Agham Youth PUP

Directions Contact the organization

Agham Youth PUP Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Agham Youth PUP, Youth Organization, Parañaque.

Student organization of patriotic, pro-people science and technology advocates, bonded together by a common interest of promoting science and technology that genuinely serve the interest of the Filipino people.

CATCH AGHAM YOUTH HERE AT BALIK SINTA PUP OVAL!
30/09/2026

CATCH AGHAM YOUTH HERE AT BALIK SINTA PUP OVAL!

‎AGHAM YOUTH PUP, NAKIISA SA TRANSPORT STRIKE CENTER NG KOMUNIDAD NG PUP!‎‎Nakiisa ang Agham Youth PUP sa Transport Stri...
29/09/2026

‎AGHAM YOUTH PUP, NAKIISA SA TRANSPORT STRIKE CENTER NG KOMUNIDAD NG PUP!
‎
‎Nakiisa ang Agham Youth PUP sa Transport Strike Center ng Komunidad ng PUP kaninang umaga, ganap na alas nuebe ng umaga, sa harap ng Petron Teresa, upang ipanawagan ang agarang pagbaba ng presyo ng langis at tutulan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin na nagpapabigat sa kabuhayan ng mamamayan.
‎
‎Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, pakikiisa sa transport strike, at pagpapahayag ng mga panawagan, ipinakita ng mga estudyante at iba't ibang sektor ang kanilang pagkakaisa sa pagsusulong ng makatarungang presyo ng langis, abot-kayang pamasahe, at kagyat na aksyon laban sa lumalalang krisis pang-ekonomiya.
‎
‎Patuloy na naninindigan ang Agham Youth PUP para sa agham na nagsisilbi sa mamamayan at sa pagsusulong ng mga makabuluhang pagbabago tungo sa pambansang industriyalisasyon at kaginhawaan ng sambayanan.
‎
‎Sa gitna ng krisis, sama-samang kumilos! Ibaba ang presyo ng langis! Ipaglaban ang karapatan at kabuhayan ng mamamayan!
‎
‎MAKIISA SA LABAN NG TSUPER:
‎🗓️ September 30, 2026
‎📍PUP
‎• 8AM All Out Pakat
‎• 11AM Local Protest
‎• 3PM Balik Sinta Protest
‎
‎

PUP COMMUNITY AGAINST OIL PRICE HIKE!🪧✊Komunidad ng PUP, magkaisa ngayong Setyembre 29-30 sa ating pagsuporta sa gaganap...
28/09/2026

PUP COMMUNITY AGAINST OIL PRICE HIKE!🪧✊

Komunidad ng PUP, magkaisa ngayong Setyembre 29-30 sa ating pagsuporta sa gaganaping Transport Strike! Kasama ang ating mga tsuper, manggagawa, at iba't ibang sektor, sama-sama nating ipanawagan ang makatarungang presyo ng langis, nakabubuhay na sahod, at pagtigil ng digmaan!

Habang halos ₱3,000–₱6,000 kada araw na ang nauubos sa diesel ng ating mga tsuper, tumatabo naman ng ₱3.8 BILYON na tubo ang Petron dahil sa pahirap na Oil Deregulation Law! Kasabwat pa ang gobyernong kumokolekta ng ₱544 MILYON KADA ARAW mula sa buwis sa diesel—mga pondo na napupunta lang sa korapsyon at pasismo imbes na sa totoong serbisyong panlipunan at edukasyon natin.

Habang nananatiling nakapako ang sahod ng ating mga manggagawa malayo sa ₱1,200 na nakabubuhay na sahod, patuloy pa ring ibinebenta ng gobyerno ang ating mga rekurso at lupain para gawing baseng pandigma ng imperyalismong US.

