14/07/2024
Ang pagsuporta sa LGBTQIA+ ay hindi tuwing Pride Month lang. Ito ay pang-araw-araw na pagtanggap, pagkakapantay-pantay, at pagmamahal. Sama-sama nating ipaglaban ang karapatan ng bawat isa! 🌈
Mga Vakla ng District 1 Parañaque, MAG INGAAAAAAAY! Tara na sa Grand Kembot!
Gurl, may bonggang kaganapan na magaganap! Inaanyayahan namin ang lahat ng LGBTQIA+ members at organization sa Parañaque na dumalo sa ating fabulous General Assembly. Ito’y magaganap sa San Dionisio Old Gym sa darating na July 20, 2024, 5pm onwards. Samahan niyo kami sa pag-level up ng ating community at pagtutulungan para sa pantay na karapatan para sa lahat!
✨ Anong Ganap?:
✅ Chikahan sa mga isyung dapat pag-usapan
✅ Planchahan ng mga projects para sa ating rainbow family
✅ Meet and greet with other fabulous LGBTQIA+ groups
Juice ko day, huwag niyo tong palampasin! Maging bahagi ng isang maingay, makulay, at nagkakaisang pamilyang beki!
📅 Mark your calendars: July 20
📍 Lugar: San Dionisio Old Gym
⏰ Oras: 5pm to 9pm
For more kuda and confirmation ng pag-attend, i-PM niyo kami sa aming page.
Let’s make Parañaque shine with pride and kembot! 🌈💅💖