25/03/2023
KABATAAN, PAG-ASA NG BAYAN! ✊
Noong Marso 23, 2023, bumisita ang SINAG kasama ang mga kabataang volunteers upang maghatid ng tulong sa mga nasunugan sa Brgy. Sto. Nino. Parañaque City.
Hindi lamang donasyon ang dala namin, sinugurado naming nagdala rin kami ng saya at ngiti sa mga bata at matatanda sa evacuation center sa pamamagitan ng isang programa! 🥳
Kung nais niyong magbigay ng tulong para sa mga biktima ng sunog, maaaring magpadala ng in-kind donations o monetary donations, i-contact lamang sina Yesha Guzman at Julieth Pomoy.
Hindi magiging possible ang pagbibigay tulong na ito kung wala kayo. Maraming salamat! 💛