14/05/2026
PAHAYAG NG KONDEMNASYON AT PANAWAGAN PARA SA PAG-ARESTO NG ICC KAY SEN. BATO
Mariing kinokondena ng taumbayan ang lantarang oportunismo at pamumulitika sa pagbabalik ni Sen. Bato sa loob ng bulwagan ng Senado. Ang institutyon ay para sa sambayanang Pilipino na hindi pag-aari ng mga pamilyang Duterte, Marcos, at iba pang naghaharing-uri at lalong hindi palaruan para sa drama nila Sen. Padilla at Sen. Bato maging ang oportunistang kudeta ni Sen. Cayetano.
Bigyang lugar at ang pansin ang bulag na pananapak sa buhay ng mamamayang Pilipino noong War on Drugs maging sa ngayong nagsilabasan ang flood control projects laban sa mga manunupil na priniproteksiyonan ng Senado!
Dagdag dito, diin din nating kinokondena ang tiwali at pagtatago sa likod ng batas at institusyon ng Senado, ang mga huwad na tagapaglingkod na pawang pamumulitika at drama lamang para mapalinis ang pangalan ng Mayorya ng Senado, maging ang huwad na serbisyo ni DILG Jonvic Remulla Jr. matapos nitong mangako na dadakipin mismo si Sen. Bato matapos mapatunayang may ICC warrant ang naturang senador!
MALINAW! MANIOBRA PARA PAGTAKPAN ANG ISA'T ISA!
Mula sa pagharang sa pag-aresto ng ICC hanggang sa pagpapatagal ng paglilitis maging sa unang pagkakataon na ginawang lugar-barilan ang integridad ng Senado!
Walang alyansa ng mga huwad na lider ang mangingibabaw sa masang sawang-sawa na sa sunod-sunod na impunidad ng estado!
BAYAN BAGO PAMILYA! SERBISYO, HINDI OPORTUNISMO! WALANG APELYIDO ANG SENADO!
HINDI ITO ANG SENADO NA MAY INTEGRIDAD. SENADO ITO NA PUNO NG PANG-IINSULTO SA MASA! SENADO NA PUNO NG NAKAKAINSULTONG KOMEDYA AT DRAMA!