10/08/2026
HOT MEALS PARA SA ILANG-ILANG VALLEY❤️
Dahil sa epekto ng Bagyong Maymay, nagsagawa ng hot meal distribution ang m Ilang-Ilang Valley Youth Officers bilang pakikiisa at pagtulong sa ating mga kabarangay. Nag-ikot ang ating mga Youth Officers sa buong area ng Ilang-Ilang Valley upang mamahagi ng mainit na sopas at iba pang hot meals sa mga residenteng nangangailangan.
Sa gitna ng pagsubok, patuloy nating isinasabuhay ang malasakit, bayanihan, at pagkakaisapara sa bawat pamilya sa ating komunidad. ❤️🤝
Ilang-Ilang Valley Youth — laging handang tumulong at maglingkod!