Jetlane Village Homeowners' Association, Inc. - JVHAI

Directions

Jetlane Village Homeowners' Association, Inc. - JVHAI The official page of the Jetlane Village Homeowners' Association, Inc. - JVHAI. Barangay Vitalez, Parañaque CIty

🏛️ PEOPLE’S DAY | SEPTEMBER 17, 2026 🇵🇭ISANG PANUNUMPA, ISANG PANANAGUTAN, ISANG SERBISYO.Isang makabuluhang araw para s...
26/09/2026

🏛️ PEOPLE’S DAY | SEPTEMBER 17, 2026 🇵🇭

ISANG PANUNUMPA, ISANG PANANAGUTAN, ISANG SERBISYO.

Isang makabuluhang araw para sa Jetlane Village Homeowners’ Association, Inc. (JVHAI) matapos isagawa ngayong Setyembre 17, 2026, sa harap ng ating minamahal na Alkalde, Kgg. Edwin L. Olivarez, ang Panunumpa sa Tungkulin ng mga bagong halal na opisyal ng ating asosasyon.

Pinangunahan ni Pres. Napoleon “Nap” Laureta, kasama ang mga bagong halal na opisyal ng JVHAI, ang panunumpang nagsisilbing panibagong pangako na maglingkod nang may integridad, pagkakaisa, malasakit, at pananagutan para sa kapakanan ng bawat pamilya sa Jetlane Village.

Ang panunumpang ito ay hindi lamang seremonya ng pagtanggap ng tungkulin ito ay pananagutan sa bawat miyembro at sa buong komunidad.

Kasabay ng ating pagsusulong ng accreditation ng JVHAI bilang Civil Society Organization sa Lungsod ng Parañaque, patuloy nating paiigtingin ang ating pakikipag-ugnayan sa pamahalaan at sa iba't ibang sektor upang maihatid ang mga panukala at programang makatutulong sa ating komunidad.

Sa bagong tungkulin, bagong hamon, at bagong pagkakataon, patuloy tayong maglilingkod para sa Jetlane Village. 🤝💙

September 10, 2026🏛️ ISANG MAKASAYSAYANG HAKBANG PARA SA JETLANE VILLAGE! 💙Isang mahalagang tagumpay para sa Jetlane Vil...
26/09/2026

September 10, 2026

🏛️ ISANG MAKASAYSAYANG HAKBANG PARA SA JETLANE VILLAGE! 💙

Isang mahalagang tagumpay para sa Jetlane Village Homeowners’ Association, Inc. (JVHAI)!

Noong September 10, 2026, sa 49th Regular Session ng Sangguniang Panlungsod ng Parañaque, ay naaprubahan sa Ikalawang Pagbasa ang:

RESOLUTION NO. 652, SERIES OF 2026
“A Resolution Approving and Granting the Accreditation of the Jetlane Village Homeowners’ Association Inc. (JVHAI) as a Duly Recognized Non-Government Organization (NGO) and Representative to the Local Special Bodies in the City of Parañaque.”

Ang hakbang na ito ay mahalaga upang magkaroon ang ating samahan ng mas direktang boses at representasyon sa mga usaping may kinalaman sa kaunlaran, kapayapaan, edukasyon, seguridad, at kapakanan ng ating komunidad.

Sa sandaling makumpleto ang proseso ng accreditation, layunin ng JVHAI na maging bahagi ng mga Local Special Bodies, kabilang ang:

• City Development Council
• City Peace and Order Council
• Local School Board

Higit sa isang accreditation, ito ay boses ng bawat pamilya sa Jetlane Village—isang pagkilala sa ating pagkakaisa, organisasyon, at patuloy na pakikilahok sa mga usaping pampamayanan.

Patuloy nating isusulong ang ating mga panukala at rekomendasyon para sa mas maayos, ligtas, at maunlad na Jetlane Village at Barangay Vitalez.

Isang hakbang na ang ating nalampasan. Patuloy tayo hanggang sa pinal na pag-apruba. 🤝💙

Maraming salamat sa ating mga opisyal, miyembro, at buong komunidad ng Jetlane Village sa inyong tiwala, suporta, at pakikiisa.

MAGANDANG ARAW, JETLANE VILLAGE!NEWS UPDATE MUNA TAYO!RESOLUTION NO. 652 SERIES OF 2026A RESOLUTION APPROVING AND GRANTI...
06/09/2026

MAGANDANG ARAW, JETLANE VILLAGE!
NEWS UPDATE MUNA TAYO!

