iNews Pilipinas

iNews Pilipinas Balitang Totoo, Serbisyong Tunay. Pambansang balita at serbisyong pampubliko para sa mga Pilipino. Pilipinas | FB • YT • IG • TikTok

21/02/2026

PANOORIN: Awit at Aksyon Kontra Korapsyon, Tampok sa People Power at 40 Event Quezon City Memorial Circle | via Mon Tsing

February 21, 2026


It’s National Love Your Pet Day, Fur Parents! 🐾💕Paano mo pinapakita ang Love mo sa'yong BFF (Best Fur Friend)?February 2...
20/02/2026

It’s National Love Your Pet Day, Fur Parents! 🐾💕
Paano mo pinapakita ang Love mo sa'yong BFF (Best Fur Friend)?

February 20, 2026


20/02/2026

PANOORIN: Panayam kay Atty. Israelito Torreon Tungkol sa Pagdinig ng Kaso ni Pastor Apollo Quiboloy sa Pasig RTC | via Mon Tsing

February 20, 2026


20/02/2026

PANOORIN: Pastor Apollo Quiboloy, "Kadaugan" ang Tugon Nang Kumustahin ng Media | via Mon Tsing

February 20, 2026


Ramadan Mubarak!Ngayong Pebrero 19, 2026, sinisimulan ng ating mga kapatid na Muslim sa Pilipinas at sa iba’t ibang pani...
19/02/2026

Ramadan Mubarak!

Ngayong Pebrero 19, 2026, sinisimulan ng ating mga kapatid na Muslim sa Pilipinas at sa iba’t ibang panig ng mundo ang pagdiriwang ng Ramadan, isang banal na buwan ng pag-aayuno, panalangin, at pagninilay.

Ang Ramadan ay panahon ng mas pinalalim na pananampalataya, disiplina sa sarili, at pagtulong sa kapwa. Sa loob ng isang buwan, ang mga kapatid na Muslim ay nag-aayuno mula pagsikat hanggang paglubog ng araw bilang bahagi ng kanilang espiritwal na debosyon.

February 19, 2026


"From dust you came, and to dust you shall return." - Genesis 3:19Ngayong February 18, ginugunita ng mga Katolikong mana...
17/02/2026

"From dust you came, and to dust you shall return." - Genesis 3:19

Ngayong February 18, ginugunita ng mga Katolikong mananampalataya sa buong mundo, kabilang ang Pilipinas, ang Ash Wednesday, hudyat ng pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma.

Sa araw na ito, dumadalo ang mga deboto sa misa kung saan nilalagyan ng abo ang noo bilang paalala ng pagsisisi, panalangin, at paghahanda para sa Mahal na Araw. Ang Kuwaresma ay tumatagal ng 40 araw at itinuturing na panahon ng pagninilay at pagbabalik-loob bago sumapit ang Semana Santa.

February 18, 2026


Ipinagdiriwang ang World Kindness Day ngayong Pebrero 17Ngayong Pebrero 17, ipinagdiriwang ang World Kindness Day. Isang...
17/02/2026

Ipinagdiriwang ang World Kindness Day ngayong Pebrero 17

Ngayong Pebrero 17, ipinagdiriwang ang World Kindness Day. Isang pandaigdigang paalala na ang maliliit na kabutihan ay may malaking epekto sa komunidad at sa kapwa.

Layunin ng paggunita na hikayatin ang bawat isa na magpakita ng malasakit, mula sa simpleng pagtulong sa kapwa, paggalang sa iba, hanggang sa pagbibigay ng oras at atensyon sa nangangailangan. Sa iba’t ibang bansa, may mga aktibidad at kampanya na nagtatampok ng kabutihan bilang bahagi ng pang-araw-araw na buhay.

Sa Pilipinas, patuloy ding isinusulong ng iba’t ibang organisasyon at ng komunidad ang kultura ng bayanihan at malasakit bilang mahalagang bahagi ng lipunan.

Bago matapos ang araw, Ano ang simpleng kabutihang nagawa mo ngayong araw o naranasan mo kamakailan?

February 17, 2026

YEAR OF THE FIRE HORSE IS HERE!Nawa’y puno ng swerte, lakas, at bagong pag-asa ang taong ito para sa ating lahat.Gong Xi...
17/02/2026

YEAR OF THE FIRE HORSE IS HERE!

Nawa’y puno ng swerte, lakas, at bagong pag-asa ang taong ito para sa ating lahat.
Gong Xi Fa Cai!

February 17, 2026

MEDIA PERSONNEL PROTECTION AND WELFARE ACT, ISINUSULONG SA KAMARAIsang panukalang batas ang inihain sa House of Represen...
10/02/2026

MEDIA PERSONNEL PROTECTION AND WELFARE ACT, ISINUSULONG SA KAMARA

Isang panukalang batas ang inihain sa House of Representatives na layong palakasin ang labor rights, safety measures, and welfare benefits ng mga media worker sa buong bansa. Ang House Bill No. 7431, o ang Media Personnel Protection and Welfare Act, ay inihain nina Ako Bicol Party-list Representatives Jan Almario Chan at Alfredo Garbin Jr.

