St. John Neumann Migrants Center

St. John Neumann Migrants Center Isang social mission program ng Redemptorist Baclaran Church na may layuning saklolohan ang mga OFW. Ang St.

John Neumann Migrants Center o Neumann Center ay isang social mission center ng Baclaran Redemptorist Church na may layuning tulungan ang ating mga migranteng Pilipino o OFWs at ang kanilang mga pamilya sa mga pangangailangan ukol sa pagtatrabaho at pamumuhay sa labas ng bansa. Alinsunod sa katangian ng ating Birheng Maria bilang “Ina ng Laging Saklolo”, ang Neumann Center ay itinaguyod upang magi

ng instrumento ng pag-aaruga, pag-hilom, at pagbubuklod sa mga OFWs at kanilang mga kapamilya. Ilan sa kanilang mga serbisyo at programa ay 1) spiritual activities and nourishment 2) psychological nourishment, 3) skills training, 4) overseas employment awareness (pag-iwas sa human trafficking at illegal recruitment), 5) overseas employment awareness para sa illegal recruitment at human trafficking, at 6) referral at network linkaging sa mga pangunahing ahensya ng gobyerno tulad ng POEA, OWWA, DFA at BSP na makakatulong sa kanilang mga pangangailangan bilang OFW o kamag-anak ng OFW.

19/08/2026
19/08/2026

Maging mapanuri sa ating komunidad. Tumulong para pigilan ang exploitasyon sa mga bata.

Dapat talaga magkatuwang ang mag-asawa sa pagplaplano para sa pamilya.
19/08/2026

Dapat talaga magkatuwang ang mag-asawa sa pagplaplano para sa pamilya.

19/08/2026

📣 ATTENTION, DEAR DEVOTEES!

Stay updated on our official livestream Masses, announcements, devotions, and other Shrine activities.

🙏 We kindly ask you to:
✔️ Follow and Like our page: https://www.facebook.com/redemptoristbaclaran

Note: This page is temporarily created to support the shrine's livestream masses in the Fb community as we wait for the resolution of our Baclaran Church page dispute case.

✔️ Scan the QR Code for quick and easy access
✔️ Share the page with your family and friends so that more devotees can stay connected with our faith community.

Thank you for your continued prayers, patience, and unwavering support as we pray for the restoration of our official page. ❤️💙

MarianDevotion CatholicChurch

OPLE CENTER
18/08/2026

OPLE CENTER

𝐌𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐎𝐅𝐖. Binigyang-diin ni Estelle Ople-Osorio, President, Blas F. Ople Policy Center and Training Institute, at anak ng yumaong dating Kalihim Maria Susana “Toots” V. Ople, ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malinaw na layunin sa serbisyo publiko kung para kanino at para saan ang bawat isa ay bumabangon at nagtatrabaho araw-araw. Ibinahagi niya ito sa kanyang pagdalo sa Department of Migrant Workers (DMW) Central Office ngayong Agosto 17, 2026.

Hinikayat ni Estelle ang mga kawani ng DMW na panatilihin ang kanilang idealismo at laging alalahanin ang dahilan kung bakit nila pinili ang serbisyo publiko, lalo na ang kanilang tungkulin na maglingkod at protektahan ang kapakanan ng overseas Filipino workers (OFWs).

“Ang Ople Center ay mananatiling kaagapay ninyo sa pagtulong sa ating mga minamahal na OFW. Para po sa lahat, sana po lahat tayo ay ma-realize natin kung para kanino at para saan natin ginagawa ang ating trabaho, para po sa ating mga OFW," ani Estelle.

Dagdag pa niya, mahalagang hindi lamang nakatuon ang pamahalaan sa mga proseso at programa, kundi marunong ding makinig sa mga OFW at tiyaking nauunawaan nila ang mga serbisyo, requirements, at proseso na kanilang kailangang pagdaanan. # #





13/08/2026
Pumunta sa DMW Website para malaman kung LEGIT ang AGENCY at ang JOB offer
13/08/2026

Pumunta sa DMW Website para malaman kung LEGIT ang AGENCY at ang JOB offer

‘ MARAMING JOB OFFER PERO WALANG JOB ORDER’
Patuloy pa rin ang pagre-recruit ng ilang mga illegal recruiter kahit walang Job Order ang mga kumpanyang ipinapakita o ibinibigay nila sa isang aplikante at pinag babayad sila ng malaking halaga.

Lalo na sa Europe, nagbibigay sila ng Job Offer na nakapangalan sa isang kumpanya at sa posisyong inaplayan ng bawat aplikante. Pero pagdating sa bansang kanilang pupuntahan, iba na ang trabaho at kumpanya na kanilang mapapasukan.

Hindi na nga nasusunod ang trabahong inaplayan, hindi rin nasusunod ang sahod na kanilang pinirmahan. Kaya maraming kababayan ang nagsisisi kung bakit sila nag-cross-country, dahil mas maganda pa ang trabaho nila at mas malaki pa ang sahod nila sa bansang kanilang pinanggalingan.

Kaya sa mga nagpaplanong mag-cross-country, mag iingat !

Sa mga Marino tama po ba ito?
13/08/2026

Sa mga Marino tama po ba ito?

Good day po sir! Please hide my identity. Ask ko lang po kung tama po ba yung ginawa ng Agency na kung kelan paalis na si Marino saka sasabihin na yung Panama License or Visa is si Marino ang magbabayad.? Nung ni hired nila wala sila sinasabi na babayaran yung Panama pero nung dispatched na saka sasabihin na idededuct daw yung 30K+ na Panama. Thanks.

Address

Ground Floor, Front Office Of The National Shrine Of Our Mother Of Perpetual Help, Redemptorist Road, Baclaran
Parañaque
1702

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. John Neumann Migrants Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to St. John Neumann Migrants Center:

Shortcuts

Share