Pitong Gatang Youth Organization

Directions

Pitong Gatang Youth Organization ANGAT KABATAAN, SULONG PITONG GATANG! This is the official page of Pitong Gatang Youth Organization.

LARONG LAHI 2026Noong Agosto 25, 2026, masayang nakiisa ang Pitong Gatang Youth Organization sa Larong Lahi 2026 na hand...
27/08/2026

LARONG LAHI 2026

Noong Agosto 25, 2026, masayang nakiisa ang Pitong Gatang Youth Organization sa Larong Lahi 2026 na handog ng Sulong Kabataan ng San Dionisio na ginanap sa Old San Dionisio Gym, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026.

Taos-pusong pasasalamat sa buong Sangguniang Kabataan ng Barangay San Dionisio, sa ating SK Federation President at SK Chairwoman Denize Kathlyne Santos Park, sa pagbibigay ng pagkakataon sa aming organisasyon na makiisa sa isang makabuluhang pagdiriwang na nagbibigay-halaga sa kabataan, kultura, at tradisyon.

Sa pangunguna ng aming Pangulo at SK Kagawad Aspirant Emman Santos, nagpapasalamat kami sa lahat ng mga kalahok na nagrepresenta sa PGYO. Maraming salamat sa inyong oras, sigla, at pakikiisa. Ang inyong aktibong paglahok ay patunay na buhay na buhay ang diwa ng kabataan at pagpapahalaga sa ating kulturang Pilipino.



Maging handa sa anumang uri ng sakuna.
17/08/2026

Maging handa sa anumang uri ng sakuna.



Magkaibang Konteksto, Magkatulad na Hangarin: Pagdiriwang ng International Youth Day 2026Ngayong August 12, 2026, nakiki...
11/08/2026

Magkaibang Konteksto, Magkatulad na Hangarin: Pagdiriwang ng International Youth Day 2026

Ngayong August 12, 2026, nakikiisa ang Pitong Gatang Youth Organization (PGYO), bilang isang rehistradong miyembro ng YORP–National Youth Commission (NYC), sa pagdiriwang ng International Youth Day 2026, na siya ring National Youth Day sa Pilipinas sa bisa ng Republic Act No. 11913. Kasabay nito, ipinagdiriwang din natin ang Linggo ng Kabataan bilang pagkilala sa mahalagang papel ng kabataan sa paghubog ng ating komunidad at bansa.

Sa temang "Different Contexts, Common Aspirations", ipinapakita natin na bagama't magkakaiba ang ating pinanggagalingan, iisa ang ating mithiin, isang mas maunlad, makatarungan, at inklusibong kinabukasan para sa bawat kabataan.

Bilang kabataan, patuloy tayong makiisa, makilahok, at maging bahagi ng positibong pagbabago. Sama-sama nating ipakita na ang kabataan ay hindi lamang pag-asa ng bayan, kundi katuwang sa pagbuo nito.

Maligayang Linggo ng Kabataan!

Maligayang kaarawan, Pauljay!Nawa’y maging masaya, makabuluhan, at puno ng biyaya ang iyong espesyal na araw. Enjoy your...
04/08/2026

Maligayang kaarawan, Pauljay!

Nawa’y maging masaya, makabuluhan, at puno ng biyaya ang iyong espesyal na araw. Enjoy your day!

Pagbati mula sa iyong P.G.Y.O. FAMILY!

Maraming Salamat, Sk Federation President Hon. Denize Kathlyne Santos Park!
01/08/2026

Maraming Salamat, Sk Federation President Hon. Denize Kathlyne Santos Park!

Isang makasaysayang araw para sa Pitong Gatang Youth Organization!Ngayong araw, June 30, 2026, opisyal na nanumpa ang mg...
30/07/2026

Isang makasaysayang araw para sa Pitong Gatang Youth Organization!

Ngayong araw, June 30, 2026, opisyal na nanumpa ang mga bagong halal na opisyal at mga miyembro ng PGYO sa SK Federation Office ng Lungsod ng Parañaque, sa pangunguna ng ating SK Federation President at SK Chairwoman ng Barangay San Dionisio, Denize Kathlyne Santos Park.

Sa pangunguna ng aming Pangulo, Emman Santos, kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng makasaysayang araw na ito.