RESOLUTION NO. 652 SERIES OF 2026
A RESOLUTION APPROVING AND GRANTING THE ACCREDITATION OF THE JETLANE VILLAGE HOMEOWNERS' ASSOCIATION INC.(JVHAI) AS A DULY RECOGNIZED NON-GOVERNMENT ORGANIZATION (NGO) AND REPRESENTATIVE TO THE LOCAL SPECIAL BODIES IN THE CITY OF PARAÑAQUE.

Narito ang mahalagang ulat ukol sa accreditation ng Jetlane Village Homeowners’ Association, Inc. (JVHAI) bilang isang ganap na Civil Society Organization (CSO) sa Pamahalaang Lungsod ng Parañaque.

Patuloy ang ating pakikipag-ugnayan at paghingi ng suporta sa ating mga kagalang-galang na opisyales ng lungsod upang matagumpay na maipasa ang ating accreditation sa unang pagbasa. Malaking tulong ang ating maayos, kumpleto, at detalyadong dokumentasyon ng ating aplikasyon upang maging mabilis ang prosesong ito. Sa ngayon, nakatutok tayo sa pagpapaabot ng ating mga panukala at rekomendasyon para sa ikabubuti ng ating komunidad at ng buong lungsod.

Bakit mahalaga ang accreditation ng JVHAI?
Ang pagkilalang ito ay isang malaking hakbang upang magkaroon ang ating asosasyon ng direktang boses at representasyon sa lokal na pamahalaan ng Parañaque. Sa pamamagitan nito, mas matitiyak natin ang kaayusan, seguridad, at kapakanan ng bawat pamilya sa Jetlane Village.

Isang Makasaysayang Hakbang:
Kapag ito ay opisyal nang naaprubahan, ang JVHAI ang magiging kauna-unahang Homeowners’ Association sa Barangay Vitalez na accredited bilang Civil Society Organization sa lungsod! Magkakaroon din tayo ng pagkakataong maging kinatawan sa mga Local Special Bodies tulad ng:

- City Development Council
- City Peace and Order Council
- Local School Board

Ito ay tagumpay ng buong komunidad ng Jetlane Village, isang patunay na lumalakas at nagiging matatag ang ating boses sa ating samahan sa mga usaping direktang nakakaapekto sa ating pamumuhay.

Hinihiling po natin ang presensya at suporta ng bawat isa sa mahalagang araw na ito. Samahan niyo kaming personal na masaksihan ang makasaysayang hakbang na ito at, sa pagpapala ng Maykapal, ang pagtanggap ng ating opisyal na Accreditation Certificate at City Council Resolution.

Maraming salamat sa inyong walang sawang tiwala, pakikiisa, at pagmamahal sa ating komunidad!

Isang Boses. Isang Komunidad. Isang Jetlane Village. 💙✨




SEPTYEMBRE 02, 2026Isang mahalagang hakbang patungo sa mas matatag na pakikipagbalikatan sa ating komunidad! Matagumpay ...
02/09/2026

SEPTYEMBRE 02, 2026

Isang mahalagang hakbang patungo sa mas matatag na pakikipagbalikatan sa ating komunidad! Matagumpay na naipasa sa committee level ang mga sumusunod na resolusyon para sa akreditasyon ng mga organisasyon sa Lungsod ng Parañaque:

✅ DRAFT RESOLUTION 652, SERIES OF 2026
Jetlane Village Homeowners Association Inc. — Akreditasyon bilang opisyal na Non-Government Organization (NGO) at kinatawan sa Local Special Bodies.

Sa pamamagitan ng pagkilalang ito, mas napapatibay natin ang partisipasyon ng pribadong sektor, mga bilog ng sibikong grupo, at mga pampublikong samahan sa pagbuo ng mga programa at polisiyang makatutulong sa bawat Paraqueño. 👏💕

Maraming Salamat po!

Maraming Salamat Konsi Shannin Mae Olivarez!Ang civil society organization (CSO) Accreditation ng JVHAI ay mahalaga dahi...
25/08/2026

Maraming Salamat Konsi Shannin Mae Olivarez!

