Youth Empowerment Community Organization

Youth Empowerment Community Organization Empowering Youth, Simplifying Good the Easiest Path, Strengthening Communities.

Maligayang kaarawan, Denver! πŸŽ‰πŸ₯³Isa ka sa mga taong matagal nang naging bahagi ng mga gawain at samahan ng YECO. Alam nam...
06/07/2026

Maligayang kaarawan, Denver! πŸŽ‰πŸ₯³

Isa ka sa mga taong matagal nang naging bahagi ng mga gawain at samahan ng YECO. Alam naming nananatili kang isa sa mga taong may malasakit sa komunidad at sa kabataan.

Maraming salamat sa oras, suporta, at presensyang ibinibigay mo sa bawat pagkakataong kaya mong tumulong at makiisa. Nawa'y patuloy kang pagpalain ng mabuting kalusugan, tagumpay, at maraming pagkakataon upang maabot ang iyong mga pangarap.

Hiling namin na mas marami pa tayong pagsasamahan at proyektong magagawa para sa ating komunidad. πŸ˜„

Salamat sa pagiging bahagi ng aming kwento, at sana ay mas maging aktibo pa tayo sa mga susunod na adhikain ng YECO. God bless you always! πŸ’™πŸ’›


πŸ“š YECO Balik Eskwela 2026 | School Supplies Kit Distribution ✏️Taun-taon, patuloy tayong naniniwala na ang tunay na pagb...
04/07/2026

πŸ“š YECO Balik Eskwela 2026 | School Supplies Kit Distribution ✏️

Taun-taon, patuloy tayong naniniwala na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa sama-samang pagkilos para sa kabataan. Isa sa mga layunin ng YECO ang patuloy na maging isang safe space at maging progresibo upang magsilbi at magibigay ng makabuluhang oportunidad para sa ating komunidad. ✨

Matagumpay tayong nakapagbigay ng school supplies kits sa 80 beneficiaries mula elementary hanggang college. Ang nilalaman ng bawat school kits ay maingat na inihanda batay sa isinagawang needs assessment ng ating mga miyembro upang masiguro na ang bawat tulong ay naaayon sa kanilang aktwal na pangangailangan.

Alam natin na hindi biro ang gastusin sa edukasyon. Bagama't isa lamang itong simpleng hakbang, naniniwala kami na ang pagbibigay ng suporta sa kabataan ay isang mahalagang puhunan para sa kanilang kinabukasan. Layunin nating bumuo ng isang komunidad ng mga kabataang may akses, oportunidad, at suporta upang maabot nila ang kanilang buong potensyal.

Hindi rito nagtatapos ang ating misyon! Patuloy na nagsisikap ang YECO na maging isang inklusiboat impact-driven na organization na hindi lamang nagbibigay ng agarang tulong, kundi nagtataguyod din ng mga long-term programs para sa edukasyon, leadership development, volunteerism, at community empowerment.

Maraming salamat sa ating mga volunteers, partners, supporters, at sa bawat kabataang patuloy na naniniwala sa adhikain ng YECO!

Mas marami pang oportunidad, programa, at pagbabago ang ating bubuuin, para sa kabataan, kasama ang kabataan. πŸ’™

EVERY VOICE MATTERS πŸ—³οΈπŸŒˆNgayong Pride Month, ipinagdiriwang ng Youth Empowerment Community Organization (YECO) ang pagkak...
26/06/2026

EVERY VOICE MATTERS πŸ—³οΈπŸŒˆ

Ngayong Pride Month, ipinagdiriwang ng Youth Empowerment Community Organization (YECO) ang pagkakaiba-iba, pagkakapantay-pantay, at ang kapangyarihan ng bawat boses sa ating komunidad.

Sa darating na YECO 2nd Quarter Assembly and Officer's Elections 2026, hindi lamang tayo pipili ng mga bagong lider kundi pinagtitibay rin natin ang ating paninindigan na ang YECO ay isang ligtas, inklusibo at mapagkalingang espasyo para sa lahat ng kabataan.

Sa komunidad man tayo nagmula, anuman ang ating pagkakakilanlan, pinagdaraanan, o pinaniniwalaan, naniniwala ang YECO na ang bawat kabataan ay may boses, may halaga, at may kakayahang mamuno.

✨ Sama-sama nating ipagdiwang ang:
πŸ’œ Respect
πŸ’™ Inclusion
πŸ’š Equality
❀️ Unity

Dahil sa YECO, hindi lang tayo nakikilahok, tayo ay nakikinig, nagkakaisa, at nagbibigay-daan para sa bawat tinig na marinig.

