22/07/2026
[CEREMONIAL SIGNING OF THE PASIG HOUSING RESTRUCTURING AGREEMENT] 🏠💙
Isang malaking hakbang patungo sa mas matatag na pamilyang Pasigueño! Inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pamamagitan ng Pasig Urban Settlements Office (PUSO) at ng Sangguniang Panlungsod, ang Housing Loan Adjustment Program sa ilalim ng Ordinance No. 60 (Series of 2024).
Sa pamamagitan ng programang ito, nabigyan ng patas at makataong solusyon ang 1,683 housing awardees mula sa In-City Housing Projects (BLISS I-VII) na naharap sa pagkakautang dulot ng pandemya, implasyon, at kawalan ng tiyak na kita.
🌟 Key Highlights & Program Options:
💡 Flexible Payment Plans: Restructuring of monthly amortizations into manageable, non-punitive payment terms.
🛠️ Alternative Payment Options: Ang mga kwalipikadong benepisyaryo ay may option na mabawasan ang utang sa pamamagitan ng community work katulad ng urban gardening, waste management, at iba pang serbisyo pambarangay.
✅ High Community Participation: Umabot sa 911 awardees (54%) ang nag-enlist sa programa, at 828 sa kanila (90%) ang matagumpay na nakakumpleto ng requirements para sa PUSO endorsement!
Sa ginanap na ceremonial signing, muling pinatunayan ng Pasig City na ang pabahay ay hindi lamang tulong, kundi isang karapatang dapat pangalagaan.
Salamat sa kooperasyon ng ating BLISS Administrators, Sangguniang Panlungsod, at higit sa lahat, ang ating mga pamilyang Pasigueño na nakiisa upang ipaglaban ang kanilang tahanan!