01/10/2026
BARANGAY ASSISTANCE SA AREA MAPPING NG DRRMO PARAÑAQUE CITY
Bilang bahagi ng patuloy na paghahanda at pag-iwas sa epekto ng pagbaha, nagbigay ng assistance ang Barangay Marcelo Green sa isinagawang area mapping ng Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) ng Parañaque City sa mga lugar na itinuturing na prone sa pagbaha sa nasasakupan ng barangay.
Layunin ng aktibidad na matukoy at maitala ang mga flood-prone areas, daluyan ng tubig, at iba pang lugar na maaaring maging vulnerable sa pagbaha, upang makatulong sa mas maayos na pagpaplano ng mga hakbang para sa disaster preparedness, prevention, at response.
Sa pamamagitan ng koordinasyon ng Barangay Marcelo Green at ng DRRMO Parañaque City, patuloy na isinusulong ang mas maagap, organisado, at epektibong pagtugon sa mga banta ng kalamidad, lalo na sa panahon ng malakas na pag-ulan at bagyo.
Sama-samang paghahanda para sa mas ligtas at mas disaster-resilient na Barangay Marcelo Green.