Nagpayong Triskelion Community Chapter

Nagpayong Triskelion Community Chapter brotherhood is infinity

07/03/2026

🤡🤡🤡

07/03/2026

Dati nung panahon ko ng college halos mabura na yang TAU GAMMA PHI na yan....Left to right ang kalaban niyan. Sabi ng mga brod ko nung time na yun 7 na lang residente nila.Sa bilang na yan masasabi mo Tagilid sila.

Pero dun nagkamali yung ibang Frat!

Nakikita ko sila sa tambayan nila yung solid na 7...At tuwing Finals exam sabay sabay silang umuuwi, naghihintay kahit matagal even yung mga nakick out at alumni nila umaalalay...Diyan kasi umiistrike ang magkakalabang Frat..

Lumipas yung 20 years nung time ko dati na underdog frat na halos mabura na....Sila ang pinakamatibay sa university namin...
At yung mga kalaban nilang Frat or even Frat namin.Lahat wala na😅

Wala lang naalala ko lang....

Bigla ko lang naisip ito yung Pasok sa "SAVE THE TRADITION"

To persevere, To guide and support,To Excel, marami pang iba....

Lahat ng yan nasa inyo mga "TRISKELION"
Hindi niyo na kailangan hanapin.

Pero Kung "SAVE THE TRADITION" gamit ang paddle pa rin nasa isip mo? Baka pwede magdalawang isip ka na? Nakaka 3 na kasi kayong sunod.....

"PRIMUM NIL NOCERE".

-adminM5

Paglilinaw sa Publiko Ukol sa Kasalukuyang Kalagayan ng Tau Gamma PhiAng Tau Gamma Phi Fraternity, o Triskelions’ Grand ...
07/03/2026

Paglilinaw sa Publiko Ukol sa Kasalukuyang Kalagayan ng Tau Gamma Phi

Ang Tau Gamma Phi Fraternity, o Triskelions’ Grand Fraternity, ay itinatag noong ika-4 ng Oktubre 1968 sa University of the Philippines Diliman ng anim (6) na kinikilalang Ama ng Kapatiran. Sa pinagmulan nito, ang organisasyon ay isinilang bilang isang Protest Fraternity—isang kapatirang may malinaw na paninindigan laban sa karahasan, rambulan, at anumang anyo ng pang-aabuso.

Ang pundasyon ng kapatiran ay nakabatay sa Tenets and Code of Conduct (TCoC) at pinatatatag ng mga haligi ng Malakas, Malaya, at Pagkakapatiran, na nagsisilbing gabay sa paghubog ng responsableng liderato, disiplina, at pagkakaisa sa hanay ng mga kasapi.

Sa kasalukuyan, mahalagang malinaw na maipabatid sa publiko at sa mga institusyon ng pamahalaan at sa mga myembro ng kapatiran na may umiiral na dalawang panig na nagpapahayag ng magkaibang pananaw hinggil sa direksyon at pamamahala ng kapatiran.

Sa isang panig ay ang Tau Gamma Phi National Executive Council, na patuloy na nagsusulong ng panawagang “Save the Tradition.” Gayunpaman, nararapat ding bigyang-linaw na ang naturang grupo ay hindi kinikilala bilang opisyal na kinatawan ng kapatiran ng Mother Chapter U.P Diliman at ng mga kinikilalang ama ng Kapatiran. (Founding Fathers)

Sa kabilang panig naman ay ang Tau Gamma Phi Global, na kinikilala at sinusuportahan ng Mother Chapter at ng mga founding fathers ng kapatiran. Ang panig na ito ay nagsusulong ng malinaw na direksyon tungo sa reporma at ganap na pagsunod sa umiiral na batas ng bansa, partikular ang Republic Act No. 11053 (Anti-Hazing Act of 2018).

Bilang kongkretong hakbang, kanilang ipinatutupad ang No Contact Policy (NCP) upang matiyak na ang anumang proseso ng recruitment o initiation sa loob ng kapatiran ay naaayon sa batas, ligtas, at may buong paggalang sa karapatang pantao.

***
Sa kontekstong ito, mahalagang maunawaan na ang post na ito ay hindi simpleng pagtatalo tungkol sa tradisyon. Ito ay isang mahalagang usapin ng legal na pananagutan, institusyonal na kredibilidad, at moral na direksyon ng kapatiran sa makabagong panahon.