📅 SEPT 29 | Day 1 of Transport Strike
8:00 AM - Mass Up @ PUP Main Gate
1:00 PM - Community Kitchen
5:00 PM - Rush Hour Protest

📅 SEPT 30 | Day 2 of Transport Strike
8:00 AM – All Out Pakat
2:00 PM - Welgang Bayan @ Mendiola
3:00PM - Balik Sinta Protest

🔻 FOR FINANCIAL SUPPORT (GCASH): 09707716553 | JAO
🔻FOR IN KIND: Drop off @ PUP OSR, CHARLIE Bldg. 2nd Floor

👥 Sali na sa Coordinating Group Chat para sa updates:
👉 https://m.me/j/Uoigu6I92K7MvGNW/?send_source=gc:copy_invite_link_c

SA LABAN NG TSUPER, KASAMA ANG KOMYUTER!


‎BAHA PA RIN?‎Isang taon na ang lumipas, ngunit patuloy pa ring lubog sa baha at kahirapan ang masang Pilipino. Sa bawat...
19/09/2026

‎BAHA PA RIN?

‎Isang taon na ang lumipas, ngunit patuloy pa ring lubog sa baha at kahirapan ang masang Pilipino. Sa bawat pagbaha, may mga komunidad na nawawalan ng tahanan, kabuhayan, at seguridad. Sa bawat proyektong palpak at pahirap, buhay at kinabukasan ng mamamayan ang nakataya.

‎Bilang mga Siyentista ng Bayan, hindi nalalayo ang ating laban sa laban ng masang Pilipino. Mahalaga ang siyensya sa paglalantad ng ebidensya, pagsusuri ng mga problema, at paghahanap ng mga solusyong tunay na nagsisilbi sa masa. Ngunit walang saysay ang datos at pananaliksik kung ang mga problemang paulit-ulit na dinaranas ng samabayanan ay patuloy na pinababayaan at hindi tinutugunan ng ating gobyerno. Walang saysay ang siyensya kung hindi pinakikinggan ang boses ng sambayanan.

‎Hindi lamang baha ang ating kinakaharap. Sa likod ng paulit-ulit na pagbaha ay mga sistemang nagpapalala sa panganib, mga proyektong palyado at hindi natutuloy, at ang patuloy na pag papayaman ng mga korap. Kaya naman, naninindigan tayo na lahat ng sangkot, dapat managot!

‎Hindi dapat tabunan ng panahon ang panawagan ng sambayanan. Hindi dapat malunod sa katahimikan ang panawagan ng masa para sa hustisya. Sa harap ng kapabayaan at korapsyon, dapat manindigan ang sambayanan at sama-samang manawagan ng pananagutan.

‎Kaya ngayong September 21, kasabay ng pag-alala sa deklarasyon ng Martial Law sa ilalim ng diktadurya ni Marcos Sr., muli nating ipakita ang ating pagtutol sa pang-aabuso, panggigipit, at pagyurak sa karapatan ng mamamayan. Hindi natin kinakalimutan ang walang katapusang pagbaha ng problema. Sa harap ng patuloy na korapsyon, kapabayaan, at kawalan ng pananagutan, manatiling kumilos at makibaka.

‎Kaya makiisa sa hanay ng mga Siyentista ng Bayan at ng sambayanan! 🥼✊ Tumungo tayo sa lansangan upang ipaglaban ang ating mga karapatan, singilin si Marcos at panagutin si Sara, at sama-samang ipaglaban ang hustisya, pananagutan, at kapakanan ng sambayanan.

‎KONDUKTA

‎🗓 September 21, 2026
‎🕝 2:30 PM
‎📍 Liwasang Bonifacio

‎📱 SUMALI SA HANAY NG MGA SIYENTISTANG MAKABAYAN!

‎📩 JOIN OUR COORD GC:

‎ https://www.messenger.com/j/Uf8k5EBspgCr7S4g/?send_source=gc%3Aco

NGAYON | Nagsisimula na ang programa ng CS Community kasama ang CHK at OUS sa 6th Floor para sa ginaganap na walk out sa...
18/09/2026

NGAYON | Nagsisimula na ang programa ng CS Community kasama ang CHK at OUS sa 6th Floor para sa ginaganap na walk out sa komunidad ng PUP ngayong Setyembre 18.

Nakikiisia ang mga siyentista ng bayan sa paglaban para sa karapatan, para sa mas mataas na pondo sa edukasyon, sa dekalidad at aksesible na edukasyon, at sa lipunang magtataguyod ng maka-masa at makabayan na pag-unlad!

