palaging sumisikat ang araw tuwing umaga. Salamat oh Dios.☝️

13/08/2026

#π–π€π‹π€ππ†ππ€π’πŽπŠ π€πƒπ•πˆπ’πŽπ‘π˜

AWTOMATIKONG SUSPENDIDO ang IN-PERSON CLASSES simula Kindergarten hanggang Senior High School (K-12), kabilang ang mga nasa Day Care (Early Childhood Development Center) at Alternative Learning System, sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Pasig ngayong araw, August 14, 2026.

Ito ay kaugnay ng nakataas na YELLOW HEAVY RAINFALL WARNING sa ilang parte ng Metro Manila (kabilang ang Lungsod ng Pasig) ayon sa 03:10AM release ng PAGASA NCR PRSD. Ang automatic suspension ay alinsunod sa Pasig City Executive Order No. 25, s. 2025.

Inaasahang magpapatupad ang mga paaralan ng Alternative Delivery Mode (Synchronous o Asynchronous) sa kabila ng in-person class suspension.
__
PAGASA-National Capital Region PRSD August 14, 2026 | 03:10AM Heavy Rainfall Warning 1-A: https://www.facebook.com/share/p/19EAKZgtmi/

12/08/2026
Tugon sa panawagan ng ComEx Brigade National University-East Ortigas. Ang donation para sa mga nasalanta ng bagyo at ng ...
12/08/2026

Tugon sa panawagan ng ComEx Brigade National University-East Ortigas. Ang donation para sa mga nasalanta ng bagyo at ng iba pang nangangailangan. Mula sa cso mam Gemini Lim ng Manggahan Village Condo. maraming salamat po sa inyong donation.

Sa pamamagitan ng partnership ng Brgy. Manggahan at NU-East (MOA) asahan nyo pong iuugnay natin ang anumang uri ng tulong, activity, at project para sa kapakanan ng mamamayan.




Address

Manggahan, Barangay Hall
Pasig
1611

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CSO - Brgy. Manggahan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to CSO - Brgy. Manggahan:

Shortcuts

Share