17/08/2026
Suspendido ang face-to-face classes bukas, Agosto 18, 2026 sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod Pasay batay sa direktiba ng Ina ng Lungsod Pasay, Mayor Emi Calixto-Rubiano at rekomendasyon ng Pasay Disaster Risk Reduction Management Office. Ang suspensyon ay dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan dala ng Low Pressure Area.
Ang pamunuan ng mga paaralan ay inaatasan na gumamit ng alternatibong paraan ng pagtuturo at pagkatuto batay sa kanilang kakayahan.
Para sa pagtugon sa dagling pangangailangan o emergency response, maaaring makipag-ugnayan sa Pasay City Disaster Risk Reduction and Management Office gamit ang Pasay City Trunkline 888-PASAY (72729) loc. 1371, 1372 o 1373 o kaya sa numero bilang 09054939111/ 85517777/ 88338512.