Kami ay nagpapasalamat kay Pres. Dward Santos, Pangulo ng PGPNAI, sa kanyang patuloy na suporta at paggabay sa aming samahan. Lubos din naming pinasasalamatan si Ms. Aiko Jennifer Mercado, pangulo ng LHNG, sa kanyang walang sawang suporta at pagtulong upang maisakatuparan ang aming kahilingan na makapanumpa sa opisina ni Pres. Denize. Maraming salamat po sa inyong tiwala sa PGYO.

Ang panunumpang ito ay hindi lamang simbolo ng pagtanggap sa aming tungkulin, kundi isang pangako ng tapat, responsable, at makabuluhang paglilingkod para sa kabataan at sa aming komunidad.

Sama-sama nating itaguyod ang isang aktibo, nagkakaisa, at responsableng kabataang Pitong Gatang!



Taos-pusong pagbati sa mga bagong halal na lider ng Kabataan ng Pitong Gatang Youth Organization!‎‎Mga Bagong Halal na O...
08/07/2026

Taos-pusong pagbati sa mga bagong halal na lider ng Kabataan ng Pitong Gatang Youth Organization!
‎
‎Mga Bagong Halal na Opisyal:
‎
‎𝐏𝐢𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐆𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐎𝐫𝐠𝐚𝐧𝐢𝐳𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔 - 𝟐𝟎𝟐𝟕
‎
‎𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞𝐫𝐬:
‎
‎𝐏𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭: 𝙀𝙢𝙢𝙖𝙣 𝙎𝙖𝙣𝙩𝙤𝙨
‎𝐕𝐢𝐜𝐞 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭: 𝘾𝙝𝙖𝙧𝙡𝙚𝙨 𝘽𝙚𝙟𝙖𝙧𝙖𝙨𝙘𝙤
‎𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭𝐚𝐫𝐲: 𝘼𝙡𝙫𝙞𝙣 𝙈𝙖𝙧𝙞𝙖𝙣𝙤
‎𝐓𝐫𝐞𝐚𝐬𝐮𝐫𝐞𝐫: 𝘾𝙞𝙚𝙡𝙤 𝙇𝙖𝙪𝙧𝙞𝙘𝙚 𝙐𝙣𝙜𝙪𝙧𝙞𝙖
‎𝐀𝐮𝐝𝐢𝐭𝐨𝐫: 𝙕𝙞𝙡 𝙅𝙞𝙖𝙣 𝙎𝙖𝙣𝙩𝙤𝙨
‎
‎𝐁𝐨𝐚𝐫𝐝 𝐌𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫𝐬:
‎
‎𝘽𝙧𝙖𝙣𝙙𝙤𝙣 𝙕𝙖𝙣𝙚 𝘽𝙖𝙚𝙡 (𝐂𝐡𝐚𝐢𝐫𝐦𝐚𝐧)
‎𝙅𝙤𝙝𝙣 𝙇𝙡𝙤𝙮𝙙 𝘾𝙧𝙪𝙯
‎𝙍𝙤𝙣 𝙅𝙖𝙢𝙚𝙨 𝘾𝙧𝙪𝙯
‎𝙅𝙝𝙤𝙨𝙪𝙖 𝙂𝙖𝙡𝙡𝙚𝙜𝙤
‎𝘿𝙖𝙣𝙞𝙚𝙡 𝙍𝙤𝙖
‎𝙍𝙚𝙣𝙯 𝙍𝙤𝙙𝙧𝙞𝙜𝙪𝙚𝙯
‎𝙋𝙖𝙪𝙡 𝙅𝙖𝙮 𝙎𝙖𝙣𝙩𝙤𝙨
‎𝙅𝙤𝙝𝙣 𝘾𝙖𝙧𝙡𝙤 𝙏𝙖𝙜𝙪𝙙𝙞𝙣
‎𝙁𝙝𝙧𝙞𝙣𝙘𝙚 𝙍𝙚𝙖𝙜𝙖𝙣 𝙏𝙞𝙧𝙞𝙖
‎𝘾𝙧𝙞𝙨 𝙇𝙖𝙪𝙧𝙚𝙣𝙘𝙚 𝙐𝙣𝙜𝙪𝙧𝙞𝙖
‎
‎Nawa'y magsilbi ang inyong pagkakahalal bilang panibagong simula ng tapat, responsable, at makabuluhang paglilingkod sa ating kapwa kabataan at sa buong Pitong Gatang. Hangad namin na maging gabay ninyo ang integridad, malasakit, at tunay na diwa ng paglilingkod sa bawat hakbang ng inyong panunungkulan.
‎
‎Nawa'y maging daan ang inyong pamumuno sa higit na pagkakaisa, aktibong pakikilahok ng kabataan, at patuloy na pag-unlad ng ating lugar!
‎
‎Muli, taos-pusong pagbati sa inyong lahat. Mabuhay ang kabataang Pitong Gatang!



