PWD CARES Organization Brgy.MarceloGreen

PWD CARES Organization Brgy.MarceloGreen Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from PWD CARES Organization Brgy.MarceloGreen, Non-Governmental Organization (NGO), Marcelo Green Avenue, Marcelo Green, Parañaque City, Parañaque.

Ang PWD ID ay nagbibigay ng 20% discount, VAT exemption, at priority lanes. Sakop nito ang mga benepisyo mula sa pambans...
28/07/2026

Ang PWD ID ay nagbibigay ng 20% discount, VAT exemption, at priority lanes. Sakop nito ang mga benepisyo mula sa pambansang batas pati na rin ang mga lokal na programa ng lalawigan.
Mga Pangkalahatang Benepisyo (National Mandate)
▪️ Medical at Health: 20% discount at VAT exemption sa bilihin ng gamot, bitamina, medical supplies, pati sa doktor, laboratory, at diagnostic fees. Libreng PhilHealth coverage para sa mga indigent o walang trabahong PWD.
▪️ Transportasyon: 20% discount sa domestic flights, barko, tren, bus, jeepney, at taxi.
▪️ Pagkain at Leisure: 20% discount at VAT exemption sa mga restaurant, fast food, hotel, at admission fees sa sinehan o mga pasahing pangkultura. Mayroon ding 5% discount sa piling basic necessities at prime commodities.
▪️ Serbisyo: Priority o express lanes sa lahat ng commercial at government establishments.

25/06/2026

Magandang Araw po sa lahat...

Announcement para Releasing ng Free Movie Booklet.

Puwede na pong makuha ang ating “Free Movie Booklet”.

Mayroon pong dalawang paraan;

📌 Una:

* Puwede pong makuha sa PDAO -City hall
Monday - Thursday
8:00 am - 4:00 pm

📌 Pangalawa

* Sa July 9, 2026 Thursday
8:00 am - 12:00 nn
Barangay Marcelo Gym
Ito po ay 1 day event lang!

** Sa mga gusto pong mag claim sa July 9, kailangan MAGPALISTA MUNA SA ATING GC.
Pero ito po ay para sa mga sigurado/ confirmed lang na makaka punta sa nasabing date. wala pong walk in, kung sino lang ang nasa listahan yon lang ang mabibigyan ng booklet.
DEADLINE ng pag papalista ay sa June 30, 2026.

Requirements:

Member ang kukuha:
👉 1pc. 1x1 Picture
👉PWD ID ( physical card mismo)

For Authorized Representative;
👉 Authorization Letter
👉1 pc. 1x1 picture ( Member)
👉PWD ID ( physical card mismo)
👉1 Valid Government ID ng Authorized Representative
👉1 photocopy ( front and back) PWD Id with signature or thumb mark

Pareho lang po ang mga requirements kung kukuhain ang booklet sa PDAO or sa July 9,2026.
Mararaming Salamat!

Sa may mga KATANUNGAN ...CALL OR TEXT sa ating PWD Hotline-0927-5837574 (globe)
C Sec. Aya po ay wlang Messenger sa ngaun po. Kung gusto nio po mag clarify pa Call or Text po tlga sa knya. Dahil cia po Ang sasagot sa ating PWD Hotline.

Nakilahok ang ilan sa ating mga PWD ng Bgry. Marcelo Green, sa katatapos lang na"PWD awareness program" na isinagawa ng ...
25/06/2026

Nakilahok ang ilan sa ating mga PWD ng Bgry. Marcelo Green, sa katatapos lang na
"PWD awareness program" na isinagawa ng ating lokal na pamahalaan ng Parañaque, noong Hunyo 24-25, 2026.

Maligayang Kaarawan po Kap. Ian V. Aguilar 🎂God bless you po always 🙏🏼
11/05/2026

Maligayang Kaarawan po Kap. Ian V. Aguilar 🎂God bless you po always 🙏🏼

𝗛𝗔𝗣𝗣𝗬 𝗕𝗜𝗥𝗧𝗛𝗗𝗔𝗬, 𝗞𝗔𝗣 𝗜𝗔𝗡! 🎉

Isang masayang pagbati para sa ating Punong Barangay, Hon. Christian Val V. Aguilar, sa pagdiriwang ng inyong kaarawan.