πŸ“… June 28, 2026
πŸ“ Block 1, Half Court

This Pride Month, we celebrate not only who we are, but also the kind of community we aspire to build, one where EVERY VOICE MATTERS. 🌈





✨ YECO Anniversary Celebration 2026 | 8 Years of Community Youth Service ✨Sa loob ng walong taon, hindi lang naging orga...
15/06/2026

✨ YECO Anniversary Celebration 2026 | 8 Years of Community Youth Service ✨

Sa loob ng walong taon, hindi lang naging organisasyon ang YECO. Naging tahanan ito ng mga pangarap, boses, at adhikain ng mga kabataang naniniwalang may kakayahan silang makagawa ng positibong pagbabago sa komunidad.

Noong June 2, sa Maybunga Rainforest Park, kasama ang ilan sa mga officers at members ng ating mga kapatid na youth organizations sa Westbank, ipinagdiwang natin ang 8 Years of Community Youth Service at binalikan ang mga alaalang nabuo sa ating sama-samang paglilingkod. Maraming salamat kay Sir Patrick Plandiano sa pagbibigay ng pagkakataon at lugar upang maidaos ang espesyal na pagdiriwang na ito. πŸ’™βœ¨

Maraming salamat din kay Hon. Angelu De Leon, ating Community Champion Awardee, sa patuloy na suporta at paniniwala sa kakayahan ng mga kabataan. Gayundin kay Hon. Arnold "Barok" R. Alvarez at sa buong Barangay Council, ating Community Pillar Awardee, para sa walang sawang suporta sa mga programa at adhikain sa Westbank.

Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa lahat ng miyembrong nakiisa sa potluck, raffle, at iba pang aktibidad. Sa bawat handang pinagsaluhan, tawanan, at kwentuhan, muli nating napatunayan na buhay ang diwa ng bayanihan at pagkakaisa sa ating komunidad.

Isang espesyal na pagbati rin sa ating mga awardees na kinilala dahil sa kanilang natatanging kontribusyon at dedikasyon:

πŸ† Community Champion Award – Hon. Angelu De Leon
πŸ† Community Pillar Award – Hon. Arnold "Barok" R. Alvarez
πŸ† Advocate Bridge Builder Award – Edehnnise Constantino Awat
πŸ† Bayanihan Service Award – Romylyn V. Olete & Amalia A. Bauat
πŸ† Outstanding Member Award – Marianne M. Maguddayao
πŸ† Creative Excellence Award – Riva Awat
πŸ† Legacy Service Award – Marvin Gonzalgo & George Bryll Mista
πŸ† Commitment Excellence Award – Nestle SiΓ±agan

Ang mga pagkilalang ito ay sumasalamin sa dedikasyon at pusong inilaan ninyo para sa organisasyon at komunidad.

Dala natin ang mga alaala ng walong taong pagkakaisa, at pagmamahal sa komunidad. Ang mga taong lumipas ay maaaring maging bahagi na lamang ng ating kasaysayan, ngunit ang mga aral, pagkakaibigan, at inspirasyong ating nabuo ay mananatiling buhay sa bawat isa sa atin.

Sa lahat ng naging bahagi ng ating paglalakbay, mga miyembro, alumni, partner organizations, volunteers, supporters, barangay officials, at buong komunidad ng Westbank, maraming salamat sa inyo.

Walong taon ng paglilingkod. Walong taon ng paghubog ng mga lider. Walong taon ng pagbuo ng mas matatag na komunidad.

At anuman ang hinaharap, mananatili ang diwa ng YECO sa bawat kabataang natutong mangarap, maglingkod at maniwalang may kapangyarihan siyang maging daan ng pagbabago.

πŸ’™ 8 Years of Community Service. Empowering Youth, Strengthening Communities for the Greater Good. πŸ’™

πŸ’™βœ¨

‼️‼️
15/06/2026

‼️‼️

Gulo ng Senado, noh?

Maybe that's exactly why we need to realize this: we deserve leaders who deliver, not those who merely perform.

As we head into the 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections and the 2028 National Elections, let's raise our standards. Choose leaders based on action, accountability, integrity, and resultsβ€”not viral moments, grandstanding, or empty rhetoric.

The future we inherit will be shaped by the leaders we elect today.

Volunteer with us: https://tinyurl.com/CHELdren-Volunteers-Form

🀝 Ang bawat boses ay mahalaga.Bilang bahagi ng ating patuloy na layunin na mas mapalakas ang pakikilahok ng mga kabataan...
14/06/2026

🀝 Ang bawat boses ay mahalaga.

Bilang bahagi ng ating patuloy na layunin na mas mapalakas ang pakikilahok ng mga kabataan at mamamayan, nais ng YECO na mas maunawaan ang mga pangangailangan, pananaw, at mga oportunidad para sa pag-unlad ng ating komunidad.