Saklaw ng panukalang batas ang mga reporter, field correspondent, photojournalist, camera operator, editor, producer, at lahat ng indibidwal na sangkot sa pangangalap at pagpapalaganap ng balita.

Sa ilalim ng panukalang batas, lahat ng media personnel ay may karapatan sa sahod, bayad, o propesyonal na kompensasyon na hindi bababa sa itinakda ng batas at hindi mas mababa sa umiiral na minimum wage.

Inaatasan din ng panukala ang mga media entity na irehistro ang lahat ng kwalipikadong media personnel sa Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), at Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG).

Itinatakda rin ng iminungkahing batas ang pagbibigay ng death benefit na hindi bababa sa ₱200,000, permanent disability insurance na hanggang ₱200,000 depende sa antas ng kapansanan, at reimbursement sa gastusing medikal na hanggang ₱100,000.

Obligado rin ang mga media entity na mag-isyu ng nakasulat na kontrata para sa lahat ng uri ng engagement, regular man o freelance, na malinaw na nagtatakda ng compensation, duties, and safety provisions.

Dagdag pa rito, kinakailangang tiyakin ng mga media entity na may insurance coverage ang mga freelancer sa buong panahon ng kanilang assignment. Hinihikayat din ang mga freelancer na panatilihing aktibo ang kanilang membership sa SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG. | via Phil Bion

February 10, 2026


DILG, MULING IGINIIT ANG BAWAL NA PAGGAMIT NG GOV’T VEHICLES TUWING WEEKENDS AT HOLIDAYSMuling iginiit ng Department of ...
10/02/2026

DILG, MULING IGINIIT ANG BAWAL NA PAGGAMIT NG GOV’T VEHICLES TUWING WEEKENDS AT HOLIDAYS

Muling iginiit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Lunes ang mahigpit na pagbabawal sa paggamit ng mga sasakyang pagmamay-ari ng pamahalaan tuwing Sabado, Linggo, at holidays, maliban kung ang paggamit nito ay direktang may kaugnayan sa pagsasagawa ng opisyal na tungkulin o gawain.

Ang patakarang ito, na nakasaad sa Memorandum Circular No. 2026-011, ay sumasaklaw sa lahat ng halal at itinalagang opisyal sa antas ng lalawigan, lungsod, munisipalidad, at barangay, pati na rin sa mga kawani ng DILG Central Office, Regional at Field Offices, at mga opisyal at empleyado ng mga ahensiyang nakapailalim sa DILG tulad ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ayon sa DILG, kinakailangang palakasin ang pagsunod sa umiiral na mga patakaran, lalo na tuwing mga araw na walang pasok, upang maiwasan ang hindi awtorisado at hindi opisyal na paggamit ng mga sasakyan ng gobyerno.

Ang kautusan ay nakabatay sa umiiral na mga batas at regulasyon, kabilang ang 1987 Konstitusyon, Republic Act No. 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, Administrative Code of 1987, mga kaugnay na circular ng Commission on Audit, at Administrative Order No. 239, na pawang nagtatakda na ang mga sasakyan ng pamahalaan ay dapat gamitin lamang para sa opisyal na gawain.

Nagbabala ang DILG na ang sinumang lalabag sa Circular ay maaaring managot sa administratibo alinsunod sa umiiral na mga batas at regulasyon. | via Phil Bion

February 10, 2026


09/02/2026

PANOORIN: "Dalawa sa pitong authors...ay nagsabing kahit ako galing din sa dynasty"

​Ibinahagi ng senadora na dalawa sa pitong authors ng Anti-Political Dynasty Bill ay galing mismo sa mga political dynasties. Patunay raw ito na nais nilang palawakin ang espasyo sa pulitika, hindi para sa kanilang sarili, kundi para sa lahat ng mamamayan. "That’s a very promising sign," dagdag ng senadora. | via Phil Bion

February 9, 2026


09/02/2026

PANOORIN: ​"Dito naramdaman ko talagang malakas yung momentum na nabubuo natin sa ating bansa para ipasa yung batas." — Sen. Risa Hontiveros, sa katatapos na consultative meeting ng Committee on Electoral Reforms and People's Participation ukol sa Anti-Political Dynasty Bills, ngayong araw sa Tanghalang Rizal, Pasig City.

Kasabay nito, nagpaabot din ng pasasalamat ang senadora sa mainit na pagtanggap ni Mayor Vico Sotto at sa pakikilahok ng mga Pasigueño sa mahalagang diskusyong ito. | via Phil Bion

February 9, 2026


Address

Pasig
Pasig
1600

Telephone

+639987558099

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when iNews Pilipinas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to iNews Pilipinas:

Share