PNHS - Main TED-Ed Club

PNHS - Main TED-Ed Club An internationally accredited TED student organization of Parañaque National High School - Main.

Gentle Warriors!ALAM MO BA?Hindi si Emilio Aguinaldo ang nagwagayway ng bandila noong proklamasyon ng kalayaan ng Pilipi...
12/06/2025

Gentle Warriors!

ALAM MO BA?

Hindi si Emilio Aguinaldo ang nagwagayway ng bandila noong proklamasyon ng kalayaan ng Pilipinas noong ika-12 ng Hunyo 1898. Kundi, ito ay si Ambrosio Bautista.

Si 𝕬𝖒𝖇𝖗𝖔𝖘𝖎𝖔 𝕽𝖎𝖆𝖓𝖟𝖆𝖗𝖊𝖘 𝕭𝖆𝖚𝖙𝖎𝖘𝖙𝖆 ay isang abugado at tagapayo ng dating pangulong Hen. Emilio Aguinaldo. SIya rin ang may-akda ng “𝔄𝔠𝔱𝔞 𝔡𝔢 𝔩𝔞 𝔭𝔯𝔬𝔠𝔩𝔞𝔪𝔞𝔠𝔦𝔬𝔫 𝔡𝔢 𝔦𝔫𝔡𝔢𝔭𝔢𝔫𝔡𝔢𝔫𝔠𝔦𝔞 𝔡𝔢𝔩 𝔭𝔲𝔢𝔟𝔩𝔬 𝔉𝔦𝔩𝔦𝔭𝔦𝔫𝔞𝔰,” o ang “Act of Declaration of Philippine Independence” sa Ingles, na kaniyang binasa sa proklamasyon sa tahanan ni Aguinaldo. Matapos basahin ito ay kaniyang iwinagayway ang bandila sa bintana (hindi sa balkonahe dahil wala pa ito noong panahong iyon).

Malaki ang papel na ginampanan ni Ambrosio Bautista sa pagproklama ng ating kalayaan mula sa kamay ng mga Kastila. Bagaman hindi ito kinilala ng mga Kastila ni ng mga Amerikano (dahil sa Treaty of Paris), ang aksyong ito ay naging tanglaw ng mga Pilipino nang makamit nila ang kalayaang ilang taon nilang inaasam.

Maligayang araw ng kalayaan sa ating mga Pilipino!

Pagbati, Gentle Warriors!Sa araw na ito, ipinagdidiriwang natin ang ika-27 na anibersaryo ng pagiging lungsod ng Parañaq...
13/02/2025

Pagbati, Gentle Warriors!

Sa araw na ito, ipinagdidiriwang natin ang ika-27 na anibersaryo ng pagiging lungsod ng Parañaque.

Noong ika-11 ng Mayo, 1580 ay itinitatag ng mga prayleng agustino ang pagiging malayang bayan ng Parañaque. Kaya’t iginunita ang araw na ito bilang foundation day ng dating bayan.

Noong ika-13 ng Pebrero, 1998 naman ay inakyat sa antas bilang ‘highly-urbanized city’ ang bayan ng Parañaque mula sa bisa ng Republic Act Blg. 8507 na proponente ni Roilo Golez. Pinirmahan ito sa pangunguna ng dating pangulong Fidel V. Ramos.

Halina’t ipagdiriwang ang mahalagang araw na ito; ang araw na maggugunita sa kasaysayan at pagkakakilanlan ng mga Parañaqueño!

REFERENCES:
Republic Act No. 8507. (n.d.). https://lawphil.net/statutes/repacts/ra1998/ra_8507_1998.html?utm_source

Ang apat na mahalagang selebrasyon sa kasaysayan ng Paranaque (27th Cityhood Anniversary Special Presentation), (February 10, 2025). Parañaque City Tourism Office. Facebook. https://www.facebook.com/share/p/194MqybDJD/

This day, December 30th, marks the 128th death anniversary of our Philippine national hero, Dr. Jose P. Rizal. Moreover,...
30/12/2024

This day, December 30th, marks the 128th death anniversary of our Philippine national hero, Dr. Jose P. Rizal. Moreover, this day is called Rizal Day, commemorating his life and works.