Muli, aming ipinapanawagan:
LAHAT NG KURAKOT, DAPAT MANAGOT!
MARCOS SINGILIN, DUTERTE PANAGUTIN!
REJECT PAX SILICA!

Hamon na lumabas sa mga klasrum upang kundenahin ang pahirap na gobyerno? KASADONG KASADO ang mga Siyentista ng Bayan di...
17/09/2026

Hamon na lumabas sa mga klasrum upang kundenahin ang pahirap na gobyerno? KASADONG KASADO ang mga Siyentista ng Bayan diyan!

Mula sa hanay ng mga Kabataang Siyentista, mahigpit na tinatanggap ng Agham Youth PUP ang hamon na mag-walkout para panagutin ang korap na rehimeng Marcos Jr!

Sa dinami-dami ng nangyayari sa ating bansa, isang taon nang nananawagan ang sambayanang Pilipino upang panagutin ang lahat ng sangkot sa pangungurakot sa napakalaking pondo ng ating bayan ngunit wala pa ring tunay na hustiyang nakakamit ang mamamayan.

Nananawagan kami sa lahat ng iskolar-siyentista ng bayan na lumabas sa kanilang klasrum at laboratoryo, singilin ang gobyerno sa pagnanakaw at pagpapahirap sa sambayanang Pilipino! Ipanawagan ang ating mga karapatan sa edukasyon at buhay! Isigaw ang sapat na pondo para sa ating pamantasan! Tutulan ang huwad na NPU Bill! Tutulan ang panghihimasok ng US sa ating bansa, tutulan ang Pax Silica!

ISKOLAR NG BAYAN, MAGKAISA!

SUMAMA SA WALKOUT BUKAS, SEPTEMBER 18, 2026!

📍 Join our Coordination Group Chat:

https://www.messenger.com/j/Uf8k5EBspgCr7S4g/?send_source=gc%3Acopy_invite_link_c

PAKITAWAG ANG MGA ISKO’T ISKA NG BAYAN! PWEDE NANG MANGARAP?! 🗣️ Pwede nang mangarap na…makilala ang mga kapwa Iskolar n...
17/09/2026

PAKITAWAG ANG MGA ISKO’T ISKA NG BAYAN! PWEDE NANG MANGARAP?! 🗣️

Pwede nang mangarap na…
makilala ang mga kapwa Iskolar ng Bayan,
makahanap ng mga ka-AGHAM sa loob at labas ng klasrum,
matuto tungkol sa AGHAM at teknokohiyang hindi lang pang laboratoryo,
at higit sa lahat, mangarap ng agham na tunay na naglilingkod sa bayan. 🔬🌾

Kung napapaisip ka rin kung para kanino ba talaga ang agham at teknolohiya? 👀

Kung gusto mong himayin ang mga isyung kinakaharap ng bayan, makipagkwentuhan, makinig, matuto, at makibahagi sa mga usaping lampas sa apat na sulok ng klasrum—

AYAN NA. TAWAG NA ‘TO. 📞

Kaya mga isko’t iska ng bayan, ihanda na ang sarili at ang inyong pinakamalupit na “pwede bang mangarap?” face dahil magkikita kita tayo sa Grand Orientation ng AGHAM Youth PUP! 🧪✊🏻

🗓️ September 19, 2026
📍Linear Park
⏰ 10 AM

Dito na natin simulan ang pangarap na ang agham at teknolohiya ay para sa masa! ✊🏻🔬




‼️ 𝙰𝙶𝙷𝙰𝙼 𝙰𝚃 𝚃𝙴𝙺𝙽𝙾𝙻𝙾𝙷𝙸𝚈𝙰, 𝙿𝙰𝚁𝙰 𝙺𝙰𝙽𝙸𝙽𝙾? 𝙿𝙰𝚁𝙰 𝚂𝙰 𝙼𝙰𝚂𝙰, 𝙷𝙸𝙽𝙳𝙸 𝚂𝙰 𝙺𝙸𝚃𝙰! ‼️📢 ISKOLAR AT SIYENTISTA NG BAYAN, HANDA KA NA BANG ...
13/09/2026