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, lakas, at tagumpay sa inyong buhay at paglilingkod. Maraming salamat sa inyong dedikasyon, malasakit, at patuloy na pagsusumikap para sa ikauunlad ng Barangay Marcelo Green at ng bawat pamilyang inyong pinaglilingkuran.

Hangad ng buong komunidad ang mas marami pang biyaya, inspirasyon, at masasayang taon para sa inyo.

Mula sa buong Pamunuan at Komunidad ng Barangay Marcelo Green, maligayang kaarawan po, Kapitan Ian!



Alamin ang Ating mga katapatan ayon sa Batas
22/04/2026

Alamin ang Ating mga katapatan ayon sa Batas

Una sa lahat Maraming Salamat po Panginoon 🙏🏼Maraming salamat sa ating Butihing Punong Brgy. ng      Kapitan, Ian Aguila...
19/04/2026

Una sa lahat Maraming Salamat po Panginoon 🙏🏼
Maraming salamat sa ating Butihing Punong Brgy. ng Kapitan, Ian Aguilar, at Konsehal, Dok. Mandy Tigno, kasama ang ating PDAO Sa matagumpay na Zumba event.

07/04/2026

𝐃𝐈𝐋𝐆'𝐬 𝐒𝐚𝐟𝐞𝐫 𝐂𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬 𝐈𝐧𝐢𝐭𝐢𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞

MAKINIG PO TAYO PARA MAIWASAN ANG HINDI INAASAHAN.
Alinsunod sa pinaigting na pagpapatupad ng DILG Safer Cities Initiative, mahigpit na ipinatutupad ang mga sumusunod na alituntunin upang mapanatili ang kaayusan, disiplina, at kaligtasan sa ating komunidad:

🚫 Inuman sa Kalsada
Ipinagbabawal ang pag-iinuman sa mga pampublikong lugar tulad ng kalsada at bangketa na nagdudulot ng ingay, abala, at kalat.

🚫 Pag-topless sa Pampublikong Lugar
Hindi pinahihintulutan ang pananatili sa pampublikong lugar na walang suot na pang-itaas bilang paggalang sa kapwa at komunidad.

🚫 Pag-videoke nang Lagpas 10:00 PM
Mahigpit na ipinagbabawal ang malalakas na videoke o anumang ingay lagpas alas-10 ng gabi upang hindi makagambala sa pahinga ng iba.

🚫 Curfew for Minors
Ang mga menor de edad ay hindi pinahihintulutang gumala o manatili sa labas ng kanilang tahanan lagpas 10:00 PM. Ang sinumang lalabag ay sasailalim sa kaukulang aksyon alinsunod sa umiiral na ordinansa.

Inaanyayahan ang lahat ng residente na makiisa at sumunod sa mga alituntuning ito para sa kapayapaan at kaayusan ng ating barangay.

Sa Barangay Marcelo Green, sama-samang inihahakbang ang malasakit at serbisyo.

Itinataguyod at inaaksyunan natin para sa mas makatao, mas maayos, at mas nagkakaisang Barangay.

Let’s support and take action.

📞 𝐅𝐨𝐫 𝐄𝐦𝐞𝐫𝐠𝐞𝐧𝐜𝐢𝐞𝐬, 𝐏𝐥𝐞𝐚𝐬𝐞 𝐂𝐚𝐥𝐥

Barangay Marcelo Green Peace and Order (Main):
📍 8823-9429 / 0946-563-2185
📍8647-0400
Satellite Peace and Order Office:
📍 8800-6811 / 0981-686-6333

Para sa mga pinakabagong balita, anunsyo, at updates tungkol sa ating barangay,

i-follow at i-like ang aming opisyal na social media pages.
Sama-sama tayong maghatid ng impormasyon at serbisyong tunay na maaasahan.



Address

Marcelo Green Avenue, Marcelo Green, Parañaque City
Parañaque

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PWD CARES Organization Brgy.MarceloGreen posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share