20/09/2026
PISTA NA SA BARANGAY SAN MIGUEL!
Sama-sama sa saya, sama-sama para sa ating komunidad!
Bilang pakikiisa at paghahanda sa nalalapit na Fiesta ng Barangay San Miguel, may inihandang fun community activities ang Maxville 1 Homeowners Association para sa ating lahat!
🛍️ COMMUNITY GARAGE SALE
Good Finds • Great Deals • Presyong Sulit!
Come and shop for brand-new and preloved items at very affordable prices. Baka nandito na ang next sulit find mo!
🎱 COMMUNITY BINGO
Play • Win • Have Fun!
Tara at maki-Bingo with your family, friends, and neighbors! Ang Bingo collections will be used for the prizes, kaya mas maraming sasali, mas exciting ang laro!
Isang simpleng paraan para magsama-sama, magsaya, at mas mapalapit pa ang ating community habang naghahanda tayo para sa ating Barangay Fiesta.
Kaya tara na, mga kapitbahay! Mamili, mag-Bingo, makipagkwentuhan at makisaya!
NOTE : Ang mga Bingo Cards ay magiging available sa Sept. 23. Abangan ang mga anunsyo sa mga susunod na araw.