18/05/2026
Last 𝐌𝐚𝐲 𝟏𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟔, nakapaghatid tayo ng tulong at pag-asa sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Lower Barangay San Antonio Valley 1, Parañaque City. ❤️
Sa tulong ng inyong mga donasyon at walang sawang suporta, nakapagbahagi tayo ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng damit, pagkain, tubig, hygiene kits, at iba pang essentials para sa ating mga kababayang patuloy na bumabangon mula sa trahedya.
Hindi magiging posible ang misyong ito kung wala ang kabutihan at bayanihan ng bawat isa. 𝐌𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐦𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠, 𝐧𝐚𝐠𝐛𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢, 𝐚𝐭 𝐧𝐚𝐤𝐢𝐢𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐝𝐨𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐝𝐫𝐢𝐯𝐞. 🙏
Sa bawat pagtulong, may pag-asang muling nabubuo.