04/01/2026
Madumi at Mabaho ba? Pakiusap wag mo na idonate. Maawa na po kayo.
Open letter po ito sa lahat ng gustong mag-donate ng damit at gamit
😷 Kung ang idodonate po ninyo ay marumi, mabaho, sira, hindi useful, o hindi na makatarungan isuot o gamitin, pakiusap po, huwag na po ninyong idonate. Unless lilinisin/lalabhan/ipapaayos nyo po sya bago nyo po idonate.
Hindi po kami bodega at hindi po kaya ng puso namin na distribute ang mga bagay na itatapon na sana ninyo.
Wala po kaming pondo, oras, o lakas-tao para magpalaba, mag-ayos, o mag-segregate ng mga gamit na matagal nang hindi inalagaan. Ang perang gagastusin po para sa pagpapalaba o pagtatapon ay mas makabuluhang ilaan sa pagkain, gamot, at direktang tulong para sa aming mga beneficiaries.
😭 Hindi po dahil mahirap ang tatanggap, ay pwede na silang bigyan ng marumi o sirang gamit.
May dignidad po ang mga beneficiaries. Hindi sila dumping ground ng guilt o decluttering.
Kung hindi po kayo komportableng tumanggap ng isang bagay sa personal, huwag din po nating ipamigay iyon sa iba. Alam ko po good ang intention nyo pero sana po isipin po muna natin bago tayo magdonate.
⚠️ Dahil dito, malinaw po naming sasabihin:
Ang mga marumi, sira, o unusable na donasyon ay itatapon po namin, hindi dahil wala kaming pasasalamat, kundi dahil may respeto padin po tayo sa ating mga beneficiaries.
Salamat sa mga nagbibigay nang may malasakit, respeto, at tunay na malasakit, hindi lang para gumaan ang konsensya and makapagbawas ng basura sa bodega. 🙏🙏🙏
Salamat po.