Decena Youth Organization- DYO

Decena Youth Organization- DYO A community-based youth organization in the City of Pasay recognized by the National Youth Commission (NYC) and Pasay Youth Development Office (PYDO).

PAALAM, TITO MOTIAng buong Decena Youth Organization ay nakikiramay sa mga naiwan at naulila ng aming No. 1 supporter mu...
05/09/2025

PAALAM, TITO MOTI

Ang buong Decena Youth Organization ay nakikiramay sa mga naiwan at naulila ng aming No. 1 supporter mula noon at nag-iisang TITO ng mga Batang Decena, dating Konsehal at ngayo’y Kapitan Arnel “MOTI” Arceo. 💔😭

Maraming maraming salamat sa lahat ng tulong at pag-aalalay mo sa mga kabataan. Hindi matatawaran ang ambag para sa aming kinabukasan. Mahal ka naming lahat.

Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa. 🙏🕊️✝️



HAPPY BIRTHDAY, CHAIRMAN LEEROY!Isang masaya at punum-puno ng pagmamahal na pagbati sa nagtatag at tagapayo ng ating sam...
27/05/2025

HAPPY BIRTHDAY, CHAIRMAN LEEROY!

Isang masaya at punum-puno ng pagmamahal na pagbati sa nagtatag at tagapayo ng ating samahan, Chairman Robert Leeroy Lim! Ipinagmamalaki ka ng bawat isang Batang Decena, hindi lang dahil sa iyong galing at talino bagkus sa walang sawang paggabay at pag-agapay sa aming lahat. Kahit ikaw ay Kapitan na, prayoridad mo pa rin kaming mga kabataan. Maraming Salamat.





https://www.facebook.com/share/p/16KTD7NnYf/?mibextid=wwXIfr

MALIGAYANG KAARAWAN, CHAIRMAN LEEROY LIM! 🎂🍻💙🎊🎉🇵🇭

Maraming maraming salamat sa iyong di mapapantayan at matatawarang paglilingkod para sa ating mga Kabarangay 94. Magdadalawang taon ka pa lamang bilang aming Punong Barangay, subalit naibuhos mo na ang mga proyekto at programang "deserve" naming lahat. Ikaw ang nagpatunay na KAYA PALA, PWEDE PALA, at ang mga pinapangarap lamang namin noon ay reyalidad na ngayon.

Nawa'y maipagpatuloy mo pa ang iyong mga nasimulan at magtiwala ka lamang na ang mga taga-Barangay 94, siyempre hindi lahat dahil may mga naninira na sa'yo kasi hindi nila nagawa ang mga nagawa mo, ay nasa likod mo upang sumuporta at tumindig para sa mga pangarap mo sa ating lugarin.

Dasal namin ang iyong kalakasan, kalusugan, at kaligtasan sa lahat ng oras at panahon upang magtuloy-tuloy pa ang iyong serbisyo para sa amin, dahil naniniwala kaming lahat na ikaw pa rin ang mananatili at ipinagmamalaking Punong Barangay ng Barangay 94- Sona 11, Lungsod ng Pasay. Mahal ka namin at mabuhay ka!




25/02/2025



Isang pagbati kay Barangay 94 SK Chairman Vlad Dominic Paradela sa pag-organisa ng kauna-unahang Eco-City Youth Congress ng Lungsod ng Pasay.

At dahil tayo ay proud sa kanya, tuloy-tuloy ang ating suporta. Hinihikayat natin ang lahat ng Batang Decena na i-like at i-follow ang kanilang official page.

https://www.facebook.com/share/18Mf4MKhak/?mibextid=wwXIfr



Youth Organization

PULIS NA BATANG DECENA, KINILALAKinilala ng pamunuan ng Southern Police District (SPD) ang batang Decena, dating SK Chai...
17/02/2025

PULIS NA BATANG DECENA, KINILALA

Kinilala ng pamunuan ng Southern Police District (SPD) ang batang Decena, dating SK Chairman at Kagawad ng Barangay 94, at ngayo’y isa ng alagad ng batas, Police Officer Jackma Guerrero dahil sa kanyang pagligtas sa isang buhay noong nakaraang linggo. Ang kanyang ipinamalas na katapangan at kabutihan ay tunay na tatak DYO!

Ipinagmamalaki naming lahat! Saludo kami sa iyong dedikasyon sa paglilingkod sa bayan. 🫡👮‍♂️💙



Address

Pasay City
1300

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Decena Youth Organization- DYO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Decena Youth Organization- DYO:

Share