03/09/2026
https://www.facebook.com/share/p/1BzDM7Jbxq/
π OPISYAL NA PAHAYAG | SANGGUNIANG KABATAAN NG BARANGAY SANTA LUCIA
Isinagawa ang kauna-unahang Regular Session ng Bids and Awards Committee (BAC) ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Santa Lucia bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Konseho na isaayos at gawing bukas ang proseso ng bidding o procurement. Ito dapat ay isinasagawa nang naaayon sa batas, malinaw, patas, at higit sa lahat, bukas sa kaalaman ng ating mga kabataan.
Bilang bahagi ng nasabing proseso, tinalakay at inaprubahan ng Komite ang mga sumusunod na proyekto at inirekomenda na ang mode of procurement para sa pitong (7) proyekto ay sa pamamagitan ng Public Bidding, alinsunod sa mga kinakailangang proseso at panuntunan sa procurement:
1. LINGGO NG KABATAAN CELEBRATION
2. BALIK ESKWELA Distribution of School Supplies and Cleaning Materials
3. OFFICE SUPPLIES EXPENSES
4. PROJECT PAK: THE SK DRAG AND PRIDE MARCH
5. SAGIP BUHAY PROJECT: Sangguniang Kabataan Emergency Rescue Team
6. LAKAS KALINGA: Medical Services
7. SK TIKAS SPORTS LEAGUE
Layunin ng Sangguniang Kabataan ng Santa Lucia na maitama at mapabuti ang proseso ng pagkuha ng mga goods, supplies, kagamitan, at iba pang kinakailangang serbisyo na gagamitin sa pagpapatupad ng mga nabanggit na proyekto at programa.
Batid namin na ang pagsunod sa mga kinakailangang proseso ay maaaring magdulot ng delay sa pagpapatupad ng ilang proyekto.
Dahil dito, taos-puso kaming humihingi ng inyong pang-unawa at pasensya. Nauunawaan namin ang inyong paghihintay, ngunit naninindigan ang SK Santa Lucia na mas mahalagang dumaan sa tamang proseso kaysa madaliin ang isang transaksyon na maaaring magdulot ng paglabag o pagdududa sa paggamit ng pondo ng kabataan.
Walang shortcut. Walang palakasan. Walang kickback o βSOP.β
Sa pamamagitan ng maayos na procurement process, hangad ng Sangguniang Kabataan na makapagpatupad ng mga proyekto hindi lamang nang maayos, kundi higit sa lahat, naaayon sa batas, may pananagutan, at may tiwala ng ating mga kabataan.
Para sa kabataan. Para sa transparency. Para sa tamang proseso.