28/07/2025
ππ§π π©ππ«π¬π¨π§ππ₯ π§π π’π¦π©π¨π«π¦ππ¬π²π¨π§ ππ² πππππππ.
-
Sa panahon ngayon, hindi lang pisikal na panghihipo ang maituturing na harassment. Ang paulit-ulit na pangungulit para sa iyong cellphone number, Facebook account, o anumang personal na detalye ay maaaring lumabag sa Bawal Bastos Law.
Ayon sa RA 11313 o BAWAL BASTOS LAW, ang paulit-ulit na pangungulit para sa personal na impormasyon lalo na kung may halong pananakot, pambabastos, o hindi kanais-nais na intensyon, ay isang anyo ng gender-based sexual harassment.
Tumindig laban sa pambabastos: online man o sa totoong buhay.
-
I-report ang ano mang uri ng pambabastos, agad na magtungo sa Barangay VAW Desk o sa pinakamalapit na police station para sa assistance at kaukulang aksyon.