07/06/2026
TULOY ANG PAG-ABOT NG TULONG SA GITNA NG HAMON SA KABUHAYAN
Sa patuloy na pagtaas ng gastusin at epekto ng krisis sa langis, nananatiling hamon ang paghahanapbuhay para sa maraming pamilya sa Tingloy, Batangas.
Bilang tugon, bumisita ang Metro Pacific Investments Foundation (MPIF) sa Brgy. San Juan upang magsagawa ng relief pack distribution at focus group discussion (FGD) kasama ang mga fisherfolks and tricycle drivers sa komunidad. Nakapagbahagi tayo ng food packs na naglalaman ng rice, canned goods, noodles at iba pang essential goods sa halos 132 households.
Sa pamamagitan ng simpleng tulong at pakikinig sa kanilang mga karanasan, hangad naming maiparamdam na hindi sila nag-iisa sa pagharap sa mga pagsubok na ito.
Nagpapasalamat kami sa mga katuwang namin para maiabot ang aming tulong para sa kanila. Kabilang rito ang Alagang Kapatid Foundation, Inc., gayundin ang LGU ng Tingloy sa pangunguna nina Mayor Larry Alvarez at Vice Mayor Dra. Mikee Alvarez.