ELEKSYON 2026Taos-pusong pagbati sa mga bagong halal na lider ng kabataan ng Pitong Gatang!Mga Bagong Halal na Opisyal:P...
01/07/2026

ELEKSYON 2026

Taos-pusong pagbati sa mga bagong halal na lider ng kabataan ng Pitong Gatang!

Mga Bagong Halal na Opisyal:

Pangulo: 𝙀𝙢𝙢𝙖𝙣 𝙎𝙖𝙣𝙩𝙤𝙨
Pangalawang Pangulo: 𝘾𝙝𝙖𝙧𝙡𝙚𝙨 𝘽𝙚𝙟𝙖𝙧𝙖𝙨𝙘𝙤
Kalihim: 𝘼𝙡𝙫𝙞𝙣 𝙈𝙖𝙧𝙞𝙖𝙣𝙤
Ingat-Yaman: 𝘾𝙞𝙚𝙡𝙤 𝙇𝙖𝙪𝙧𝙞𝙘𝙚 𝙐𝙣𝙜𝙪𝙧𝙞𝙖
Tagasuri (Auditor): 𝙕𝙞𝙡 𝙅𝙞𝙖𝙣 𝙎𝙖𝙣𝙩𝙤𝙨
Chairman of the Board: 𝘽𝙧𝙖𝙣𝙙𝙤𝙣 𝘽𝙖𝙚𝙡

Board Members:
𝙅𝙤𝙝𝙣 𝙇𝙡𝙤𝙮𝙙 𝘾𝙧𝙪𝙯
𝙍𝙤𝙣 𝙅𝙖𝙢𝙚𝙨 𝘾𝙧𝙪𝙯
𝙅𝙝𝙤𝙨𝙪𝙖 𝙂𝙖𝙡𝙡𝙚𝙜𝙤
𝘿𝙖𝙣𝙞𝙚𝙡 𝙍𝙤𝙖
𝙍𝙚𝙣𝙯 𝙍𝙤𝙙𝙧𝙞𝙜𝙪𝙚𝙯
𝙋𝙖𝙪𝙡 𝙅𝙖𝙮 𝙎𝙖𝙣𝙩𝙤𝙨
𝙅𝙤𝙝𝙣 𝘾𝙖𝙧𝙡𝙤 𝙏𝙖𝙜𝙪𝙙𝙞𝙣
𝙁𝙝𝙧𝙞𝙣𝙘𝙚 𝙍𝙚𝙖𝙜𝙖𝙣 𝙏𝙞𝙧𝙞𝙖
𝘾𝙧𝙞𝙨 𝙇𝙖𝙪𝙧𝙚𝙣𝙘𝙚 𝙐𝙣𝙜𝙪𝙧𝙞𝙖

Nawa'y magsilbi ang inyong pagkakahalal bilang panibagong simula ng tapat, responsable, at makabuluhang paglilingkod sa ating kapwa kabataan at sa buong komunidad ng Pitong Gatang. Hangad namin na maging gabay ninyo ang integridad, malasakit, at tunay na diwa ng paglilingkod sa bawat hakbang ng inyong panunungkulan.

Nawa'y maging daan ang inyong pamumuno sa higit na pagkakaisa, aktibong pakikilahok ng kabataan, at patuloy na pag-unlad ng ating pamayanan.

Muli, taos-pusong pagbati sa inyong lahat. Mabuhay ang kabataang Pitong Gatang!



Bago tuluyang matapos ang termino ng mga unang lider at miyembro ng Pitong Gatang Youth Organization (PGYO), sa pamumuno...
28/06/2026

Bago tuluyang matapos ang termino ng mga unang lider at miyembro ng Pitong Gatang Youth Organization (PGYO), sa pamumuno ni President Emman Santos, nais ipaabot ang taos-pusong pasasalamat sa bawat isa mula sa mga opisyales, hanggang sa mga miyembro ng organisasyon.

