New Garville Culdesac Neighborhood Association Inc.

New Garville Culdesac Neighborhood Association Inc. contact info:
[email protected]

06/09/2025

‼️Expanded Program para sa first-time homebuyers‼️

✅ Mas madaming housing options
Bukod sa condo-type housing, kasama na rin ang mga sumusunod na housing options:
-horizontal housing (subdivision-type)
-rental housing
-Community Mortgage Program (CMP)

✅ Pinababang housing loan interest
Mula sa kaniwang 6.25% na interest sa Pag-IBIG Fund housing loan, ibinaba na ito sa 3% para sa mga kwalipikadong first-time homebuyers.

✅ Bukas para sa mas maraming Pilipino
Dahil sa pagbubukas ng Expanded 4PH Program sa mas madaming housing options at pinababang housing loan interest, mas maraming pamilya o indibidwal na ang makakapag-apply kabilang na ang mga mahihirap na Pilipino.

Para sa mga available housing units, qualification at requirements, bisitahin ang Pag-IBIG website dito: https://www.pagibigfund.gov.ph/4PH_Program.html

31/08/2025

𝘼𝙣𝙜 𝙙𝙤𝙠𝙪𝙢𝙚𝙣𝙩𝙤𝙣𝙜 𝙞𝙩𝙤 𝙖𝙮 𝙣𝙖𝙜𝙥𝙖𝙥𝙖𝙡𝙞𝙬𝙖𝙣𝙖𝙜 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙪𝙣𝙖𝙝𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙪𝙣𝙩𝙤 𝙣𝙜 𝙍𝙚𝙥𝙪𝙗𝙡𝙞𝙘 𝘼𝙘𝙩 𝙉𝙤. 9904 𝙖𝙩 𝙣𝙜 2024 𝙍𝙚𝙫𝙞𝙨𝙚𝙙 𝙄𝙢𝙥𝙡𝙚𝙢𝙚𝙣𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙍𝙪𝙡𝙚𝙨 𝙖𝙣𝙙 𝙍𝙚𝙜𝙪𝙡𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣𝙨 (𝙄𝙍𝙍) 𝙣𝙞𝙩𝙤. 𝘼𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙩𝙖𝙨 𝙖𝙮 𝙞𝙥𝙞𝙣𝙖𝙩𝙪𝙩𝙪𝙥𝙖𝙙 𝙣𝙜 𝘿𝙚𝙥𝙖𝙧𝙩𝙢𝙚𝙣𝙩 𝙤𝙛 𝙃𝙪𝙢𝙖𝙣 𝙎𝙚𝙩𝙩𝙡𝙚𝙢𝙚𝙣𝙩𝙨 𝙖𝙣𝙙 𝙐𝙧𝙗𝙖𝙣 𝘿𝙚𝙫𝙚𝙡𝙤𝙥𝙢𝙚𝙣𝙩 (𝘿𝙃𝙎𝙐𝘿). 𝙋𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙠𝙪𝙢𝙥𝙡𝙚𝙩𝙤𝙣𝙜 𝙙𝙚𝙩𝙖𝙡𝙮𝙚, 𝙡𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙨𝙪𝙢𝙖𝙣𝙜𝙜𝙪𝙣𝙞 𝙨𝙖 𝙗𝙪𝙤𝙣𝙜 𝙤𝙥𝙞𝙨𝙮𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙙𝙤𝙠𝙪𝙢𝙚𝙣𝙩𝙤.
Abangan ang mga susunod na impormasyon handog na sErbisyo Lang pO ng UMADO sa kautusan ng ating Mayor Edwin L. Olivarez!

31/08/2025
18/08/2025
📸 ELECOM IN ACTION!Saludo sa ating masisipag na Election Committee (EleCom) na buong puso at maayos na nagpatupad ng hal...
10/08/2025

📸 ELECOM IN ACTION!

Saludo sa ating masisipag na Election Committee (EleCom) na buong puso at maayos na nagpatupad ng halalan ngayong araw!

Mula sa pag-aasikaso ng balota, pagsigurado ng kaayusan sa voting area, hanggang sa pagbibilang ng boto — tunay na ipinamalas ang integridad, transparency, at malasakit para sa komunidad.

Maraming salamat din sa UMADO-Paranaque City sa kanilang tulong at suporta sa buong proseso ng eleksyon. Ang inyong assistance ay naging susi sa maayos at makatarungang halalan.

Dahil sa inyong dedikasyon, naging tahimik, maayos, at makabuluhan ang ating halalan.

Tuloy ang pagtutulungan para sa mas matatag na New Garville Culdesac Neighborhood Association, Inc.

🎉 OFFICIAL ANNOUNCEMENT 🎉 New Garville Culdesac Neighborhood Association, Inc. 2025–2027 Board of DirectorsWe are proud ...
10/08/2025

🎉 OFFICIAL ANNOUNCEMENT 🎉

New Garville Culdesac Neighborhood Association, Inc. 2025–2027 Board of Directors

We are proud to introduce the newly elected Executive Officers and Board Members who will lead our community with integrity, transparency, and dedication.

Congratulations to all! Your leadership marks a new chapter of growth and unity for our neighborhood.

Thank you to every member who participated in the election process—your engagement strengthens our community.

-NGCNAI ELECOM

09/08/2025
📣 PAALALA: HALALAN BUKAS!Inaanyayahan ang lahat ng miyembro ng New Garville Culdesac Neighborhood Association, Inc. na m...
09/08/2025

📣 PAALALA: HALALAN BUKAS!

Inaanyayahan ang lahat ng miyembro ng New Garville Culdesac Neighborhood Association, Inc. na makibahagi sa halalan na gaganapin bukas, Agosto 10, 2025.

Oras ng Halalan:

⏰ Magsisimula nang eksaktong 8:00 AM
⏰ Magtatapos nang eksaktong 10:00 AM

Hindi na po tatanggap ng mga boboto pagkalipas ng 10:00 AM.

📍 Lugar: 4038 Culdesac Rotonda — ang parehong venue kung saan ginaganap ang ating regular membership meetings.

🔔 Mga Paalala:

✅ Magdala ng valid ID bilang patunay ng pagiging miyembro.
✅ Kung ikaw ay proxy, siguraduhing may dalang kumpletong proxy form at valid ID. Hindi tatanggapin ang authorization letter bilang kapalit ng proxy form o personal na presensya.
✅ Eksaktong 13 kandidato lamang ang dapat iboto. Ang balota na may higit sa 13 pangalan ay ituturing na invalid.
✅ Pagkatapos bumoto, iwasan ang pananatili sa voting area. Lalo na po sa mga kandidato — upang mapanatili ang kaayusan at integridad ng halalan.

Mahalaga ang inyong boto para sa mas maayos, inklusibo, at makabuluhang pamumuno sa ating komunidad. Huwag palampasin ang pagkakataong ito na makilahok at makiisa!

🤝 Kita-kits po tayo bukas!

Address

Culdesac Rotonda, Brgy. Sun Valley
Parañaque
1700

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when New Garville Culdesac Neighborhood Association Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share