Ang civil society organization (CSO) Accreditation ng JVHAI ay mahalaga dahil nagbibigay ito sa ating homeowners association ng mas pormal na representasyon at pakikilahok sa mga Local Special Bodies ng City Government of Parañaque, tulad ng:

• City Development Council
• Local School Board
• Local Health Board
• City Peace and Order Council

Sa pamamagitan nito, mas nagkakaroon ng pagkakataon ang JVHAI na makilahok sa pagpaplano, konsultasyon, policy discussions, at mga programang direktang nakakaapekto sa kapakanan ng ating komunidad.

Isang malaking hakbang ito para sa mas malakas na boses at mas aktibong pakikilahok ng Jetlane Village sa pamahalaang lungsod Ng Parañaque.

Salamat po sa lahat Ng tumulong para maisakatuparan ito!💯



SSS TranSSSpo Caravan 2026 🚌The SSS Parañaque Tambo Branch invites everyone to join the TranSSSpo Caravan on August 26, ...
24/08/2026

SSS TranSSSpo Caravan 2026 🚌

The SSS Parañaque Tambo Branch invites everyone to join the TranSSSpo Caravan on August 26, 2026 (Wednesday), from 9:00 AM to 3:00 PM at the Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Come and take advantage of this opportunity to learn more about SSS programs, services, and benefits conveniently available for the transportation sector.

📅 Date: August 26, 2026
⏰ Time: 9:00 AM – 3:00 PM
📍 Venue: Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), #1 Kennedy Road, Barangay Tambo Parañaque City

We look forward to seeing you there! 💙

Congratulations to the newly elected Officers and Board of Directors of Jetlane Village Homeowners Association, Inc. (JV...
05/08/2026

Congratulations to the newly elected Officers and Board of Directors of Jetlane Village Homeowners Association, Inc. (JVHAI)!

May your leadership bring progress, unity, transparency, and meaningful service to the homeowners of Jetlane Village. Together, let us work towards a stronger, safer, and more vibrant community for all.




🎉 THANK YOU, JETLANE VILLAGE HOMEOWNERS! 🎉The Jetlane Village Homeowners' Association, Inc. (JVHAI) extends its heartfel...
02/08/2026

🎉 THANK YOU, JETLANE VILLAGE HOMEOWNERS! 🎉

The Jetlane Village Homeowners' Association, Inc. (JVHAI) extends its heartfelt gratitude to all homeowners who participated in our 1st General Election. Your active participation, trust, and support have made this historic milestone a success.

Congratulations to the eleven (11) newly elected Members of the Board of Directors, who shall immediately assume their mandate and begin serving the homeowners of Jetlane Village with integrity, dedication, and transparency.

To all the candidates who participated but were not elected to the eleven (11) Board seats, we sincerely thank you for your willingness to serve our community. Your commitment is highly valued, and we recognize that every volunteer has an important role in building a stronger association.

As a gesture of appreciation and inclusivity, all candidates who did not make it in the 11 board members seats will be given the opportunity to serve as Committee Chairpersons in the Association's various committees.

Together, let us continue working hand in hand for a united, progressive, and well-governed Jetlane Village.

Maraming salamat po sa inyong tiwala at pakikiisa. Ang tunay na panalo ay ang buong komunidad ng Jetlane Village! 🇵🇭💙

02/08/2026

Vote Canvassing in Progress🗳️

Transparency, fairness, and integrity remain at the heart of the 1st General Election of the Jetlane Village Homeowners' Association, Inc. (JVHAI).

The official canvassing of votes was conducted by the Election Committee (ELECOM) headed by Chairperson Ms. Keren Keziah Garcia, together with the committee members:

• Magdalena Abainza
• Estella Javier

JVHAI extends its sincere appreciation to our ELECOM for their dedication, impartiality, and commitment to ensuring that every valid vote was properly counted and canvassed.

Thank you to all the homeowners for your trust and participation in this historic election. Together, we continue to build a transparent, accountable, and united Jetlane Village community.

The voting for the Jetlane Village Homeowners’ Association, Inc. (JVHAI) officially commenced at 8:00 AM today and has n...
02/08/2026

The voting for the Jetlane Village Homeowners’ Association, Inc. (JVHAI) officially commenced at 8:00 AM today and has now concluded.

Homeowners participated in the election by casting their votes and exercising their right to choose the leaders who will serve and represent our community. We extend our sincere appreciation to everyone who took part in this important democratic process.

Thank you to all homeowners for your participation and support in helping shape the future of Jetlane Village.

Address

L. Garcia Street, Jetlane Village, Barangay Vitalez
Parañaque
1700

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jetlane Village Homeowners' Association, Inc. - JVHAI posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share