29/08/2025
GEORAVIN CONSTRUCTION "TIBA-TIBA" SA MGA FLOOD CONTROL PROJECTS SA BUGALLON
BUGALLON, PANGASINAN- Aabot sa P184.38-Million ang kabuuang pondo mula sa anim (6) na flood control projects ang nai-award ng DPWH sa GEORAVIN Construction and Supplies sa bayan ng Bugallon.
Bagamat ang Bugallon ay sakop ng DPWH Pangasinan 2nd District Engineering Office na nakabase sa bayan ng Lingayen, ay nakakagulat na nakuha ng GEORAVIN Construction ang nasabing mga proyekto sa DPWH Regional Office 1 na nakabase sa San Fernando City, La Union.
Sa nakalap na impormasyon sa DPWH, ang GEORAVIN Construction ay nakabase sa Labrador, Pangasinan at pagmamay-ari umano ni Municipal Councilor George P. Vinoya.
Narito ang listahan ng mga flood control projects na ginagawa ng GEORAVIN Construction sa bayan ng Bugallon:
a) BASIC INFRASTRUCTURE PROGRAM (BIP) - REHABILITATION OF FLOOD CONTROL STRUCTURE ALONG DUMOLOC RIVER, BARANGAY CAYANGA, BUGALLON, PANGASINAN (P28,814,791.04)
b) BASIC INFRASTRUCTURE PROGRAM (BIP) - REHABILITATION OF FLOOD CONTROL STRUCTURE, SITIO CUPANG, BARANGAY UMANDAY, BUGALLON, PANGASINAN (P28,814,464.41)
c) BASIC INFRASTRUCTURE PROGRAM (BIP), REHABILITATION OF FLOOD CONTROL SYSTEM, BARANGAY BANAGA, BUGALLON, PANGASINAN (P28,814,980.77)
d) BASIC INFRASTRUCTURE PROGRAM (BIP), REHABILITATION OF FLOOD CONTROL SYSTEM, BARANGAY SALASA, BUGALLON, PANGASINAN (P33,617,439.51)
e) BASIC INFRASTRUCTURE PROGRAM (BIP), REHABILITATION OF FLOOD CONTROL SYSTEM, SITIO SOCONY-ZAMBALES, BARANGAY SALASA, BUGALLON, PANGASINAN (P29,679,233.63)
f) BASIC INFRASTRUCTURE PROGRAM, REHABILITATION OF FLOOD CONTROL SYSTEM, BARANGAY SALASA, BUGALLON, PANGASINAN (P34,649,388.88)
Samantala, isang concern netizen ang nagpadala ng mga larawan ng mga ginagawang flood control projects sa bayan ng Bugallon, at makikita sa mga larawan ang maliliit na bakal na ginamit sa paggawa ng nasabing mga d**e.
Kitang-kita sa larawan na mahina o sub-standard ang paggawa ng nasabing proyekto at inaasahang madali ring masisira kapag humampas ang malakas na agos ng tubig lalo na sa panahon ng bagyo.
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng validation ang ating mga reporters kung ang mga flood control projects na nasa ipinadalang mga larawan ay ang mga proyekto na nai-award sa GEORAVIN Construction o ibang proyekto na ginagawa ng ibang kontraktor sa bayan ng Bugallon. (Ulat ni Boss Archie Ragano)
CTTO: Country Mail Online