31/08/2026
Ngayong araw ay hindi lamang isang ordinaryong araw, sapagkat ating binibigyang-pugay ang mga Pilipinong nag-alay ng tapang, sakripisyo, at paglilingkod para sa kalayaan at kinabukasan ng ating bayan.
Ang kabayanihan ay hindi lamang nasusukat sa malalaking sakripisyo. Makikita rin ito sa pagmamalasakit sa kapwa, paggawa ng tama, pagtulong sa nangangailangan, at pagiging mabuting mamamayan.
Tayo’y sumaludo sa lahat ng tunay na bayani noon, ngayon, at sa mga darating pang panahon.
Mabuhay ang mga Bayani! Mabuhay ang Pilipinas! 🇵🇭❤️
Layout by: Alliyah Velarde
Caption by: King Santos