21/05/2025
Ngayong araw ay ginugunita namin ang pagtatapos ng ating NSTP 2 journey. Unang-una, nais naming magpasalamat sa ating Mahal na Panginoong Diyos para sa kahanga-hangang araw na ito, at sa walang sawang paggabay at pagbibigay ng biyaya sa bawat NSTP 2 session. Mula umpisa hanggang dulo, hindi Niya tayo pinabayaan—palagi Niya tayong sinamahan at inalalayan.
Gusto ko rin pong maglaan ng sandali upang bigyang-pugay ang lahat ng ating pinagdaanan, mga natutunan, at mga tagumpay na sama-sama nating nakamit.
Alam kong hindi naging madali ang simula ng NSTP 2. Naranasan natin ang pagbuo ng mga ideya kung paano sisimulan ang proyekto at kung paano ito maisasakatuparan. Ngunit dahil sa pagtutulungan, sakripisyo, at gabay ng ating mga officers, matagumpay nating naisakatuparan ang lahat—hanggang sa tayo’y makarating sa Barangay 87.
Dito sa Barangay 87, marami tayong natutunan—hindi lang bilang estudyante, kundi bilang mga boluntaryo na handang maglingkod sa komunidad. Naramdaman natin ang kaba at pressure noong una, pero unti-unti itong napalitan ng kasiyahan at pagmamalasakit habang tayo’y naglilinis ng kapaligiran, nagsasagawa ng feeding program para sa mga bata, gumagawa ng fundraising campaign, at naglunsad ng outreach program. Muli naming naunawaan ang kahalagahan ng serbisyo at kung paanong ang maliliit na hakbang ay maaaring magdulot ng malaking pagbabago.
Lubos din po kaming nagpapasalamat sa mga opisyal ng barangay, lalo na sa kanilang kapitan, na buong puso kaming tinanggap at ginabayan sa bawat gawain. Hinding-hindi po namin makakalimutan ang inyong kabutihan, ngiti, at malasakit—lahat po ng iyon ay mananatili sa aming mga puso.
At higit sa lahat, maraming salamat po sa aming g**o sa NSTP 2, si Sir RJ Reyes. Sir, kayo po ang nagsilbing pangalawang magulang namin. Tinuruan niyo kami hindi lamang ng teorya kundi ng tunay na kahulugan ng paglilingkod at pamumuno. Hindi po namin makakalimutan ang lahat ng aral, paalala, at inspirasyong ibinahagi ninyo. Nakakalungkot mang isipin na matatapos na ang inyong paggabay sa amin bilang aming instructor, pero dadalhin po namin ang inyong mga turo habang kami’y patuloy na lumalago at nagsisilbi sa bayan.
Sa pagtatapos ng programang ito, dala natin ang bagong kaalaman, karanasan, at inspirasyong magiging gabay sa ating mga susunod na hakbang. Bilang mga kabataang Pilipino, handa tayong tumugon sa tawag ng bayan.
Kami po ay masaya at proud na kabilang sa BSIT 202, isang klase na hindi kailanman sumuko sa gitna ng pagsubok at pagod.✨
Muli, maraming salamat po! HIMAKAS BSIT 202.✨
- Stephyn Blythe J. Acot
Procurement Manager of Community Assistance And Relief Efforts✨