22/05/2026
‘HINDI KO PO TALAGA INISIP KAILANMAN NA KAMI’Y TUMATAKAS’
Kinumpirma ni Sen. Robin Padilla na magkasabay silang umalis ng Senado ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa noong Huwebes ng madaling araw, May 14, matapos ang nangyaring putukan sa loob ng Senado.
“Thursday morning, ang dami nang pulis sa loob. May SWAT na, may CIDG nag-iimbestiga, so okay na… Sabi ko, ‘Pare, uwi muna ko, kasi hinahanap na ko ng asawa ko.’ Eh sabi ni Bato, ‘Pare, sabay na ko sayo.’ Alangan naman sabihin kong hindi? Kasi wala siyang kotse eh, ’di ba hinatid lang siya ng kotse ni [SP Alan],” wika ni Padilla.
“[…] Ako naman, hindi ko po talaga inisip kailanman na kami’y tumatakas. Ako kasi, ang alam ko, ang sinabi saking malinaw ni SP Alan Cayetano, walang warrant galing sa local court. Walang pinakitang warrant din sa amin ang NBI at PNP,” dagdag pa ng senador.
"Kaya po nung sa Makati, nung nandun na 'yung sasakyan ni Bato, nung bumaba siya [sa kotse ko], alangan namang pigilin ko si Bato? [Sabi niya], 'Pare, andyan na 'yung sasakyan ko.' [Sabi ko], 'Sige pare, go,'" pahayag pa ni Padilla.
(Facebook/Sen. Robin Padilla, Sen Bato dela Rosa)