12/03/2026
𝗦𝗞 𝗧𝗔𝗠𝗕𝗢 𝗦𝗨𝗠𝗠𝗘𝗥 𝗟𝗘𝗔𝗚𝗨𝗘 𝗦𝗖𝗥𝗘𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚 🏀🏐
Dumalo ang inyong lingkod, SK Chairperson at soon-to-be Kagawad Hon. Robelyn Joy Samson, at SK Kagawad soon to be SK Chairperson Gwen Stephany Peteros, sa isinagawang screening para sa SK Tambo Summer League 2026. 💙💚💜
Taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng koponan at manlalaro na dumalo at sumailalim sa ginanap na screening sa Seaside Covered Court, gayundin sa pagdala ng kanilang kumpletong requirements.
Ang inyong pakikiisa at kooperasyon ay malaking tulong upang mas maging maayos at matagumpay ang ating nalalapit na SK Tambo Summer League 2026. Inaasahan namin ang isang masaya, ligtas, at makabuluhang liga para sa ating kabataan at komunidad.
Maraming salamat po mahal naming mga ka- barangay! 🤗