11/05/2026
📻 WAVE BAC-LARAN 90's: YUGYUGAN SA KALYE! 🕺✨
Mga ka-batang 90's, handa na ba kayong mag-time travel? Tara na at muling ibalik ang saya, tunog, at porma ng ating kabataan!
MAKISAYA, MAKISAYAW, at MAKIYUGYOG sa pinaka-maangas at pinaka-bonggang street party ng taon! Isang gabi ito ng walang humpay na throwback at sayawan na handog ng K-LADIGOHON Laging Tutugon, Incorporated at Subtle Youth Club of Baclaran (SYCB).
Ito ang gabing hindi mo pwedeng palampasin kaya iwanan muna ang stress at i-ready na ang inyong "killer" dance moves! Tawagin na ang buong tropa at bumuo na ng inyong grupo dahil magkakaroon tayo ng isang matinding On-the-Spot Dance Showdown na siguradong yayanig sa kalsada at isuot ang inyong pang-malakasang outfit dahil magkaka-alamanan kung sino ang tatanghaling Best Dressed sa gabing ito.
Sumugod na sa pinaka-astig na dance floor ngayong taon na ating gagawin sa Pinaglabanan Street ngayong May 16, 2026.
Ang bawat padyak ay may alaala at ang bawat kanta ay may kwento, kaya ipakita natin ang tunay na galing ng batang 90’s! Yanigin natin ang Pinaglabanan! Kitakits! 🤙🔥💥