20/08/2026
‼️ 𝙀𝙋𝙎 𝙆𝙊𝙍𝙀𝘼: 𝘗𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘮𝘢𝘨-𝘢𝘱𝘱𝘭𝘺 𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘍𝘢𝘤𝘵𝘰𝘳𝘺 𝘞𝘰𝘳𝘬𝘦𝘳 𝘴𝘢 𝘚𝘰𝘶𝘵𝘩 𝘒𝘰𝘳𝘦𝘢?‼️
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQ)
❓Paano makapagtrabaho sa Korea bilang isang factory worker?
➡️ Sa pamamagitan ng EPS (Employment Permit System). Ang visa para sa kategoryang ito ay E-9 Visa.
❓Anu-anong bansa ang nakakapagpadala ng workers sa ilalim ng EPS Korea?
➡️ May 17 bansa ang kabilang sa EPS program:
Philippines, Indonesia, Myanmar, Thailand, Pakistan, China, Mongolia, Bangladesh, Kyrgyzstan, Timor-Leste, Nepal, Vietnam, Uzbekistan, Sri Lanka, Laos, Cambodia, at Tajikistan.
❓Saang kategorya pwedeng magtrabaho ang mga Pilipino?
➡️ Para sa mga Pilipino, kasalukuyang bukas ang EPS sa mga sumusunod na sektor:
*Manufacturing (Factory-based - pinakamaraming slot)
*Shipbuilding
*Agriculture & Livestock
*Services (hal. Restaurant/Hotel staff & Caregiver pilot programs)
❓ Ano ang mga kwalipikasyon para makapag-apply sa EPS?
➡️ Dapat ay taglay mo ang mga sumusunod:
✅May valid passport (at least 1 year validity bago ang exam)
✅Edad 18 hanggang 38 taong gulang
✅Walang educational attainment requirement (open kahit kanino)
✅Walang physical o medical condition na makakaapekto sa trabaho (hal. slip disc, finger amputation)
✅Walang Color Blindness o Color Weakness (Ishihara test)
✅Walang history ng Tuberculosis (TB)
✅Walang record ng overstaying o deportation sa Korea (o hindi nagstay ng higit 5 taon sa Korea)
✅Walang derogatory record / pending criminal case sa Pilipinas
✅Walang restriction sa paglabas ng Pilipinas (Departure restriction)
❓ Kung qualified ako, ano ang susunod kong gagawin?
➡️ Mag-aral ng Korean Language (Hangul) at maghintay ng opisyal na anunsyo mula sa DMW (Department of Migrant Workers, dating POEA) para sa registration ng EPS-TOPIK exam.
Ang mga makakapasa lamang sa EPS-TOPIK at Skill Test ang magkakaroon ng pagkakataong maisama sa Job Roster na pagpipilian ng mga Korean employer.
❓ Tuwing kailan ang registration ng EPS-TOPIK exam?
➡️ Walang permanenteng buwan o petsa. Nakadepende ito sa ihinihinging quota ng HRD Korea. Palagiang bisitahin ang opisyal na website at page ng DMW (www.dmw.gov.ph) para sa opisyal na anunsyo.
❓ Paano ang paraan ng pagpaparehistro?
➡️ Ginagawa ito sa pamamagitan ng Online Registration sa DMW system. Siguraduhing mayroon ka nang aktibong account sa DMW E-Registration Portal.
❓ Pagkatapos makapasa sa EPS-TOPIK, ano ang susunod na gagawin?
➡️ Susundin ang mga instructions ng DMW (Government-to-Government process):
1. Kumuha ng kinakailangang Medical Examination sa DMW-accredited clinic.
2. I-submit ang mga kinakailangang dokumento sa DMW.
3. Gumawa ng personal account sa official EPS website (www.eps.go.kr).
Ipapasok ng HRD Korea ang iyong pangalan sa Job Roster habang naghihintay ng makakakuha na employer (Employment Permit Issue).
❓ Magkano ang gastos sa pag-apply bilang EPS worker?
➡️ WALANG PLACEMENT FEE ang EPS Program. Ang mga legal na gagastusin lamang ng aplikante ay:
1. EPS-TOPIK Exam Fee
2. Medical Examination Fee
3. Passporting & NBI Clearance
4. DMW/OWWA processing fees at mandatory insurance
5. Plane ticket
6. Pocket money pagdating sa Korea (mga $200 USD)
❓ Pwede ba mag-apply ang mga babae bilang EPS worker?
➡️ Opo, pwedeng-pwede. may mga female applicants ding nakakapasa at napipili ng mga employer sa Korea.
❓ Paano ang uri ng pag-eexam at saan ito ginagawa?
➡️ Ito ay sa pamamagitan ng CBT (Computer-Based Test) at ginaganap sa DMW CBT Center (Main Office sa Mandaluyong). May mga pagkakataon ding nagbubukas ng regional testing centers tulad sa La Union o Cebu/Aklan depende sa anunsyo ng DMW.
❓ Kung nakapasa ako sa EPS-TOPIK, sigurado na ba na makakapagtrabaho sa Korea?
➡️ Hindi po. Ang pagpasa sa EPS-TOPIK at Skill Test ay nangangahulugan lamang na qualified ka na maihalal ang pangalan sa Job Roster. Ang mismong pagpili at pag-hire ay nakadepende pa rin sa mga Korean Employer.
❓ Magkano ang sweldo sa Korea?
➡️ Ang minimum wage bawat oras sa South Korea ay 10,320 won (~₱430/oras).
Basic Monthly Pay (5 days/week, 8 hrs/day - 209 hrs): 2,156,880 won (humigit-kumulang ₱90,000 gross salary).
May Overtime / 6 Days a Week: Karaniwan sa mga EPS workers ang may kasamang overtime o panggabing duty, kaya ang kabuuang kinikita ay maaaring umabot sa 2,500,000 – 3,500,000+ won (~₱100,000 hanggang ₱145,000+ depende sa kumpanya at dami ng OT).
❓ May iba pa bang private agency na pwedeng pag-applyan ng EPS Korea?
➡️ WALA. Ang DMW lamang ang nag-iisang legal at lisensyadong government agency sa Pilipinas na nagpoproseso ng EPS (Government-to-Government system). Mag-ingat sa mga ilegal na recruiter at illegal placement agencies!
❓ Ilang taon pwedeng magtrabaho sa Korea sa ilalim ng E-9 Visa?
➡️ Ang kontrata ay 3 taon sa simula, at pwedeng ma-extend ng 1 taon at 10 buwan (kabuuang 4 years & 10 months) nang hindi na kailangang umuwi muna ng Pilipinas.
❓ Saan maaaring kumuha ng opisyal na impormasyon?
➡️ Bisitahin lamang ang mga opisyal na websites:
DMW Official Website: www.dmw.gov.ph
EPS HRD Korea: eps.hrdkorea.or.kr
___________
Gusto mo bang mas maintindihan ang tamang pagkakasunod-sunod ng legal na proseso papuntang Korea? ✈️🇰🇷
👉Sumali sa aming FREE Orientation & Awareness Seminar!
📩 Mag-message lamang sa amin para sa schedule.
(LIMITED SLOTS ONLY)
🚫NO FEES TO BE COLLECTED
💯% FREE ORIENTATION / AWARENESS SEMINAR
___________
⚠️ Please note that Hantim operates solely as an educational Korean Language Training Center dedicated to guiding and preparing EPS aspirants.
We do not operate as a recruitment agency.
We do not offer direct job placements.
We do not collect any placement or processing fees.