02/01/2026
Buong puso po naming ibinabahagi sa inyo na matagumpay na naisagawa ang โPaskuhan sa Tambakanโ. ๐๐โ๏ธ
Isang araw na puno ng kasiyahan, palaro, tawanan, salu-salo, at mga ngiting hindi matutumbasan lalo na mula sa mga bata ng Tambakan II, San Miguel, Pasig.
Maraming salamat po sa lahat ng nagpaabot ng tulong, suporta, at tiwala sa munting inisyatibang ito. Dahil sa inyong kabutihang-loob at pagiging mapagbigay, naging posible ang isang masaya at makabuluhang Pasko para sa mga bata at pamilya ng komunidad.
Higit pa sa mga regalong naibahagi, mas mahalaga ang presensya, pagmamahal, at malasakit na sabay-sabay nating ipinaramdam ang tunay na diwa ng Kapaskuhan.
Sa aming mga Online Ninong at Ninang, mga boluntir, at sa lahat ng tumulong sa kahit anong paraan, maraming, maraming salamat po. โค๏ธโจMakakaasa po kayong ang lahat ng tulong ay ginamit para sa kasiyahan at kapakanan ng mga bata.๐ซถ๐ป
๐ธ *Ang mga larawang ibinahagi ay kuha nang may malinaw at pahintulot (written consent) mula sa mga magulang at tagapag-alaga ng mga bata.*
Hanggang sa muli, Tambakan โจ๐ฒ