27/07/2026
๐ฆ๐ข, ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ก๐?
Sa kakatapos lang na ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Marcos Jr., naiwan ang isang tanong: sa kabila ng lahat ng matataas na numero, mga pormal na palakpakan, at mga ipinagmamalaking proyekto... ramdam mo ba ang diwa ng ipinangakong Bagong Pilipinas?
Sapagkat sa labas ng malamig at maaliwalas na bulwagan ng Batasan, malayo sa mga camera at nakagawiang palakpakan, iba ang tunay na estado ng bansa. Iba ang kwento ng mga kalsada, ng mga palengke, at ng bawat pamilyang pilipinong umaasa sa magandang kinabukasan.
Kayo, lalo na ang mga kabataang lumulusong sa baha ng mga hamong dala ng buhay, nararamdaman niyo ba ang pangako para sa bawat mamamayan? O tinitiis na lang natin ang paulit-ulit na kwento?