As we acknowledge his remarkable works and ideas, let us explore one of Rizal’s last notes before his death, Mi último adiós, a poetic tribute to his beloved country.

Click the second picture below to be enlightened about the poem’s background and impact on Philippine history.

🎶Pasko na, pasko na, Tayo nang magkaisa, Pasko na, pasko naSimulan na ang saya.Boom tarat, tarat, Boom tarat, tarat, Tar...
25/12/2024

🎶Pasko na, pasko na, Tayo nang magkaisa, Pasko na, pasko na
Simulan na ang saya.

Boom tarat, tarat, Boom tarat, tarat, Tararat, tararat
Boom, boom, boom, Boom tarat, tarat, Boom tarat, tarat
Tararat, tararat, Boom, boom, boom🎶

Merry Christmas, Gentle Warriors!🌟🎅

From all of us at TED-Ed, we wish you a joyful and peaceful Christmas! May this season inspire new ideas, bring happiness to your heart, and fill your days with love and laughter. Merry Christmas and a Happy New Year!🎅🎆🎇

UNITED NATIONS DAYGentle Warriors!This day, October 24, marks the 79th year of the founding of the United Nations!When W...
24/10/2024

UNITED NATIONS DAY

Gentle Warriors!

This day, October 24, marks the 79th year of the founding of the United Nations!

When World War II was about to end in 1945, nations were in ruins, and the world wanted peace. 50 representatives of each certain country gathered at the United Nations Conference on International Organization in San Francisco, California from 25 April to 26 June 1945.

For the next two months, they proceeded to draft and then sign the UN Charter, which created a new international organization, the United Nations, hoping to prevent future wars and conflicts.

United Nations officially began on 24 October 1945, when it came into existence after its Charter had been ratified by China, France, the Soviet Union, the United Kingdom, the United States, and by a majority of other signatories.

The United Nations is still currently working to maintain international peace and security, give humanitarian assistance to those in need, protect human rights, and uphold international law. The organization has set sustainable development goals for 2030, to achieve a better and more sustainable future for us all.

Let us commemorate their founding anniversary by sharing this post with fellow students and friends, providing them with pieces of information about the United Nations’ founding.

TRIVIA: Carlos P. Romulo served as the Philippine delegate to the United Nations Conference and was the Philippine ambassador to the United Nations from 1946 to 1954.

INTERNATIONAL DAY OF PEACEGentle Warriors!This day, September 21, marks the International Day of Peace! Established in 1...
21/09/2024

INTERNATIONAL DAY OF PEACE

Gentle Warriors!

This day, September 21, marks the International Day of Peace! Established in 1981 by the United Nations General Assembly, this day is dedicated to world peace.

The United Nations recognized peace not only as the absence of conflict but also as a positive process where people express dialogues and work together to come up with solutions. This showcases cooperation and mutual understanding.

Let’s show peace by applying the spirit of cooperation! For instance, by emphasizing understanding and the right to express thoughts, we can address classroom challenges and maintain peace.

Greetings, Gentle Warriors! 👋September 5 marks the celebration of National Teachers' Month, done until October 5. Let us...
06/09/2024

Greetings, Gentle Warriors! 👋

September 5 marks the celebration of National Teachers' Month, done until October 5. Let us take this opportunity to honor the incredible and remarkable dedication of our teachers. 👏👩‍🏫🧑‍🏫

Acknowledge them! 😁Who are those teachers who have positively impacted you and your education? Put it in the comments or share this post, tagging them! ❤️

31/08/2024
Gentle Warriors!Ngayong Pambansang Araw ng mga Bayani, ginugunita natin ang ating hindi kilala at magigiting na mga tao ...
26/08/2024

Gentle Warriors!

Ngayong Pambansang Araw ng mga Bayani, ginugunita natin ang ating hindi kilala at magigiting na mga tao na nakipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas mula sa mga mananakop, at nagsilbi sa ating minamahal na bansa sa kabila ng mga hamon na ating kinaharap, tulad ng mga frontliners noong pandemyang COVID-19.

Ang Pambansang Araw ng mga Bayani ng Pilipinas ay ipinagdiriwang taun-taon sa huling Lunes ng Agosto at nagsisilbing pista opisyal. Bago ito isakatuparan sa bisa ng batas at ipagdiwang sa huling Lunes ng Agosto, ipinagdiriwang ito noon sa huling Linggo ng Agosto.

