The Book Nook Paracelis Mt. Province

The Book Nook Paracelis Mt. Province Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from The Book Nook Paracelis Mt. Province, Community Service, Paracelis.

Ito ang aming  :Nagsimula sa isang simpleng tanong: “Ate, gusto n’yo bang mabigyan kayo ng aklat?” Sa simpleng sagot na ...
11/08/2026

Ito ang aming :

Nagsimula sa isang simpleng tanong: “Ate, gusto n’yo bang mabigyan kayo ng aklat?” Sa simpleng sagot na “Oo,” isang BOOkod-tanging kuwento ang nabuo.

Isang kuwentong hindi lamang ang kaalaman sa pagbabasa ang nahasa, bagkus pati ang pagbabayanihan, pagkakaisa, at pakikipagkapwa.

Kalahating dekada—dito nagsimula ang kuwentong BOOkod Tangi ng Book Nook Paracelis, Mountain Province. Mula sa sagot na “Oo,” mga g**o, mamamayan, at mag-aaral ay nagtulong-tulong hanggang sa isang simpleng gusali ay unti-unting naipatayo.

Isang simpleng gusali na kalahating dekada na ring humuhubog sa murang isipan ng mga tao. Isang simpleng gusali, subalit kayang dalhin ang mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo. Isang simpleng gusali na punô ng mga kuwento—na sa likod ng kaalaman nito ay bumubuo rin ng kuwento ng buhay at isipan ng bawat batang pumapasok dito.

Sa bawat pagbuklat ng pahina ng libro, tumatambad ang mga larawan at letra. Simpleng larawan, simpleng letra, subalit unti-unti nitong hinuhubog ang iba’t ibang aspeto—sa pagbabasa, sa pakikibaka, hanggang sa makabuo ng isang kuwento sa tunay na buhay ng isang tao.

Sa bawat pahinang mabubuklat, maaaring isang pahina rin sa buhay ng tao ang mabago, sapagkat, katulad ng pintuan, ang mga aklat din ay maaaring maging daanan upang ang mga karanasang ayaw na nating balikan ay maaari nating maiwasan. Mga kuwento, mga gabay, mga aral na nakapaloob sa bawat pahina nito ang siyang magsisilbing ilaw upang ang kuwento ng ating buhay ay maging produktibo.

Subalit lahat ng gusali ay may pintuan. Oo, isang pintuan na maaaring daanan o daluyan upang ang kuwentong BOOkod Tangi ay hindi lamang nakakulong sa apat na sulok ng silid-basahan. Ang pagbuo ng kuwento sa buhay ay hindi lamang para sa mga taong pumapasok dito, kundi maging para sa mga nasa komunidad, upang mas mapalawak ang lugar kung saan maaaring magkaroon ng pagbabago.

Sa bawat paglabas sa pintuan, isang kuwento, isang bagong pagkatuto, isang bagong aral, at isang magandang samahan ang nabuo. Ang kuwentong BOOkod Tangi ng Book Nook Paracelis ay nakararating sa mga baryo-baryo. Hindi kailangang magarbo, hindi rin kailangang nakasakay sa kotse o motorsiklo, kundi dalawang paa na nakasuot ng tsinelas o lumang sapatos ay sapat na upang lumikha ng bagong pahina ng buhay ng mga tao sa pamayanan.

Mula sa simpleng “Oo,” isang kuwento ang nabuo—isang kuwentong nagbukas ng pintuan upang ang isang pahina ng buhay ng ilan ay mabuksan. Bawat pahina, bawat letra—hindi man nito nabuksan ang lahat ng pintuan, ang aral na dulot nito ay hindi matatawaran.

At tulad ng pahina ng ating mga aklat, ang pintuan ng ating BOOK NOOK ay laging nakabukas para sa lahat.-LBL

Samahan kami sa isang paglalakbay tungo sa pagiging BOOKod Tangi! Ang BOOKod Tangi: The Book Nook Project Online Assembly ay gaganapin sa 13-14, 20-21 ng Agusto 2026.

Kayo, ano ang inyong ?

Ito ang aming  :Wala nang mas hihigit pa na makita ang mga kabataan na masayang nagbabasa sa Book Nook! Pinatunayan ng B...
07/08/2026

Ito ang aming :

Wala nang mas hihigit pa na makita ang mga kabataan na masayang nagbabasa sa Book Nook! Pinatunayan ng Book Nook Paracelis Mountain Province na maaaring maging masaya ang pagkatuto. Mula sa paglalaro ng memory game, pati na rin sa pagpili ng babasahing aklat, siguradong lahat ng mga mambabasa ay hindi lamang natututo kundi nalilibang din. Sinasanay rin sila sa aktibong pakikinig, paghasa ng memorya, at pagbuo ng mga kasanayan sa literasiya, kasabay ang paglinang ng pagmamahal sa pagbabasa. Ang bawat pagbisita sa Book Nook ay puno ng pag-usisa, tawanan, at pagkatuto.

Samahan kami sa isang paglalakbay tungo sa pagiging BOOKod Tangi! Ang BOOKod Tangi: The Book Nook Project Online Assembly ay gaganapin sa 13-14, 20-21 ng Agusto 2026.

Kayo, ano ang inyong ?

National Book Development Board - Philippines
16/04/2026

National Book Development Board - Philippines

Address

Paracelis
2625

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Book Nook Paracelis Mt. Province posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share