31/07/2026
Namahagi ang pamunuan ng Love Has No Gender sa pangunguna ni Pres. Leonaz "Lulay" Quebec kasama sina Vice President for External Affairs Meysian Villanueva Saludadez, Vice President for Youth Affairs Melson Cortez at Assistant Treasurer Jazmin Branzuela ng mga school supplies sa mga kabataan. Ito ay naglalaman ng mga notebooks, pad paper, ballpen, pencil, sharpener, yarn, crayons, water color, eraser, glue, folder, file folder, Cattleya Notes at Set of Rulers nakalagay sa plastic envelope depende sa antas ng mag-aaral. Kasabay din nito ang pamamahagi ng mga Sapatos para sa mga batang babae at ang mga notebooks na pinamahagi ng San Dionisio Sangguniang Kabataan Council sa pangunguna ni San Dionisio SK Chairman at SK Federation President Denize Kathlyne Santos Park at Committee Chairman for Education SK Kagawad Nicole Cruz. Nagpapasalamat ang pamunuan ng Love Has No Gender sa mga nagpaabot ng tulong at donasyon upang maisakatuparan ang programang ito.
Latonio's FoodHouse
Toan J-Latonio
Sulong Kabataan ng San Dionisio
SK Fed President Denize Santos Park
Maraming maraming salamat po sa inyong lahat.