‼️ 𝙰𝙶𝙷𝙰𝙼 𝙰𝚃 𝚃𝙴𝙺𝙽𝙾𝙻𝙾𝙷𝙸𝚈𝙰, 𝙿𝙰𝚁𝙰 𝙺𝙰𝙽𝙸𝙽𝙾? 𝙿𝙰𝚁𝙰 𝚂𝙰 𝙼𝙰𝚂𝙰, 𝙷𝙸𝙽𝙳𝙸 𝚂𝙰 𝙺𝙸𝚃𝙰! ‼️

📢 ISKOLAR AT SIYENTISTA NG BAYAN, HANDA KA NA BANG IPAGSILBI ANG AGHAM AT TEKNOLOHIYA PARA SA BAYAN? ✊🧑‍🔬

Sa gitna ng tumitinding krisis, pananamantala, at kawalan ng pambansang industriyalisasyon, walang puwang ang pananahimik! Hinahamon ang bawat Iskolar ng Bayan na basagin ang ilusyon ng "neutral" na siyensya. Ang agham ay may pinapanigan at ito dapat ay para sa uring anakpawis!

Ilabas ang kaalaman sa apat na sulok ng laboratoryo at silid-aralan! Iniimbitahan ang lahat na dumalo sa paparating na 𝗚𝗿𝗮𝗻𝗱 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 ng 𝗔𝗴𝗵𝗮𝗺 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗣𝗨𝗣 ngayong 𝗶𝗸𝗮-15 𝗻𝗴 𝗦𝗲𝘁𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲, 𝟮𝟬𝟮𝟲. Ating himayin kung bakit nananatiling atrasado ang bansa, talakayin ang mga maiinit na isyung kinakaharap ng bayan at maging oriented patungkol sa Pax Silica at kung bakit ayaw natin nito!❌

BAKLASIN ang teknolohiya at siyensyang nagsisilbi lamang sa mga imperyalista at malalaking burgesya komprador! TUTULAN ANG PAX SILICA!

IPAGTANGGOL ang demokratikong karapatan ng mga siyentista ng bayan!
MAKIPAMUHAY sa malawak na hanay ng mga magsasaka't manggagawa upang isulong ang tunay na pambansang pag-unlad! 🔬🚜

GRAND ORIENTATION
🗓 September 15, 2026
🕥 1PM - 5PM
📍ROOM TBA

✍️ REGISTER NOW!!!
🔻 bit.ly/JoinAghamYouthPUP
🔻 bit.ly/JoinAghamYouthPUP
🔻 bit.ly/JoinAghamYouthPUP

💥 KUMILOS! LUMAHOK! Sabay-sabay tayong mag-aral, mag-organisa, at magpakilos! Kita-kita sa lansangan, mga siyentista ng bayan!💥

MAKE SCIENCE & TECHNOLOGY SERVE THE PEOPLE! 🧪✊

AGHAM AT TEKNOLOHIYA, IPAGLINGKOD SA MASA! 📢

AGHAM PARA SA BAYAN

ISKOLAR NG BAYAN, NGAYON AY LUMALABAN! 🔥





𝙃𝘼𝙉𝘿𝙎 𝙊𝙁𝙁 𝙅𝙊𝙉𝘼 𝙔𝘼𝙉𝙂! 𝙍𝙀𝙅𝙀𝘾𝙏 𝙋𝘼𝙓 𝙎𝙄𝙇𝙄𝘾𝘼! 𝙄𝙏𝙄𝙂𝙄𝙇 𝘼𝙉𝙂 𝙋𝘼𝙉𝙐𝙉𝙐𝙋𝙄𝙇 𝙎𝘼 𝙈𝙂𝘼 𝙏𝘼𝙂𝘼𝙋𝘼𝙂𝙏𝘼𝙉𝙂𝙂𝙊𝙇 𝙉𝙂 𝙆𝘼𝙇𝙄𝙆𝘼𝙎𝘼𝙉 𝘼𝙏 𝘽𝘼𝙔𝘼𝙉!SETYEMBRE 10 | ...
10/09/2026