Hindi naging biro ang naging paglalakbay sa loob ng dalawang taon. Sa pamamagitan ng kanilang oras, dedikasyon, at sama-samang paglilingkod, naging posible ang pagbuo at patuloy na paglago ng organisasyon. Higit sa lahat, ang mga miyembro at kabataan ng Pitong Gatang ang nagsilbing matibay na pundasyon ng PGYO, sila ang unang naniwala, nakiisa, at nagbigay-buhay sa adhikain ng samahan.

Sila ang sumulat ng unang pahina ng kasaysayan ng Pitong Gatang Youth Organization. Ang kanilang mga ambag, sakripisyo, at iniwang pamana ay mananatiling inspirasyon sa mga susunod na henerasyon ng mga kabataang maglilingkod.

Lubos ding nagpapasalamat ang PGYO sa lahat ng mga katuwang na instutusyon at indibidwal na walang sawang sumuporta, tumulong, at nakiisa sa bawat adhikain ng samahan, lalo na sa:

• Parañaque City Government, headed by, Mayor Edwin Olivarez
• Parañaque City, 1st District Congressman Eric Olivarez
• Paranaque City Council, headed by Vice Mayor Benjo Bernabe
• SK Federation of Parañaque City, headed by SK Fed President Denize Santos Park
• Barangay San Dionisio, Barangay Council,
Headed by Kapitana Eva Olivarez
• Sulong Kabataan ng San Dionisio, also headed by Chairwoman Denize Kathlyne Santos Park
• Pitong Gatang Neighborhood Assoc. Inc., headed by President Dward Santos
• OsideMapsa
• PITONG GATANG COMMUNITY

At sa mga taong walang sawang sumusuporta at nagbibigay tulong, hindi man mabanggit ang bawat pangalan dahil sa napakarami ninyo, ang bawat tulong, oras, tiwala, at malasakit na inyong ipinagkaloob ay lubos na pinahahalagahan at hindi kailanman malilimutan. Ang inyong malasakit, panahon, at pakikipagtulungan ang naging mahalagang bahagi ng bawat proyektong naisakatuparan at bawat tagumpay na ating ipinagdiwang.

Muli, maraming salamat sa lahat ng bumuo ng PGYO. Ang inyong serbisyo at dedikasyon ang naging matibay na pundasyon ng organisasyong patuloy na maglilingkod para sa kabataan at sa komunidad.




𝐏𝐢𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐆𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐎𝐫𝐠𝐚𝐧𝐢𝐳𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐄𝐥𝐞𝐤𝐬𝐲𝐨𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔Ang halalan ay hindi lamang pagpili ng mga bagong lider, ito ay pagkakatao...
23/06/2026

𝐏𝐢𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐆𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐎𝐫𝐠𝐚𝐧𝐢𝐳𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐄𝐥𝐞𝐤𝐬𝐲𝐨𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔

Ang halalan ay hindi lamang pagpili ng mga bagong lider, ito ay pagkakataon upang marinig ang tinig ng bawat kabataan at maging bahagi ng paghubog sa kinabukasan ng ating organisasyon. Sa pamamagitan ng inyong boto, makatutulong kayo sa pagpili ng mga lider na may kakayahan, malasakit, at tunay na hangaring maglingkod para sa kapakanan ng kabataang Pitong Gatang.

Kaya naman, inaanyayahan namin ang lahat ng kabataan ng Pitong Gatang na makilahok sa 𝐏𝐢𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐆𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐎𝐫𝐠𝐚𝐧𝐢𝐳𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐄𝐥𝐞𝐤𝐬𝐲𝐨𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔 at gamitin ang inyong karapatang bumoto nang may pananagutan at pag-iisip.

𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟐𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐒𝐮𝐧𝐝𝐚𝐲)
𝟎𝟗:𝟎𝟎 𝐀𝐌
𝐏𝐢𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐆𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐂𝐡𝐚𝐩𝐞𝐥

Huwag hayaang masayang ang pagkakataong makibahagi sa isang mahalagang proseso ng ating organisasyon. Ang bawat boto ay may halaga, at ang bawat kabataang lalahok ay may ambag sa pagtataguyod ng isang mas aktibo, mas responsable, at mas nagkakaisang samahan.

𝐁𝐮𝐦𝐨𝐭𝐨 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐦𝐚. 𝐁𝐮𝐦𝐨𝐭𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐠𝐨. 𝐁𝐮𝐦𝐨𝐭𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐢𝐧𝐚𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐆𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠.

Ang iyong boto, ang iyong boses, ang iyong ambag sa ating samahan. ✨




Address

Pitong Gatang Street
Parañaque
1700

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pitong Gatang Youth Organization posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share