22/07/2026
MAHALAGANG PAALALA:
Inaanyayahan ang lahat ng botante edad 18 pataas na makilahok sa gaganaping plebisito sa July 25, 2026 (Sabado) mula 7:00am to 3:00pm para sa regular voting hours at may nakalaang oras naman para sa mga senior citizens mula 5:00am to 7:00am sa lugar kung saan tayo bumoboto sa mga halalan.
Ang plebisitong ito ay isang proseso ng halalan kung saan ang mga botante ay direktang boboto kung aaprubahan o hindi ang panukalang Straight Line Policy. Layunin nito na magkaroon ng malinaw at legal na batayan sa pagtukoy ng hanganan ng mga lupa at kung saang pamahalaang local ito nasasakop.
Ito ay kinabibilangan ng limang (5) coastal barangays – Baclaran, Tambo, Don Galo, La Huerta at San Dionisio kung saan nagkaroon ng reclamation o maaaring magkakaroon pa lamang sa hinaharap.
Tayong lahat ay hinihikayat na bumoto ng YES o OO upang maging sakop ng ating barangay ang bahagi ng Manila Bay na nasa tapat ng Barangay San Dionisio.
Marami pong salamat!