Ika-4 ng Marso, 2026PAHAYAG NG MATINDING PAGKONDENA, PAKIKIRAMAY, AT MATATAG NA PANININDIGAN SA BATAS AT DIGNIDADKami, a...
05/03/2026

Ika-4 ng Marso, 2026

PAHAYAG NG MATINDING PAGKONDENA, PAKIKIRAMAY, AT MATATAG NA PANININDIGAN SA BATAS AT DIGNIDAD

Kami, ang Triskelion Order of Pasig Grand Council, sa ilalim ng pamamatnugot ng Tau Gamma Phi Global (TGPG), ay mariin at buong lakas na kinokondena sa pinakamataas na antas ang kamakailang pangyayaring nag-ugnay sa pangalan ng ating minamahal na Kapatiran sa pagkamatay ng isang biktima ng “HAZING” sa Cavite. Ang ganitong karahasan at kawalang-puso ay tahasang salungat sa mga pinahahalagahan ng Kapatiran, paggalang sa buhay, dignidad ng tao, at tunay na pagkakapatiran.

Mariin naming itinatatwa na ang anumang anyo ng “hazing”, pananakit, pananakot, o lihim na ritwal ay bahagi ng aming doktrina o gawain. Ang sinumang kumikilos sa labag sa batas at konsensiya ay hindi kumakatawan sa aming organisasyon at dapat managot sa buong bigat ng batas.

Bilang isang konseho na may malinaw at matibay na paninindigan, buo at walang pasubaling sinusunod ng Triskelion Order of Pasig Grand Council ang Republic Act No. 11053 (Anti-Hazing Act of 2018) at ang “No Contact Policy” (NCP). Ang NCP ay patuloy na inaangkop at pinagtitibay alinsunod sa mga alituntunin at pagpapahalagang itinakda at inaprubahan ng aming mga “Founding Fathers” at ng “Mother Chapter (UP Diliman)”. Ito ang aming malinaw na pamantayan, walang lihim, walang dahas, at walang kompromiso sa batas.

Sa sandaling ito ng dalamhati, taos-puso naming ipinapaabot ang aming pakikiramay sa pamilya at mga mahal sa buhay ng biktima. Walang salitang sapat upang tumbasan ang kanilang pagdadalamhati. Nawa’y makatagpo sila ng lakas, katarungan, at kapayapaan sa gitna ng napakalaking pagkawala.

Kasabay nito, hinihiling at iginigiit namin na manaig ang katarungan, walang kinikilingan at walang kompromiso. Ang katotohanan ay dapat lumitaw, at ang pananagutan ay dapat ipataw ayon sa batas. Ang kapatiran ay mananatiling katuwang ng mga awtoridad sa paghahanap ng katotohanan at sa pagpapatupad ng hustisya.

Sa huli, inuulit namin ang aming panata: ang tunay na kapatiran ay nagtatanggol sa buhay, sumusunod sa batas, at kumikilos nang may dangal. Hindi namin hahayaan na dungisan ng karahasan ang pangalan ng Kapatirang Tau Gamma Phi. Kami ay mananatiling matatag para sa katarungan, at para sa isang kapatirang tunay na makatao.



for information and dissemination...
05/03/2026

for information and dissemination...

Sharing Meals Spreading Smile" ✨Because when we share food, we share love. ❤️Today’s feeding program was proof that kind...
10/08/2025

Sharing Meals Spreading Smile" ✨
Because when we share food, we share love. ❤️
Today’s feeding program was proof that kindness is contagious—every smile fed our souls. 🌟

🌏

Donate blood, show you are care!♥️🩸  Join us for our blood drive and help save lives. (July 20 2025) (7am to 2pm  Elemen...
05/07/2025

Donate blood, show you are care!♥️🩸
Join us for our blood drive and help save lives. (July 20 2025) (7am to 2pm Elementary School covered ground.

Sa mga ka brod kapamilya tropa kaibigan kita kits po tayo sa blood letting.




Big shout out to my newest top fans! 💎 Daniel Dela Peña, Eric Son Bea, Erwin Rubio Tejeros, GeraLd Bondoc Bautista, Zack...
06/06/2025

Big shout out to my newest top fans! 💎 Daniel Dela Peña, Eric Son Bea, Erwin Rubio Tejeros, GeraLd Bondoc Bautista, Zack Nang Pham, Jonnel Gonzales

Drop a comment to welcome them to our community,

Congratulations po sa mga nanalo sa atin raffle draw.Maari po ninyong dulugin kung paano makuha ang prices sa mga solici...
06/06/2025

Congratulations po sa mga nanalo sa atin raffle draw.
Maari po ninyong dulugin kung paano makuha ang prices sa mga solicitor ng ticket or Kay brother (MKC Eric Son Bea )

Maraming salamat po sa Inyong suporta sa aming fundraising project.

Sa mga nais po mag donate ng dugo kita kits po sa March 2 2025 sa damayan covered court pinagbuhatan.Be a hero donate bl...
26/02/2025

Sa mga nais po mag donate ng dugo kita kits po sa March 2 2025 sa damayan covered court pinagbuhatan.

Be a hero donate blood.

23/01/2025

Wag pasaway 😂

Address

Pasig
1602

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nagpayong Triskelion Community Chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Nagpayong Triskelion Community Chapter:

Share