Nagsimula ang pagdiriwang ng Pambansang Araw ng mga Bayani noong ang Pilipinas ay nasa kamay ng mga Amerikano. Alinsunod sa Batas Blg. 3827, noong ika-28 ng Oktubre, 1931, ang pagdiwang ng pista opisyal na ito ay sa huling Linggo ng Agosto.

Ngunit noong ika-24 ng Hulyo, 2007, sa bisa ng Batas Republika Blg. 9492, ang Pambansang Araw ng mga Bayani ay nilipat sa huling Lunes ng Agosto, na naglalayong bawasan ang mga pagkagambala sa trabaho sa pamamagitan ng paglipat ng mga pista opisyal sa pinakamalapit na Lunes o Biyernes ng linggo.

Kaya’t sa araw na ito, ika-26 ng Agosto, kilalanin at alalahanin natin ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa bansang Pilipinas! Pahalagahan ang ating mga magigiting na bayani!

Gentle Warriors!Ngayong araw na ito, Agosto 21, 1983, si Benigno S. Aquino, Jr. ay binaril sa tarmac habang siya ay buma...
21/08/2024

Gentle Warriors!

Ngayong araw na ito, Agosto 21, 1983, si Benigno S. Aquino, Jr. ay binaril sa tarmac habang siya ay bumababa ng eroplano sa Manila International Airport.

Noong unang kwarter ng 1983, nakatanggap si Aquino ng balita tungkol sa lumalalang sitwasyon sa kanyang bansa at ang napapabalitang humihinang kalusugan ni dating pangulong Ferdinand Marcos. Nais niyang kausapin ang pangulo na ibalik sa demokrasya ang bansa, bago pa maging imposible ito.

Kaya siya ay nagdesisyong bumalik sa Pilipinas, sa kabila ng mga babala at mga panganib. Nagbabala ang gobyernong Marcos sa lahat ng international airlines na hindi sila magkakaroon ng mga karapatan sa paglapag ng eroplano at mapipilitang bumalik kapag sinubukan nilang paliparin si Aquino pabalik sa Pilipinas. Iginiit ni Aquino na likas na karapatan niya bilang isang mamamayan na bumalik sa kanyang tinubuang-bayan, at walang gobyerno ang makakapigil sa kanya na gawin ito.

Sa hapon ng ika-21 ng Agosto, 1983, pababa ni Aquino mula sa Chinese Airlines Flight 811, siya ay binaril sa kaniyang ulo. Ang isa pang lalaking naroroon sa tarmac ng paliparan, si Rolando Galman, ay binaril ilang sandali lamang matapos mapatay si Aquino.

Ang pagpatay kay Ninoy Aquino ay naging hudyat sa mga Pilipino upang mag-alab ang kanilang galit, at masimula ng rebolusyon upang mapaalis sa posisyon ang mga Marcos. Ang pagpatay kay Aquino ay nagpapakita ng katiwalian at brutalidad ng rehimeng Marcos.

Ang araw na ito ay nagpapahalaga ng katapangan at pagiging makabansa ni Aquino, na dapat itaglay bawat Pilipino. Gawin nating inspirasyon ang kaniyang kwento sa pamamagitan ng pag-share ng post na ito.

Magandang Araw, Gentle Warriors!Para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang “Filipino: Wikang Mapagpalaya,” ating...
10/08/2024

Magandang Araw, Gentle Warriors!

Para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang “Filipino: Wikang Mapagpalaya,” ating kilalanin ang historyograpiyang pananaw na pinaunlad ng isang historyador; makatutulong upang mapahalagahan nating mga Pilipino ang ating sariling kasaysayan.

Ipinakikilala ko sa inyo ang Pantayong Pananaw ni Dr. Zeus A. Salazar.

