21/10/2025
๐ฃ๐๐ฏ๐น๐ถ๐ฐ ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ป๐๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฆ๐๐๐ถ๐๐ผ๐ฟ: ๐ฆ๐๐๐ฑ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ถ๐๐ฐ๐ผ๐๐ป๐ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐ฆ๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด-๐๐ฝ๐ถ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ
โHindi naman kasi sumasakay ng LRT ang mga politiko, paano nila magegets?โ
๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฆ๐ณโ๐ด ๐๐ฉ๐ฐ๐ช๐ค๐ฆ | ๐๐ข๐ฃ๐ณ๐ช๐ฆ๐ญ ๐๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐ฅ๐ณ๐ข
___
Ika nga ng Nescafรฉ, โPara kanino ka bumabangon?โ
Iba-iba ang sagot ng bawat isaโpwedeng para sa pamilya o kaibigan, o kaya naman para sa paaralan o trabaho na kailangang puntahan.
Pero para sa akin, bumabangon ako para hindi maging sardinas sa loob ng LRT-1.
Halos lahat ng Pilipino ay nakaranas ng makipag-siksikan makasakay lang sa LRT o MRT. Estudyante ka man o trabahador, isa ka sa mga naaabala sa mga aberyang hatid ng mga istasyong โyan.
Hindi naman sa pagiging mayabang, pero bilang mahabaging komyuter (aka Professional Public Transportation Survivor) kabisado ko na: alas-sais ng umaga, dagsa na ang mga taong papasok sa eskwela at opisina; alas-dose, mga gustong gumala at magpasosyal sa Betty Go-Belmonte Station; at alas-singko ng haponโang pambansang oras ng paghihirap o rush hour.
Hindi lang naman ikaw ang naaberya sa sistema, halos lahat naman ng pasahero nasisikipan sa espasyo ng tren.
Pauwi ka na nga lang, maaamoy mo pa ang pawis ng mga dumidikit saโyo.
Pila sa ticket booth? Mahaba na. Pagsakay mo pa lang para ka nang hugis sa block blast. Kailangan mo pang ipilit ang sarili mo sa tren na parang sandali na lang, iluluwa ka na.
May maririnig ka pang boses na nagrereklamo: โAng sikip na!โ o โPinilit pa kasi, ayan tuloy!โ
Pasensya na po, Ateโhindi ko rin naman piniling maging de lata rito.
Dahil sa ganitong sistema, naisip ng Department of Transportation (DOTr) na maglunsad ng 50% discount para sa mga estudyante sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3.
Trese pesos na lang ang pamasahe ko mula Baclaran hanggang Arellano University sa Gil Puyatโayos na rin, may aircon naman, โdi ba?
Pero tekaโฆ sulit nga ba talaga?
Pagdating mo sa istasyon nang 6:34 ng umaga, halos alas-siyete ka na makakasakay. Minsan natatagalan pa bago magsara โyung mga pinto ng tren.
Hindi mo nalang maiiwasang isipin, โKung nag-jeep na lang sig**o ako, baka nasa klase na ako ngayon.โ
Pagpasok mo sa tren, malamig nga ang aircon, pero puno ng tao. Wala kang mauupuan, kaya kakapit ka na lang sa handrail habang pilit umiilag sa kuyang halos matulak mo na dahil sa pag-barurot ng trenโnakakahiya naman.
At kapag may vacant na upuan, magsisimula na ang mala-Squid Games na laro ng Trip to Jerusalemโpaunahan nalang kayong lahat makaupo.
Pagdating mo sa bababaan mo, kailangan mo pang sumiko ng mga nakaharang sa daanan kasi may 15 seconds ka lang bago magsara ang pinto.
โExcuse me po, makikiraan lang po,โ sabay dasal na sana hindi ka masaraduhan.
Pagdating sa paaralan, mapapaisip ka na lang: โAyun na โyon?โ
Medyo underwhelming ha. Hindi ko naman ineexpect na magka-bullet train tayo gaya ng Japan, hindi lang sana maglagkitan sa byaheโsometimes sharing is not caring.
Umaga pa lang, badtrip ka na. Late, pawisan, amoy-araw. Kung ganito na sa umaga, paano pa kaya pag-uwiโkung kailan kalaban mo na halos kalahati ng Pilipinas?
Parang bahagi na ng Filipino culture ang ganitong sistema ng pag-commute. Siksikan, mahabang pila, init, delay, repeat daily, mapapa-if symptoms persists consult your doctor ka nalang talaga.
Hay, sa dami ng sumasakay araw-araw, hindi na nakapagtataka. Sabi sa balita, nasa kalahating milyong Pilipino raw ang gumagamit ng LRT-1 araw-araw.
Canโt relate kasi madalas MRT-3 ako.
But! That doesnโt change the fact na isa ako sa mga Pilipinong naagrabyado at umaasa sa pampublikong transportasyon. Wala naman akong ibang serbisyong masasandalan eh.
Hindi naman kasi sumasakay ng tren ang mga politiko, paano nila magegets?
Kaya hindi matatawag na tunay na solusyon ang simpleng discount sa serbisyong hindi naman makatarungan.
Pero ganoon eh, wala tayong magawa kundi umasaโt magpakatanga. Wala naman tayong ibang mapagpipilian.
Hindi makatarungang maging parte ng kultura natin ang nabubulok na sistema ng transportasyon. Hindi rin makatarungang araw-araw ay sumakay tayo sa mga tren na halos magigiba na sa kalumaan.
At higit sa lahat, hindi makatarungang ito ang realidad na kailangang pagtiisan ng daan-daang libong Pilipino.
Kahit gawin pang libre ang pamasahe, hindi pa rin ito magiging solusyon hanggaโt hindi maayos ang mismong sistema at pamamalakad.
Kahit ilang discount, bagong istasyon, o makulay na disenyo ng tren pa ang idagdag at isalpak nila, hindi nito masosolusyunan ang mapang-aping sistemang matagal nang bumabyahe sa likod ng bawat Pilipinong bumabangon araw-araw para mag-aral, magtrabaho, at mabuhay.
___
๐๐ณ๐ช๐ต๐ต๐ฆ๐ฏ ๐ฃ๐บ ๐๐ข๐ฃ๐ณ๐ช๐ฆ๐ญ ๐๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐ฅ๐ณ๐ข, ๐๐ฅ๐ช๐ต๐ฐ๐ณ-๐ช๐ฏ-๐๐ฉ๐ช๐ฆ๐ง ๐ฐ๐ง ๐๐ ๐๐ฉ๐ฆ ๐๐ต๐ข๐ฏ๐ฅ๐ข๐ณ๐ฅ, ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ถ๐ฏ๐ช๐ท๐ฆ๐ณ๐ด๐ช๐ต๐บ ๐ฑ๐ถ๐ฃ๐ญ๐ช๐ค๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ.
๐๐ฉ๐ฐ๐ต๐ฐ๐ด ๐ฃ๐บ ๐๐ช๐ค๐ฐ๐ญ๐ฆ ๐๐ข๐ณ๐จ๐ข๐ด, ๐๐ฉ๐ฐ๐ต๐ฐ๐ซ๐ฐ๐ถ๐ณ๐ฏ๐ข๐ญ๐ช๐ด๐ต ๐ฐ๐ง ๐๐ ๐๐ฉ๐ฆ ๐๐ต๐ข๐ฏ๐ฅ๐ข๐ณ๐ฅ, ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ถ๐ฏ๐ช๐ท๐ฆ๐ณ๐ด๐ช๐ต๐บ ๐ฑ๐ถ๐ฃ๐ญ๐ช๐ค๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ.