10/05/2026
Ngayong Motherโs Day, kami sa Shelter Now Filipinas ay nagbibigay-pugay sa lahat ng mama, nanay, mommy, inay, at mga babaeng tumayong ina sa kanilang pamilya at komunidad. ๐
Maraming maraming salamat sa inyong walang sawang pagmamahal, pag-aaruga, sakripisyo, at lakas. Salamat sa bawat panalangin, sa bawat yakap, sa bawat gabay, at sa pagmamahal na patuloy ninyong ibinibigay kahit minsan kayo mismo ay pagod na rin.
Kayo ang tahanan ng pag-asa, comfort, at inspirasyon ng maraming buhay. Sa bawat tahimik na sakripisyo at simpleng pag-aalaga, malaking pagbabago ang naidudulot ninyo sa inyong pamilya at maging sa komunidad.
Mahal namin kayo, ipinagpapasalamat namin kayo, at ipinapanalangin namin na patuloy kayong palakasin at pagpalain ng Panginoon. ๐
Happy Motherโs Day sa lahat ng ilaw ng tahanan! ๐ท