Walang Basagan Ng Trip.

Walang Basagan Ng Trip. MAGPAKA-TOTOO KA! yan ang tama...hihi :)


Sa bawat makikilala mong tao, ipakilala mo agad ang sarili mo. Yung totoong ikaw, walang pagkukunyari.

Yung ipagmamayabang mo kung ano yung kakayahan mo lalo na pati ang kahinaan mo. Sa ganyang aspeto ka makakatagpo ng tunay na mga kaibigan. Yung matatawa pa rin sa lahat ng mga kakornihan at kababawan mo sa buhay. Yung makikinig sa mga problema mo at magbibigay ng payo, pero hahayaan ka parin nilang magdesisyon para sa sarili mo. Yung kahit hindi mo sila palaging nakakausap at nakikita, alam mong p

ag kinailangan mo sila, darating sila. Yung hindi makakaramdam ng inggit sa bawat tagumpay mo o sa kahit anung biyaya na mayroon ka bagkus natutuwa pa at ipinagmamalaki pa na ikaw ang kaibigan niya. Yung alam nilang sakyan ang ugali mo kapag may pagkakataon na salbahe ka o kaya naman minsan mabait ka. Kapag pinakilala mo agad ang sarili mo at nilayuan ka, magpasalamat ka na lang kasi nalaman mo ang tunay na kulay nila. Kapag tinanggap ka nila kahit na anong klaseng tao ka pa, magpasalamat ka sa Diyos kasi binigyan ka Niya ng
mga nilalang na maituturing mong kayamanan. :)

Address

Pasay City
1300

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Walang Basagan Ng Trip. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share