AIMS

AIMS Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from AIMS, Nonprofit Organization, barangay sta lucia, Pasig.

03/10/2025

BOTIKA NG BARANGAY

Magandang balita po, mga Ka-Barangay! Pinangunahan nina Kap. Aldwin Ilagan, Health Committee Chairman Kagawad Eugene Cruz, at ang buong Barangay Council, ang pagbubukas ng ating Botika ng Barangay na matatagpuan mismo sa loob ng Barangay Hall.

Dito, ang mga bonafide residents ay maaaring makakuha ng libreng maintenance at basic medicines ayon sa reseta ng kanilang doktor. Bukas ito mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 AM – 5:00 PM.

Tumatanggap tayo ng walk-ins, ngunit huwag kalimutang magdala ng reseta. Para naman sa buwanang supply ng inyong maintenance medicines, makipag-ugnayan lamang sa inyong Homeowners’ Association (HOA) President para maisama kayo sa listahan.

Layunin ng proyektong ito na mas mapalapit at mas maging abot-kamay ang serbisyong pangkalusugan para sa lahat ng residente ng ating Barangay.

Maraming salamat sa suporta ng ating Kapitan at ng buong Barangay Council sa pagtupad ng serbisyong tunay na para sa tao.

Sama-sama po nating alagaan ang ating kalusugan!

03/10/2025

PasigPass Verification using National ID

Tuloy-tuloy ang pag-alalay natin sa mga ka-barangay nating nais magpa-verify ng kanilang PasigPass gamit ang kanilang National ID.

Para sa mga gustong magpa-assist, magtungo lang sa 2nd Floor ng ating Barangay Hall, sa Admin Office.

For reference:
https://www.facebook.com/share/p/1MqsZS8CNX/

03/10/2025

Address

Barangay Sta Lucia
Pasig
1608

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when AIMS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share