Ang kasaysayan ay “mga salaysay na may saysay para sa sinasalaysayang grupo ng tao,” wika nga ni Salazar. Ayon sa kaniya, ang mga pananaw ng mga ensiklopediya sa kasaysayan ng Pilipinas ay hindi pantayo kundi pangkami, at pansila. Sa pangkami, ang manunulat ay isang Pilipino, ang kinakausap ay mga banyaga, na gumagamit ng wikang banyaga, wikang hindi lubos na nauunawaan ng maraming Pilipino, upang maipahayag ang kasaysayan ng Pilipinas. Sa pansila, ang manunulat naman ay banyaga, ang kinakausap ay ang mga banyaga, na gumagamit ng kanilang wika. Ito ang dahilan kung bakit may mga maling pananaw ang mga banyaga, pati na rin ang mga Pilipino, sa kasaysayan ng Pilipinas. Marahil ito ngayon ang isa sa mga dahilan ng pagiging ignorante ng mga Pilipino sa mundo ng ating kasaysayan.

Kaya’t ang Pantayong Pananaw (A For Us Perspective) ay isang mahalagang historyograpiyang perspektibo; tugon para sa Westernized na pananaw ng ating kasaysayan, at paraan upang maunawaan at mapahalagahan ng maraming Pilipino ang ating sariling kasaysayan. Ang Pantayong Pananaw bilang isang historyograpiyang perspektibo ay: (1) ang nagsasalaysay ng kasaysayan ay isang Pilipino, (2) ang kausap ay ang mga Pilipino, at (3) gumagamit ng Wikang Filipino bilang wikang pagsalaysay.

Pantayong Pananaw ang nagbubuklod sa ating mga Pilipino upang ibahagi at ipahayag sa isa’t isa ang ating kasaysayan bilang isang buo, at nagbibigay sa atin ng isang karaniwang pananaw para sa hinaharap. Ito rin ay isang pamamaraan, bilang mga mag-aaral, upang makalaya tayo sa kamangmangan, magkaroon ng bagong pananaw, at mapahalagahan natin ang ating kasaysayan.

Kaya't gamitin natin ang ating sariling wika, ang Wikang Filipino!

Upang mas lalong maunawaan ang diskurso ng Pantayong Pananaw, tingnan ang sanggunian sa comments section.

𝑵𝒈𝒂𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒃𝒖𝒘𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑨𝒈𝒐𝒔𝒕𝒐, 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒑𝒂𝒈𝒅𝒊𝒘𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒈 𝑲𝑨𝑳𝑼𝑳𝑼𝑾𝑨 𝒏𝒈 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝑩𝑨𝒀𝑨𝑵!𝙸𝚙𝚊𝚐𝚍𝚒𝚠𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚗𝚐 𝚠𝚒𝚔𝚊𝚗𝚐 𝙿𝚊𝚖𝚋𝚊𝚗𝚜𝚊!𝙸𝚙𝚊𝚐𝚍𝚒𝚠𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚗𝚐 𝚠𝚒𝚔𝚊...
04/08/2024

𝑵𝒈𝒂𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒃𝒖𝒘𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑨𝒈𝒐𝒔𝒕𝒐, 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒑𝒂𝒈𝒅𝒊𝒘𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒈 𝑲𝑨𝑳𝑼𝑳𝑼𝑾𝑨 𝒏𝒈 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝑩𝑨𝒀𝑨𝑵!

𝙸𝚙𝚊𝚐𝚍𝚒𝚠𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚗𝚐 𝚠𝚒𝚔𝚊𝚗𝚐 𝙿𝚊𝚖𝚋𝚊𝚗𝚜𝚊!
𝙸𝚙𝚊𝚐𝚍𝚒𝚠𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚗𝚐 𝚠𝚒𝚔𝚊𝚗𝚐 𝙵𝚒𝚕𝚒𝚙𝚒𝚗𝚘

Sabay sabay nating ipagdiwang ang Buwan ng Wika na may temang "Fililino, Wikang Mapaglaya." para sa taong 2024

Ang temang ito ay nagpapahiwatig ng kakayahan o kapangyarihan ng isang wika na maging daan tungo sa kalayaan, pagbabago at kaunlaran. Naipapakita rin nito ang kahalagahan ng wikang Filipino sa ating pamumuhay. Kaya't patuloy natin itong tangkilikin, pagyamanin, at mahalin sapagkat ito ay sariling atin.

𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚!!
🎨: Fergienet Pendon
🖌️: Marialyn Mago

Address

Parañaque National High School-Main, 8155 Dr Arcadio Santos Ave, Parañaque, 1700 Metro Manila
Parañaque

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNHS - Main TED-Ed Club posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share