Bukod sa pakikinig sa ating mga konsultasyon at mga aktibidad, layunin din nating magkaroon ng mas malinaw na larawan ng kalagayan ng mga kabataan at pamilya sa ating lugar. Sa pamamagitan nito, mas matutukoy natin ang mga programang dapat bigyang-prayoridad, mapapalakas ang kahandaan ng komunidad lalo na sa sakuna, at mabibigyan ng mas maraming pagkakataon ang bawat isa na makilahok sa mga gawaing pangkomunidad.

Nagsimula na ang pagbisita ng ating mga Volunteer Enumerators upang magsagawa ng household assessment. Ang bawat impormasyong inyong ibabahagi ay magsisilbing mahalagang gabay sa pagbuo ng mga programang tunay na nakabatay sa pangangailangan ng ating mga kabataan, pamilya, at mamamayan.

✨ Ito ay isang hakbang tungo sa mas organisado, mas handa, at mas matatag na komunidad.

πŸ’™ Inaasahan namin ang inyong kooperasyon at pakikiisa. Sama-sama nating buuin ang komunidad na may malasakit, pagkakaisa, at aktibong pakikilahok.

Para sa kabataan. Para sa mamamayan. Para sa komunidad.





Maligayang 128th Philippine Independence Day!Sa pagdiriwang ng 128th Philippine Independence Day, ipinapaalala sa atin n...
12/06/2026

Maligayang 128th Philippine Independence Day!

Sa pagdiriwang ng 128th Philippine Independence Day, ipinapaalala sa atin na ang tunay na kalayaan ay may kasamang responsibilidad at malasakit sa kapwa. πŸ‡΅πŸ‡­

Bilang kabataan at bahagi ng komunidad, patuloy tayong maging boses ng pagbabago, pagkakaisa, at pag-asa para sa mas magandang kinabukasan.



πŸŽ‚ Happy Birthday, Kenneth! πŸŽ‚Thank you for always being present and for your willingness na matuto, makinig, at tumulong....
12/06/2026

πŸŽ‚ Happy Birthday, Kenneth! πŸŽ‚

Thank you for always being present and for your willingness na matuto, makinig, at tumulong. Ramdam namin ang dedication, sincerity, at commitment mo sa YECO. πŸ©΅πŸ’™

Your reliability earned the trust of the YECO. Sa bawat task, commitment, at pagkakataong ibinibigay sa'yo, ipinapakita mo na kaya kang pagkatiwalaan at maasahan. Isa ka sa mga dependable na miyembro ng YECO.

Sana maramdaman mo kung gaano ka namin ka-appreciate at ka-valueβ€”not just as a member, but as a person. Continue growing, chasing your goals, and making a positive impact in your own quiet but meaningful way.

Proud kami sa'yo! Wishing you more blessings, good health, success, and happiness in the year ahead. πŸŽ‰


πŸ“š BACK2SCHOOL 2026 πŸŽ’Isa na naman sa mga taunang programang malapit sa puso namin!Alam naming 'di biro ang paghahanda par...
09/06/2026

πŸ“š BACK2SCHOOL 2026 πŸŽ’

Isa na naman sa mga taunang programang malapit sa puso namin!

Alam naming 'di biro ang paghahanda para sa pasukan. Para sa maraming pamilya, bawat gastusin ay pinaglalaanan at pinaghihirapan. Kaya sa loob ng 8 taon ng paglilingkod sa komunidad, patuloy nating isinasagawa ang mga programang sumusuporta sa edukasyon at kinabukasan ng mga kabataan sa ating komunidad.

Nais sana nating isagawa ang ito noong nakaraang linggo, ngunit minabuti nating ilipat ito upang mas marami pa tayong mabigyan ng pagkakataon at maisama sa ating listahan ng mga benepisyaryo. Ngayong taon, hindi lamang mga elementary pupils ang ating susuportahan kundi pati mga mag-aaral mula Junior High School, Senior High School, at College.

'Di lamang ito simpleng pamamahagi ng school supplies. Ito ay isang paalala sa ating mga estudyante na may komunidad na naniniwala sa kanilang mga pangarap at handang sumuporta sa kanilang paglalakbay. Maaaring maliit ang ating maiaambag, ngunit umaasa kaming makakatulong ito upang mas maging handa at inspirado silang harapin ang panibagong school year.

Kasama ninyo ang YECO sa pagsuporta at paghimok na huwag tumigil sa pag-abot ng inyong mga mithiin!

πŸ“ Block 1 Halfcourt
πŸ“… June 14, 2026 (Sunday)

See you, mga estudyante! Patuloy tayong mangarap, matuto, at magtagumpay. πŸ’™βœ¨

Address

Pasig
1607

Telephone

+639276285589

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Youth Empowerment Community Organization posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Youth Empowerment Community Organization:

Shortcuts

Share