𝙃𝘼𝙉𝘿𝙎 𝙊𝙁𝙁 𝙅𝙊𝙉𝘼 𝙔𝘼𝙉𝙂! 𝙍𝙀𝙅𝙀𝘾𝙏 𝙋𝘼𝙓 𝙎𝙄𝙇𝙄𝘾𝘼! 𝙄𝙏𝙄𝙂𝙄𝙇 𝘼𝙉𝙂 𝙋𝘼𝙉𝙐𝙉𝙐𝙋𝙄𝙇 𝙎𝘼 𝙈𝙂𝘼 𝙏𝘼𝙂𝘼𝙋𝘼𝙂𝙏𝘼𝙉𝙂𝙂𝙊𝙇 𝙉𝙂 𝙆𝘼𝙇𝙄𝙆𝘼𝙎𝘼𝙉 𝘼𝙏 𝘽𝘼𝙔𝘼𝙉!

SETYEMBRE 10 | BGC, TAGUIG — Sa gitna ng pagkilos laban sa Luzon Economic Corridor (LEC) Investment Forum para sa Pax Silica Initiative, ilang mga paralegal ang dinakip ng mga awtoridad, kabilang na si Jona Yang, dating Secretary General ng AGHAM (Advocates of Science and Technology for the People) at nagsilbing paralegal sa mobilisasyon. Mariing kinukundena ang panggugulo, panghaharas, at panunupil ng estado sa mga mamamayang nais lamang ipahayag ang kanilang karapatang tumutol sa hindi makabayan at siyentipikong proyekto ng mga dayuhan.

Malaking ikinababahala ang nagaganap na Luzon Economic Corridor (LEC) Investment Forum sa Grand Hyatt Hotel kasunod ng pagsusulong sa binabalak na pagpapatayo ng mga "development projects" sa loob ng LEC, kabilang ang Pax Silica Hub na patuloy na inilalako ni Bongbong Marcos. Ireresulta nito ang pagpapalayas sa ating mga magsasaka at katutubong Ayta sa kanilang mga lupang ninuno, malalalang epektong pangkalikasan, at kawalan ng demokratikong soberanyang kumilos ang bansa.

Ang Pax Silica Initiative ay ang US-led project na isinusulong sa ilalim ng pag-apruba ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) upang gawing supply chain ng semiconductor at AI hub ang libong hektarya sa ilang lugar ng Pilipinas. Nananawagan tayo sa buong science community na manindigan laban sa panunupil at igiit ang agarang pagpapalaya sa mga dinakip. Kasabay nito, sama-sama nating tanggihan ang Pax Silica at ang patuloy na panghihimasok ng imperyalismong US sa ating bayan.

Sa ngalan ng diumano’y “kaunlaran,” lalo lamang inilalapit nito ang ating lupain at ekonomiya sa interes ng dayuhang kapital, kaya mariing idinidiin ang panawagan na 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗳𝗼𝗿 𝘀𝗮𝗹𝗲 𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀.

𝙃𝘼𝙉𝘿𝙎 𝙊𝙁𝙁 𝙅𝙊𝙉𝘼 𝙔𝘼𝙉𝙂!
𝙃𝘼𝙉𝘿𝙎 𝙊𝙁𝙁 𝙎𝘾𝙄𝙀𝙉𝙏𝙄𝙎𝙏𝙎!
𝙃𝘼𝙉𝘿𝙎 𝙊𝙁𝙁 𝘼𝘾𝙏𝙄𝙑𝙄𝙎𝙏𝙎!
𝙋𝘼𝙇𝘼𝙔𝘼𝙄𝙉 𝘼𝙉𝙂 𝙇𝙀𝘾 𝙁𝙊𝙍𝙐𝙈 5!





Address

Parañaque
1016

Opening Hours

Monday 6am - 10:45pm
Tuesday 6am - 10:45am
Wednesday 6am - 10:45pm
Thursday 6am - 10:45pm
Friday 6am - 10:45pm
Saturday 6am - 10:45pm
Sunday 6am - 10:45pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Agham Youth PUP posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Agham Youth PUP:

Share