09/04/2026
Ngayong Araw ng Kagitingan, pagninilayan natin ang salitang GITING. Hindi bilang kabayanihan, kundi and kahulugan ng GITING sa mga Pasigueño.
Sa pagsasaliksik, nakinig tayo sa kung ano ang kahulugan ng GITING para sa Pasigueño?
Ang mga salitang gaya ng TAPANG, DANGAL, MALASAKIT, TAPAT, KABAYANIHAN, at INTEGRIDAD, etc, nabuo ang larawan ng word cloud, mula sa boses ng komunidad.
Ito ang mga katangiang kusang iniuugnay ng mga Pasigueño sa marangal na pagkamamamayan at makabuluhang pamumuhay.
Nakasandig sa tunay na karanasan ng mga tao, ipinapakita nito ang ating iisang pagpapahalaga at isang malinaw na diwa na ang Pasigueño ay tunay na magiting.