29/05/2025
Kengkoy ka nga ba, o wala ka lang talagang ginagawa?"
Real talk 'to, brod, ‘wag masyadong balat-sibuyas —
Kasi kung kaya mong magpatawa buong araw,
Sigurado, kaya mo ring gumawa ng paraan para umangat.
Oo, masarap yung "hoy brod, joke lang!"
Pero minsan, puro joke na lang,
Wala nang silbi, wala nang ambag,
Triskelion ka ba talaga, o mascot lang ng chapter n’yo, brad?
Hindi sukatan ng galing yung paramihan ng memes.
Hindi leadership ang paramihan ng comments sa group chat.
Ang tunay na brod — tahimik magtrabaho,
Pero malakas ang impact. Solid ang values. Hindi bara-bara.
Baka nakakalimutan mo, bro…
Tau Gamma Phi ‘to.
Hindi tayo fraternity ng pa-cute.
Tayo ang fraternity ng may paninindigan,
May prinsipyo, may respeto,
At higit sa lahat — may silbi sa lipunan.
Kaya kung kengkoy ka man ngayon, ayos lang.
Pero siguraduhin mong habang nagpapasaya ka,
May ginagawa ka rin para sa kapatiran, para sa bayan, at para sa sarili mong kinabukasan.