23/08/2026
Ngayong August 23, 2026, nagtipon ang mga kabataang kinatawan mula sa iba’t ibang youth organizations sa Valenzuela City para sa Resilience Builders: Gamified Climate Justice Education Workshop na ginanap sa AVR, Valenzuela City Hall. 🌱
Isinagawa ang workshop sa pangunguna ng KOMUNIDA Initiative, katuwang ang FEU Nicanor Reyes Memorial Foundation at ang Valenzuela Local Youth Development Office, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na palakasin ang kaalaman at partisipasyon ng kabataan sa climate justice at community resilience.
Sa pamamagitan ng interactive games, group discussions, at collaborative activities, mas pinalalim ng mga kalahok ang kanilang pag-unawa sa climate justice, resilience, at kung paano magkakaiba ang epekto ng climate crisis sa mga komunidad.
Higit sa pagtalakay ng mga konsepto, layunin ng Resilience Builders na bigyan ang mga kabataan ng praktikal at participatory na paraan upang mapag-usapan ang climate issues, maiugnay ang mga ito sa kanilang sariling karanasan, at makabuo ng mga ideya para sa community-based climate action.
Sa bawat laro, talakayan, at pagbabahagi, patuloy nating pinalalakas ang papel ng kabataan sa pagsusulong ng mas makatarungan, handa, at matatag na mga komunidad. 💚